CHAPTER 48

146 8 0
                                    

BLOOD


Zoie's POV

Nagpapalitan parin kami ng suntok at sipa ni Joaquim. Ilang bese ko na siyang napatumba pero kaagad siyang bumabangon para lumaban ulit.

Bahagya na din akong hinihingal dahil walang hinto ang palitan namin ng malalakas na pwersa. Mabilis akkng humakbang pakanan para sana suntukin siya pero napigilan niya ang kamay ko at inikot papunta sa likod ko. Sinubukan kong makawala pero bago pa mangyari yun ay naitulak na niya ako ng malakas. Bumagsak ang katawan ko sa buhanginan at tatayo na sana muli ako nang bigla niya akong binato ng malaking bato sa may kaliwang balikat ko.

"Fuck!" I shouted in pain! Napahawak ako saglit sa balikat ko pero kaagad din akong tumayo para hindi na niya ako muling masugod ng nakatumba.

Tumayo ako ng maayos at pilit hindi ipahalata na nasaktan ako. Sinubukan ko pang galawin ang kaliwang kamay ko pero konti lang ang nagagawa kong kilos doon. Nilingon ko siya at nakangisi siyang nakatingin sa akin.

"Ano? Kaya pa?" Nakangisi paring sambit niya, at hindi ko inaasahang ang mabilis na pag atake niya. Nagbitaw siya ng suntok pero nailagan ko yun pero hindi ko inaasahan na mabilis niya palang susundan ng magkasunod pang suntok kaya natamaan ako ng malakas sa mukha, dahilan ng pagkahilo ko at hindi nakita ang paa niyang pasalubong sa ulo ko.

Ramdam ko ang pagtumba ko sa sahig at unti unting pagpikit ng mata ko.

Bago pa iyon tuluyan magsara ay nakita ko pa siyang nakatayo habang nakangisi sa harapan ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

***

Joaquim's POV

Ka awa awang Zoie. Ni hindi manlang makakapag paalam sa mahal niyang Brantlee. Hindi ko inaasahan na ganun ko lang siya kadaling matatalo.

Kahit papaano naman ay nagustuhan ko si Zoie. Pero anong magagawa ko eh hindi ko siya nagawang mahalin dahil utos lang naman ng tatay ko na ligawan at paibigin siya sakin at kapag mahal na niya ako ay saka ko siya iiwan.

Mga walang puso ang mga kadugo mo Zoie. Pareparehas lang kayong mga demonyo. Pagkatapos niyong pakinabangan ang tatay ay ay babalewalain niyo nalang na parang wala siyang ginawa para sa inyo at mas lalo na para sayo. Wala ka sa kinatatayuan mong titulo ngayon kung hindi dahil sa tatay ko.

Kaya sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon para singilin ka sa pagiging makasarili mo. Kailangan mo nang mamaalam sa mundong ito Zoie.

Iniangat ko ang kamay ko na may hawak na baril at itinutok sa katawan ni Zoie na walang malay.

Kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng biglang may pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko.

"Drop your gun." Dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko at nilingon ang nagsalita. Napangisi ako ng makita ang lalaking kinababaliwan ni Zoie ngayon. Nakatayo sa harapan ko, tatlong hakbang ang layo sa akin at diretsong nakatutok sa mukha ko ang bibig ng baril na hawak niya.

"I said drop it." Sambit niya muli. Mas lalo akong napangisi at bahagyang natawa sa paraan ng pag sasalita niya. Pilit niyang sinusubukang maging nakakatakot ang boses niya pero mahahalata mo naman sa kaniya ang takot at kaba sa ginagawa, isama mo pa ang kamay niyang nanginginig habang hawak ang baril na nakatutok sa akin.

"Do you even know how to use a gun?" Natatawang tanong ko sa kaniya. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Pero kahit ganun ay hindi niya parin ibinababa ang pagkatutok ng baril niya sa mukha ko. He's going to kill himself.

Hindi na ako nag aksaya ng oras at itinutok ko na sa kaniya ang baril ko. Nanlaki ang mata niya at hindi alam ang gagawin. I was about to pull the trigger when I heard three consecutive gunshots and I felt something hit my body.

I looked at my shirt and saw blood all over it. I slowly glanced behind me and there i saw Zoie, standing and pointing her gun to me. She looked at my eye, her eyes were filled with mixed emotions but her anger dominates.

She shot me again twice and it slowly weakened my body kaya napaluhod ako at tuluyan nang natumba sa sahig kasabay nang pag kalat ng pulang likido mula sa akin.

Red... My own blood was the last thing i saw before everything went black.

***

Zoie's POV

Halos umapoy ako sa galit na nilapitan si Brant at inagaw ang baril na hawak niya.

Sino bang nagsabi na sumunod siya dito?! Paano kung mapahamak siya. Muntikan na siyang mamatay kung hindi lang ako nagkamalay ay paniguradong siya ang nakahiga at wala ng buhay ngayon.

"What are you doing here?! Hindi ba sinabi kong wag kang aalis? It's too dangerous." Galit na sigaw ko sa kaniya at napabuntong hininga lang siya kaya napakunot ako ng noo at nagsalubong ang kilay ko.

"Nakabalik na ang family ko dito sa Pinas. Ang kaso ay may kumuha sa kapatid ko. Zoie, may k-kumuha sa k-kapatid ko." Naluluhang sambit niya...

Unti unting nawala ang inis ko ng dahil sa sinabi niya at di makapaniwalang tinitigan siya.

"I-I'm sorry, i didn't know. Don't worry, we'll get them back. Sa ngayon ay manatili ka lagi sa tabi ko at 'wag na 'wag kang lalayo sa akin, naiintindihan mo ba?" Nakataas ang dalawang kilay ko habang sinasabi sa kaniya iyon. Tumango naman siya bilang pag sang ayon.

Napabuntong hininga ako at hinawakan ang pisngi niya. Ayokong nakikitang malungkot siya dahil nalulungkot din ako. Ang ayaw ko sa lahat ay yung may kahinaan ako. Pero ano pa bang magagawa ko. Siya na ang kahinaan ko. Pero siya rin naman ang lakas ko.

"And promise me one thing... Don't.. ever.. save my life again. If i told you to run, then run. If i told you to leave this place and don't ever try to get back to me again, then do it. Promise me.." hinaharangan ng mainit na likido sa mata ko ang paningin ko. Halos hindi ko na siya makita ng dahil dito. Pero nakikita ko parin ang mukha niyang nagtataka at parang ayaw pumayag sa sinabi ko.

"Pero Zoie..." mahinang sambit niya. I looked at him straight in the eyes while my eyes are covered with tears. He sighed and slowly nodded.

"I p-promise..." tumingkayad ako at inabot ang labi niya at dinampian iyon ng sandaling halik. Hindi ko alam pero parang sobrang sakit ng halik ko na iyon, na para bang hindi ko na muli iyon magagawa. Nakapikit ang mata kong hinayaan ang noo naming magkadikit.

"I don't know what will happen to me when something bad happens to you.. I can't afford to lose you, you're too precious to me.."


All rights reserved. KimYeSoon♡

***

A/N:

Pagpasensyahan niyo na ang maikling updates ko. Hindi naman sa tinitipid ko kayo pero medyo mahirap kasing magsulat ngayon lalo na at may modules and online class na. Tsaka gusto ko ding mangbitin hahaha. Wala lang. Don't worry sa Wednesday mag UD ulit ako!😊

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon