CHAPTER 42

202 12 0
                                    

IN DANGER/DEMON

Zoie's POV

Hindi ko na nakayanan pang magtagal dun dahil sunod sunod ng nagsitulo ang mga namuong luha sa mata ko.


Naglakad ako palayo sa bahay nila at dirediretsong naglalakad. Alam kong nakasunod si Brant sakin, nararamdaman ko.


"Zoie... Zoie please talk to me! Please stop.." rinig kong pagtawag niya sa akin habang sinusundan parin ako.


"Stop following me!" Pagtaas ko ng boses pero hindi ko siya nilingon o tumigil man lang sa paglalakad.


Wala pa ring tigil sa pagbagsak ang mga luha ko, paulit ulit kong pinupunasan pero meron nanamang tutulo. Pari pagluha ay hindi ko na din mapigilan.


"Zoie please let me explain." Kaagad akong tumigil sa paglalakad at nilingon siya, hindi na ako nag abalang punasan ang luhang tumulo sa pisngi ko at tinitigan siyng diretso sa mata.

Natigilan naman siya ng makita ang pagluha ko...

Shempre nasasaktan din naman ako..

"There's nothing for you to explain Brant. G-gusto ka ng kambal ko.. Ano namang gusto mong gawin ko?" Nanghihinang sambit ko pero sinusubukan kong patatagin ang loob kong makausap siya.

Nakita ko siyang hahawakan sana ako pero kaagad akong umiwas kaya napabuntong hininga nalang siya bago magsalita.

"Hndi naman porke't gusto niya ako ay gusto ko na din siya. Zoie, it's not like that." Iniiwas ko naman ang paningin ko sa mga mata niyang nakakalunod.

Kitang kita ko sa mata niya ang pag mamaka awa na intindihan siya... P-pero, paano naman ang kambal ko?

Ayoko siyang saktan pero, ayoko din namang saktan si Zakiah.

Muli ko siyang nilingon at halos hindi ko siya makita dahil sa luhang nakaharang sa mata ko.

"H-hindi ko na alam ang gagawin ko Brant. I l-love you...
...B-but i love my sister too.." nakita ko naman ang unti unting pagkunit ng noo niya na tila hindi maintindihan ang ibig kong sabihin.

"I know it's going to be hard for me but... Please stay with h-her." Pagkasabi ko nun ay ang sunod sunod na pagbagsak ng namuong luha sa mata ko.

"W-what? Are you crazy?! How can you even say that thing? I won't leave you! Never."

"But Brant-" di pa ako tapos magsalita ng inunahan na niya ako.

"No more buts Zoie. Pwede bang pakinggan mo naman ako kahit ngayon lang? Ako naman ang magdedesisyon ngayon, hindi laging ikaw. You always decide for yourself, Ending? We're both getting hurt." Sandali siyang huminto sa pagsasalita at hinawakan ako sa magkabilang pisngi at pinunasan ang luhang tumulo dito.

"We're hurting ourselves, don't you see it? Basta basta tayong nagdedesisyon kahit alam nating masasaktan tayo.. I'm tired of getting hurt too... So please, kahit ngayon lang sundin mo naman ako." Hindi na ako makasagot dahil nalunod na ako sa mga mata niyang napakasarap titigan. Napakaraming sinasabi ng mata niya at nagawa akong agawin mula sa realidad at kalimutan lahat ng nangyari.

Hindi ko siya kayang sagutin dahil pati ako ay naguguluhan.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot o kung ano ba ang dapat kong gawin ng dahil sa lahat ng nalaman ko. Para bang napuno ng impormasyon ang utak ko buong araw..

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon