THE ENDING

221 11 0
                                    

8 Months Later..
Yarecity Meiden


Zakiah's POV

Nandito ako sa bahay namin sa Manila.. Dito na ako tuluyang tumira matapos ang lahat ng nangyari.

Nakaka alala na ako. Lahat ng memoryang nabura sa isipan ko dati ay nagbalik na. Naaalala ko na lahat lahat ng pangyayari simula bata pa ako.

Tumayo ako at may kinuha sa may drawer sa tabi ng kama ko.. Yung sulat na ibinigay sa akin ng itinuring kong tatay ko bago siya patayin ng mga walang pusong mga Astraea.

Binuksan ko ang envelope nun at binasa ang sulat.

Yen anak.. Alam kong kapag nabasa mo ito ay paniguradong wala na ako.

alihim ko itong isinulat, kahit nahihirapan ay kinaya ko para lamang makapag iwan ako sayo ng liham.

Anak patawarin mo sana ako dahil marami akong inilihim sa iyo. Tumanda na akong walang asawa't anak kaya nung nakita kita ay kinupkop na kaagad kita.

Nakita kita sa dalampasigan noong araw na dapat ay mangingisda lamang ako. Puno ko ng sugat sa buong katawan kaya't inuwi kita. Gustuhin man kitang dalhin sa Ospital ngunit wala naman akong sapat na pera pambayad.

Nagising ka at walang naaalala kaya nagpakilala ako sayo bilang tatay mo. Dahil sobrang gustong gusto kong magka anak. Itinago ko rin iyang kwintas mo dahil baka tanungin mo saakin kung saan ito galing, gayong mahirap lang tayo at walang perang pambili ng ganoon.

Hanggang isang araw may mga taong naglilibot sa lugar namin. Pulos itim ang kanilang mga suot. Malalaki ang katawan at malalakas ang tindig. Nagtanong din sila sa akin kung may nakita daw ba akong batang babae at ipinakita nila ang litrato mo. Abot ang kaba ko noong araw na iyon pero hindi ko ipinahalata at sinabing wala akong alam, at wala akong nakita.

Nagtrabaho ako at nagpakahirap para buhayin ka at palakihin ng malusog. Hanggang sa nagkaroon na ako ng sakit at ikaw naman ang nag aalaga sa akin.

Ibibigay ko ang buong pagmamahal ko sayo hanggang sa huling hininga ko. Sana ay masaya ka sa piling ng totoo mong pamilya. Lagi lang akong nasa puso mo at hindi kita iiwan.

At oo nga pala alagaan mo ng mabuti si Munak ha?

Nawa'y mapatawad mo ang tatay, anak. Mahal na mahal kita.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang binabasang muli iyon. Miss na miss na kita Tatay. Salamat sa pag aalaga sa akin.


Tumayo ako at nagtungo sa veranda ng kwarto ko. Pinasadahan ko ng tingin ang Hardin at doon ko nakitang tumutuka tuka sa damuhan si Munak.


Napatingala ako sa langit ng pumasok sa isipan ko si.....

Si Zoie..

Zoie naalala ko na ang lahat. Naaalala ko na kung paano mo ko ipagtanggol laban kay Dad noong mga bata pa tayo. Kung paano ka gumagawa ng paraan para pasiyahin ako.


Zoie please bumalik ka na... Para kumpleto na tayo nila Mom, Dad at Kuya.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon