HUG
Zoie's POV
Hindi ako makatulog. Oo dati na akong tinawag ni Brant sa pangalan ko, pero iba yung ngayon. Parang ang sarap lang pakinggan ng pangalan ko kapag sya nagsabi.
Teka what the hell? anong pinagsasabi ko. Pero kase jokes aside, seryoso sya kanina nung tinawag nya ko, di ako nakagalaw sa kinakatayuan ko, ni hindi ko nga sya malingon. Yun ay dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.
Tapos yung pag thank you nya pa sobrang sincere. Ugh kung sanang ganun nalang yung ugali nya kaso hindi. Teka ano nga kasing pinagsasabi ko?! Hindi na ako toh ah. Zoie, chill. Easy ka lang self, di ka naman siguro magkakagusto dun sa lalaking yun diba?
[maybe yes or no]
AUTHOR!!!!
[Jeez! Chill, i'll stop lol.]
Keep that in mind Zoie, you can't like him okay? Because he's your enemy, you hate him, you hate everything about him. Yung nararamdaman mo, wala lang yun. Na awa ka lang sa kanya sa nangyari sa school kaya ganyan.
Magkaiba ang nag aalala sa na aawa.
Tsaka ayoko ng magkagusto ng husto sa isang tao ulit.
Natatakot na rin maging masaya, kasi may posibilidad na bukas baka hindi na.
Osya, makatulog nangalang, training namen bukas. Magpapameeting na din ako para pagusapan ang tungkol sa mga Astraea.
***
Nandito na kame sa Demonace, nakaupo ako sa isang upuan sa gilid. Nag practice lang ako ng pagbabaril, marunong naman ako, gusto ko lang na mas linisin pa ang pagkabihasa ko dito.
Habang nakaupo ako pinapanood ko yung apat na nakapartner habang nagpapractice ng iba't ibang bagay, si Mark ay nakapartner kay Felicity. Si Aiden naman at si Eira ang mag partner, sa totoo lang bagay sila sa isa't isa.
Hindi ako tanga para hindi ko mapansin si Eira na may gusto kay Aiden.
Isa na din si Felicity, sa paraan palang ng pagtitig neto kay Mark. Mahahalata mong hindi lang basta kaibigan o gang member ang turing nya rito.
Busy ako sa panonood sa kanila nung bigla akong tinawag ni Mark.
"Zoie, are you okay? Napansin ko lang, madalas kang nakatulala. Ano bang iniisip mo?" sambit nya at lumakad at umupo sa katabi kong upuan.
"I'm ok, are you guys done? can we start our meeting?" Tanong ko pa habang tinignan sila isa isa ng walang emosyon, tumango nalang silang lahat.
Dumiretso muna ako sa kwarto ko dito, may sarisarili kase kameng kwarto dito sa Demonace. Wala lang para kung sakaling tamarin kameng umuwi galing training edi dito nalang kame.
Mabilis akong naligo at nagpalit ng all black na Oversized T-shirt , Ripped Jeans, rubber shoes.
Pagkatapos kong magbihis ay agad nakong nagpunta sa meeting room namen, pinagbuksan ako ng nakabantay sa pinto. Pagkapasok ko nandun na silang lahat at mukhang mga bagong ligo rin.
Umupo ako sa upuan sa unahan.
"Now we all know, ang mga Astraea ang mga gumawa." seryoso kong sabi. Napakunot naman ang noo ni Felicity at Aiden.
"What do you mean? 'mga'? may ginawa na sila pwera dito?" tanong ni Aiden. Si mark naman ang sumagot sa kanya.
"Yes, nung minsan na nasa mall sya. May sumunod sa kanya, pero na handle na namin yun." sabi nya.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ang babaeng pinagtritripan mo ay isa palang Gangster? Akala mong simpleng Nerd na student lang, pero isa palang Leon na nagtatago sa katawang Pusa. How a gangster fall in love despite of her cold heart? A girl y...