GUNSHOT
Zoie's POV
Thursday na ngayon, pagkauwi ko sa bahay medyo madilim na. Pumunta pa kase ako ng Demonace para magpalipas ng oras, wala naman kase akong gagawin sa bahay.
*FLASHBACK*
Pawis na pawis na ko sa kakasuntok sa punching bag dito sa isang training room sa Demonace. I like it here kase tahimik, ako lang ang gumagawa na ingay, tsaka nagagawa ko lahat ng gusto ko ng walang pumipigil. Madalas akong pumunta dito kapag wala ako sa mood, o kaya galit ako.
Umupo ako saglit sa isang gilid at uminom ng tubig. Isinandal ko ang ulo ko sa pader habang napaisip ako.
May katapusan ba ng ganitong buhay ko? Habang buhay na ba akong papatay ng tao para mabuhay? I was just 9 years old nung nakapatay ako. Yun yung lalaking nagbalak na kuhanin ako para gamitin kila Dad and Mom. Gusto nila ang yaman namen at ang titulo ng grupo. #2 kameng pinaka makapangyarihan sa lahat ng Gangster group sa buong mundo. Ang #1 ay ang mga Astraea, wala pang nakakatalo sa kanila.
Ngayon nalaman na naman nila kung nasan ako kaya malamang marami nanamang susulpot sa kung saan para patayin ako o ang mga ka grupo ko.
Pati yung isang bwisit na lalaking Brant, panigurado pati ang isang yun pamaman manan din nila. Hay dumagdag pa sa babantayan ang bwisit, mabuti nalang pala at slave ko sya ng 2 months, atleast lagi ko syang mababantayan.
It's not that nag aalala ako okay? Naawa lang ako kase wala syang kaalam alam sa pwedeng mangyari sa kanya. Masyado syang inosente para sa mga bagay na yon.
I don't know why, but i have this feeling na dapat ko syang bantayan. Arghhh enough with the nonsense Minji! Oh btw my korean name is Yoon Min Ji, and yung Zoie Yaretzy Harrington english name ko. My dad is Yoon Sin Won and my Mom is Yoon Seol Yi. Hayy namiss ko tuloy sila, ako kaya namiss nila?
Panigurado alam na nila na nandito ako, i know di naman nila ako susundan kase alam naman nilang naiinis akong mag stay sa korea dahil sa mga kalabang walang kwenta.
Tumayo nalang ako at sumuntok ulit sa Punching bag.
*END OF FLASHBACK*
So ayun nga nagpunta ako dun para mag emote. Pagpasok ko nakita ko si Mart sa Sala, nung nakita nya ko nilapitan nya ako at yumuko. Pagtingin nya saken alam kong magtatanong toh kung saan ako galing.
"San ka galing Zoie? Bakit nag cutting ka? Nag aalala ako Sayo." Sabi nya.
"Sa Demonace lang ako, nagpalipas oras." Paiwas kong sabi sa kanya, tinignan naman nya ko na parang sinasabi nyang di sya naniniwala sa sinabi ko, magsasalita pa sana ako nung nagsalita sya.
"Nanggaling ka daw sa mall, may sumunod daw sayo at pinatay mo. Sinabi yan sakin nung inutusan mong linisin yung kinalat mo." Nag cross arms pa sya habang sinasabi yun. Nakataas pa yung isa nyang kilay.
"I went to the mall with Brant, diba nga hawak ko na sya sa leeg? I decided na maging slave ko sya in 2 months." Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mata nya. Napabuntong hininga naman sya.
"Fine, hindi na kita papakialaman sa mga plano mo. Just be careful, nalaman nanaman nila kung nasan ka." Nag aalala nyang sinabi habang diretsong nakatingin sakin, minsan di ko talaga maintindihan tong si Mark. Bakit ba sobra syang nag aalala sakin? Hay ewan. Tumango nalang ako at umakyat na sa kwarto ko para matulog.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ang babaeng pinagtritripan mo ay isa palang Gangster? Akala mong simpleng Nerd na student lang, pero isa palang Leon na nagtatago sa katawang Pusa. How a gangster fall in love despite of her cold heart? A girl y...