CHAPTER 50

165 10 0
                                    

NECKLACE

Zakiah's POV

Naka piring parin ang mga mata ko hanggang ngayon. Pilit kong inaalis ang mahigpit na pagkakatali sa pareho kong kamay at paa.

Nahinto ako sa pagsubok na tanggalin iyon nang naramdaman ko ang paggalaw ng bagay na kinalalagyan ko.

Para bang ginagalaw nila ito at ipinupunta sa kung saan. Nang tumigil ito sa paggalaw ay narinig ko ang pagbukas nila ng pinto ng kinalalagyan ko at may narinig akong tinig ng isang babaeng umiiyak. Naramdaman ko ang pagtulak nila dito papasok sa kinalalagyan kong bagay. Patuloy at walang tigil ang pag iyak nito, nagwawala.

"Wag kang maingay bata!" Sigaw ng isa sa kanila. Bata? Jusko mga walang puso. Pati bata ay dinadamay nila sa kademonyohan nila.

Maya maya pa ay narinig ko ang pagsara nila ng pinto at naramdaman ang muling paggalaw ng kinalalagyan namin . Mukhang ibinabalik nila sa dating pwesto nito.

Dun ko na sinamantala ang pagtanggal ng tali sa kamay ko. Napakahigpit ng ginawa nilang pagtali rito pero matapos ang ilong minuto, sa wakas ay nagawa ko na itong tanggalin.

Madali kong inalis ang nakapiring sa mata ko at tinignan kung sino ang inilagay nila dito kasama ko.

Isang batang babae... Kagaya ko ay nakapiring din ang mga mata niya at nakatali ang parehong kamay at paa. Kaagad kong tinanggal ang pagkakatali ng mga paa ko at nilapitan ang batang humahagulgol parin sa iyak. Nang subukan ko siyang hawakan ay umiwas pa ito at lumayo.

"H-hindi kita sasaktan! Mabait ako, wag kang mag alala. Hindi kita sasaktan.." sabi ko sa kanya, pilit kong sinasabi na hindi ko siya sasaktan at mapagkakatiwalaan niya ko dahil mukhang natrauma na siya dahil sa pagkuha sa kaniya ng mga taong iyon.

Nang medyo kumalma siya ay doon ko na inalis ang piring niya. Pagkaalis ko nun ay nilingon niya ako, nginitian ko siya para hindi siya matakot sa akin.

Saglit pang napakunot ang noo ko nang may mapansin ako sa bata... Parang may kamukha siya, pero di ko maisip kung sino.

"Wag kang mag alala. Wag kang matakot sakin, hindi kita sasaktan." Nakaangat pa ang dalawa kong kamay sa harap niya at umiiling para paniwalaan niya ako. Patuloy parin siya sa pag iyak.

"Wag ka ng umiyak, wag kang mag alala hindi ko hahayaang mahawakan ka nila ulit. Pangako iyan." Pilit ko pa siyang nginitian kahit sa loob loob ko ay di ko na kayang ngumiti ng dahil sa mga nangyayari.

Maski ako ay natatakot rin pero dahil may nangangailangan ng tulong ko kaya susubukan kong lakasan ang loob ko at maging matapang. Dahil kung pati ako ay matatakot din at magiging duwag ay pareho kaming mapapahamak ng batang kasama ko ngayon.

"Pwede ko bang matanong kung ano ang pangalan mo?" Sambit ko, ilang segundo pa siyang nanahimik at unti unti nang tumatahan sa pag iyak bago sumagot.

"R-Rylie.. My name is Rylie.. We were about to m-meet my brother, but the bad guys kidnapped m-me." Bahagya parin siyang humihikbi kaya nauutal pa siyang magsalita.

"Ayos lang ba sayo kung tatanungin ko kung anong pangalan ng kuya mo?" Pagtatanong ko sa kaniya dahil kuryosado akong malaman dahil nga parang may kamukha siya.

"B-Brantlee Zayn... is my brother's name." Dun na nasagot ang pagtataka ko sa itsura niya. Oo tama! Si Brant nga ang kamukha niya. Para siyang babaeng bersyon ni Brant.

"Kilala ko ang kuya mo Rylie. Ibabalik kita sa kaniya, sa ngayon ay wag kang aalis sa tabi ko ha? Ako nga pala si Zakiah, pwede mo naman akong tawaging Ate." Nakangiting sambit ko sa kaniya at tumango tango naman siya bilang pag sang ayon.

Nilibot ko ang paningin ko sa kinalalagyan namin. Kwadradong bagay na gawa sa metal.

Nang may napansin akong parang bukasan ay lumapit ako dun at napahawak nalang ako bigla sa pader nito gayon na din si Rylie ng maramdaman kong gumalaw iyon pagkatapos kong lumapit papunta dito.

Nagtataka man ay itinuloy ko ang pakay ko ay itinulak iyon pabukas muntikan pa akong mahulog dahil sa pwersang ibinigay ko. Nakadapa ako sa sahig nito at nakadungaw ang ulo ko sa baba at nakakapit ang dalawang kamay sa dulo.

Nasa itaas kami... Ang taas ng kinalalagyan namin. Dahan dahan akong tumayo dahil ayokong makagawa ng kilos na magpapabigat sa parteng ito dahil may posibilidad na mahulog kaming parehas mula rito sa itaas.

Nang makaupo ako ay tinignan ko kung paano kami nakalutang dito ngayon, at dun ko nakita ang isang crane na nasa itaas ng building at yun ang nagsisilbing nagbubuhat sa bagay na kinalalagyan namin ngayon.

Dahan dahan akong lumapit doon sa pinto na binuksan ko at pilit na inaabot iyon upang maisara pero masyadong malayo, hindi ko maabot. Sinubukan ko muli iyong abutin ngunit ngayon ay may naramdaman akong kamay na kumapit sa kaliwa kong braso. Nilingon ko iyon at doon ko nakita si Rylie na sinusubukang tulungan ako at hawakan para di ako mahulog sa pag abot ko dun sa pinto.

Nang muli kong inabot iyon at pinipilit na huwag lumingon sa baba dahil sobrang taas namin at sobrang nakakalula.

Maya maya pa ay tuluyan ko ng nahawakan at kaagad ko na iyong isinara.Bahagya pa akong hiningal sa ginawa ko dahil sa kaba na baka mahulog ako.

Napakaimposible na makakababa kami dito. Hindi kami pwedeng tumalon dahil paniguradong pagbagsak namin ay patay na kami at lasog lasog na ang aming katawan. Napakalayo din namin mula dun sa building.

Ang tanging paraan lang ay ang may magkontrol doon sa crane at dalhin kami pababa dun sa building. Pero sino...

Halos mawalan na ako ng pag asa pang makaalis dito ng bigla akong may naalala. Yung ibinigay sa akin ni Itay! Kaagad akong dumukot sa bulsa ng pantalon ko at dun ko nakuha ang isang kwintas. Ito siguro yung tinutukoy ni Zoie na ibinigay niya sakin noon, at sabi niya ay mahalaga daw ito sa aming dalawa dahil pwede ko daw itong gamitin pag nasa kapahamakan ako.

Isinuot ko iyon at pinagmasdan. Pabilog ang hugis ng pendant nito at kulay silver at may letrang Z na nakasulat na kulay gold naman. Hindi lang siya basta bastang nakasulat dahil para siyang pindutan.

Ano bang magagawa nito? Anong gagawin ko dito?

Inangat ko ang tingin ko at nakita si Rylie na sinisilip din iyon mula sa kamay ko. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya at tinignan niya din ako.

"I think that letter Z is a button. Why don't you try to click it?" Inosenteng pagsabi niya na tila nalimutan panandalian ang nangyayari dahil mukhang pati siya ay kuryosado sa kwintas na ito.

Muli kong ibinalik ang paningin sa kwintas at hinawakhawakan iyon.

Pipindutin ko ba?

Sa huli ay napagpasyahan kong pindutin iyon upang malaman ang kaya nitong gawin.

Dahan dahan kong diniinan mismo ang letrang iyon at... wala mang nangyari...

Ilang segundo ang nakalipas ay bigla akong napahawak sa  kaliwang kamay ko dahil sa sobrang sakit nito! Para bang may nagvibrate sa loob ng braso ko. Sobrang sakit at halos mamilipit ako sa sahig at kinadahilan ng bahagyang paggalaw ng kinalalagyan namin kaya narinig kong muli ang paghagulgol ni Rylie na marahil dahil sa takot.

"A-Are you alright Ate?" Nilapitan niya pa ako at mukhang nagdadalawang isip na hawakan ako dahil sa takot.

Ako naman ay hindi nakasagot sa kaniya at halos hindi ko madilat ang mata ko sa sobrang sakit nito.

Ano bang nangyayare?!


All rights reserved. KimYeSoon♡

***
A/N:

Ano sa tingin niyo ang nangyayari kay Zakiah? Ano nga ba ang nagagawa ng kwintas na yun? Wait and read for the next chapter for you to know.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon