I WANT TO REMEMBER YOU...
Brant's POVI woke up with Zoie in my arms.
Ang sarap sa pakiramdam na matulog at gumising katabi ng taong mahal mo.
The day when i decided to go here. I told myself that I don't want you anymore but why does my heart always longing for you?
I was staring at her while she's asleep, ng bigla akong may naalala.
Si Yen! Kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan at tinignan ako oras. 8am.
Kailangan na naming pumunta dun upang maratnan namen siya. Panigurado ay nandun pa siya sa corn field upang mag ani ng ibebenta mamaya.
Marahan kong hinawakan ang buhok ni Zoie at hinalikan siya sa noo para magising. Napadilat naman siya dahil dun.
"Good morning." Nakangiting sabi ko pagkadilat niya. Dadampian ko sana siya ng halik ng bigla siyang lumayo. Napakunot naman ako ng noo sa ginawa niya.
Tumayo sa at lumayo sa kama, habang ako at nagtataka siyang tinignan.
"Good Morning, mag t-toothbrush muna ako." Mabilis niyang sambit at tumakbo sa may banyo.
Napangisi naman ako pagkasara niya nang pinto.
Tumayo ako sa pagķakahiga at kinatok siya. Ilang segundo lang ay binuksan niya iyon at nakita kong nag sisipilyo pa siya.
Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo at nagsipilyo na din. Magkatabi nameng ginawa yun at nang matapos akong magmumog ay hinihintay ko siya.
Pagpunas niya ng bibig ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at siniil ng halik. Naramdaman ko naman ang paghawak ng mga kamay niya sa may dibdib ko.
Kinuha ko iyon at ipinaikot sa may batok ko ng hindi pinuputol ang paghahalikan namen.Hinawakan ko siya sa kaniyang bewang at binuhat paupo sa sink.
Kaya ang posisyon namin ngayon ay nakatayo ako sa gitna ng mga hita niya at siya naman ay nakaupo sa sink. Sandali akong huminto sa paghalik at tinitigan siya.
"I will never get tired of kissing you." Pagkabanggit ko nun ay pinaglapat kong muli ang mga labi namin. Mabagal ang paggalaw ng mga labi namin, mararamdaman mo kung paano namin iparamdam sa isa't isa ang pagmamahalan sa pamamagitan ng halik.
Napatigil ako ng may naalala.
"We should stop, kailangan pa nating puntahan si Yen. Baka kapag tinuloy naten toh di na kita payagang lumbas ng kwarto ng hindi na-" bigla niyang tinakpan ang bibig ko upang matigil sa sasabihin. Pinantaasan niya ako ng kilay.
"Kung anu-ano nang lumalabas sa bibig mo ha, tahiin ko kaya yan." Kunwari pa siyang nagbabawal, namumula naman ang pisngi. Pagkabitaw niya ay nginisian ko siya.
"Gusto mo naman eh, bakit hindi ba?" Kinagat ko pa ang labi ko at kinindatan siya. Umiwas naan siya ng tingin at as lalong namula.
"Teka bababa na ako." Umalis naman ako sa harap niya at bumaba siya, pagkababa ay napadaing siya. Sht! Nakalimutan kong may sugat pala siya sa paa niya.
"Fck! I'm sorry di kita natulungan, nakalimutan kong may sugat ka. Are you okay?" Nag aalalang tanong ko. Tumango tango naman siya.
Pagkatapos nun ay mag ayos na kami para makapunta kay Yen.
Nagkotse kami para mas mabilis. Habang nasa daan ay napatanong si Zoie.
"Bakit Yen ang pangalan niya? Iniba niya ba para makalimutan kami? Galit ba siya samin? Ayaw niya ba kaming makita?" Sunod sunod na tanong niya na parang kinakabahan sa pagkikita nilang magkakapatid.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ang babaeng pinagtritripan mo ay isa palang Gangster? Akala mong simpleng Nerd na student lang, pero isa palang Leon na nagtatago sa katawang Pusa. How a gangster fall in love despite of her cold heart? A girl y...