CHAPTER 34

163 9 1
                                    

SINO BA TALAGA AKO?

Zoie's POV

Pagkatapos ng isang oras pagkatapos ng pag amin ni Mark sakin ay napagpasyahan kong bumaba at kumain.

Hindi parin ako makapaniwalang simula pagkabata namin ay gusto na niya ako. Bakit hindi ko manlang napansin? Ganun na ba ako kamanhid oh talagang magaling lang siya magtago ng nararamdaman niya?

Pagkababa ko ay nakita ko sila Aiden at Eira na paalis na sana nung nakita din nila ako.

"San kayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.

"Magtraining lang kame." Sagot ni Eira, tumango nalang ako at nagpaalam na silang umalis.

Naupo ako sa dining table at pinaghanda ako ng pagkain ng mga maids namen.

Habang kumakain ako ay naisip ko nanaman si Mark.

"Nasan sila Mark at Felicity?" Tanong ko sa isang maid na naglilinis. Hinarap naman niya ako at sumagot.

"Nasa Demonace po sila Miss Zoie. Pinatawag po sila ng parents nyo." Pagkasabi niya nun ay nangunot ang noo ko. Palagi silang wala dito at laging pumupunta sa Demonace.

Pati sila Dad and Mom hindi na ulit bumalik dito. Ano nanaman kayang pinag gagagawa ng mga yun, baka may pinaplano nanaman sila ng hindi ako sinasabihan.

Ewan ko ba bat ganyan ang parents ko. Madalas nila akong di sinasabihan pag may pinaplano sila.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng pumasok ang isang bantay sa bahay na may hawak hawak na kung ano.

"Pasensiya na po sa abala Miss Zoie, nakita po namin toh sa labas ng gate. May pangalan nyo po kaya dinala ko dito."pagkasabi niya nun ay iniabot niya sakin yung envelope.

Envelope na kulay red, hindi ganun kalaki at hindi din ganun kaliit. Tinignan ko muna kung may pangalan ba nung nagpadala pero wala. Pangalan ko lang ang nandito.

Dahan dahan ko itong binuksan. Medyo kinakabahan ako sa di malaman na dahilan.

Pagkabukas ko ay may nakita akong itim na papel sa loob nito. Kinuha ko iyon at tinignan.

W-walang nakasulat. Kahit tuldok ay wala. Nakakapagtaka pero isang itim na papel lang talaga ang nakalagay. Sinubukan ko pang tignan yung envelope pero wala na talagang ibang laman kundi yung itim na papel.

"I have a bad feeling about this."

***

Brant's POV

Naglalakad ako ngayon ng patago at may sinusundan.

Kilala niyo naman siguro kung sino yung sinusundan ko noh? Si Yen yung babaeng kamukha ni Zoie.

Malapit na magdilim pero wala siyang ibang ginawa kundi maglakad ng maglakad, hindi siya tumitigil hangga't hindi nauubos yung binibenta niyang mga mais.

Kanina pa din ako lakad ng lakad kakasunod sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko toh, pero parang may nag uudyok sakin na mas kilalanin kung sino siya.

Nung may bumili sa kaniya ay naubos na ang paninda niya, nginitian naman niya yung bumili at nagpunas ng pawis at nagsimula na ulit maglakad.

Sinundan ko parin siya papunta sa medyo liblib na lugar. Walang masyadong tao at kakaunti lang ang bahay at halos lahat ay gawa sa kahoy.

Madilim na rin ang paligid.

Nakita ko siyang naglakad papalapit sa isang maliit na bahay na gawa sa kahoy.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras.

6:53pm na kaya madilim na.

Nakita ko siyang pumasok dun sa bahay na sinasabi ko.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon