CHAPTER 18

571 43 2
                                    

TRUTH & LOVE


Zoie's POV

Nalaman na nya, nakakahiya pero dapat hindi ko ipahalata.

Gangsters ako kaya wala lang sakin yun. Walang wala!

Wala nga ba? Hay.

Tapos ko na syang gamutin, nakapagpalit na din sya ng damit nya.

"Pwede na ba akong magtanong?" sabi nya, napalingon naman ako sa kanya. Anong tanong naman?

"S-sige. " teka bat nauutal ako? putek naman oh.

"Sino ka?" ano ba namang klaseng tanong yan?

"Ako si Zoie Yaretzy Harrington." sarkastiko ko pang sambit, kumunot naman yung noo nya na parang nainis sa sagot ko, bakit totoo naman ah? ako naman talaga yun.

"I mean anong pagkatao mo? bakit ka nila tinatawag na princess? pano mo nagagawa yung ganong bagay? at bakit kayo nagdidisguise as a nerd?" ang dami naman! diba pwedeng isa isa lang?

"Okay fine, sa unang tanong mo ang sagot ay Gangster ako. Pangalawa, dahil Gangster ako. Pangatlo, kasi Gangster ako. Pang huli, kasi nga Gangsters kame." seryoso kong pang sinabi yun! totoo naman lahat ng sinabi ko. Tinignan nya ko ng masama at pumikit pa sya ng mariin at bumuntong hininga.

"Pwede bang magseryoso ka naman? Kailangan ko yung maayos na explanation dahil nadamay ako." well that makes sense.

Okay magseryoso na talaga ko, naawa nadin ako sa kanya. Alam kong dapat nyang malamang totoo para hindi na sya malito oh magtaka dahil paniguradong hindi lang ito ang maaaring mangyari sa kanya.

"Gangster kame ang pangalan ng grupo namen ay Black Devils, at ako ang Princess nila inshort, i'm their leader. Nag disguise kame as a nerd para sana taguan sila dahil nakakasawa din ang palaging nasasabak sa laban. Araw araw nasa panganib mga buhay namen, at simula nung nalapit ka sakin ay pati ikaw idinamay nila. Wala na akong magagawa para hindi ka madamay, dahil simula nung araw na itinuon mo ang mata mo saken, ay nadamay ka na sa magulo kong buhay." seryoso syang nakikinig sakin, napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa sahig at nagpatuloy sa pagkekwento.

"Nung araw na nasa mall tayo, nung kumakain tayo ng ice cream at nagpaalam akong mag cr. Yun ay dahil may nakasunod saten. " pagkasabi ko nun ay nilingon ko sya nanlaki ang mata nya sa nadinig.

"Bakit hindi mo sinabi saken?!" gulat nya pang sabi.

"Tss. Bakit may magagawa ka ba pag sinabi ko sayo?" natahimik naman sya sa sinabi ko at nakinig nalang.

"Nagawan ko naman ng paraan yun at nailigpit ko na." at lumaki nanaman ang mata nya sa gulat. Hindi pa ba sya nasasanay sa gantong klase ng pananalita ko? dapat masanay na sya kase mas madalas na nya akong kasama at ganito ako lagi magsalita.

"P-pinatay mo?" hay kailangan ba direct to the point?

"Oo pinatay ko sa cr."

"Ang inosente ng itsura mo nung bumalik ka kaya hindi ko talaga maisip na pumatay ka nung oras na yun." pakurap pakurap pa sya habang sinasabi yun. Well, inosente naman talaga akong tignan pero wag na wag mo lang gigisingin ang devil side ko dahil baka yun na ang huling araw mo sa mundo.

"Listen, dahil sa mga nangyayare kailangan kang mabantayan 24/7. Ilang beses ng nanganib ang buhay mo, pasalamat ka nililigtas kita. Kung sigurong wala ako sa mood ngayon, baka patay ka na." seryoso kong sinabi yun para matakot sya at pumayag magpabantay.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon