CHAPTER 15

628 46 6
                                    

Sino ka?

Brant's POV

"Oh did i scare you? I'm so sorry, but i didn't mean to." sabi ni Zoie at ngumisi. Bakas sa mukha ng lalaking katabi ko ang takot, pero halatang pinipilit nya lang magmukhang matapang.

Kahit ako ay kinilabutan sa masamang tingin at ngisi nya sa lalaki.

Kanina ko pa iniinda ang sakit ng katawan ko, akala ko papatayin na nila ako pero nagkaron ako ng kaunting pag asa nung pinakausap nila sakin si Zoie.

Alam kong babae sya at isang di hamak na nerd lang at siguro naman ay naisip nyang magdala ng kasama.

Pero hindi, nagpunta lang syang mag isa.

Pero pagpasok na pagpasok nya dito kanina ay di ko siya nakilala, nagulat ako dahil. ito ang unang beses na nakita ko syang hindi nakasalamin.

Ang ganda nya, pero parang may kamukha sya eh, pero di ko talaga maalala. Parang nakita ko na sya kung saan.

Pero ewan ko din kung anong kahibangan ang pumasok sa utak ng babaeng to na sumugod sugod syang mag isa dito.

Sa tingin nya ba kakayanin nya tong mga toh? Eh ako ngang lalaki wala man akong nagawa nung pinasok ako ng isa sa kanila kanina sa bahay.


*FLASHBACK*

Nandito ako sa sala namen at nanonood ng TV nang narinig kong bumukas ang pinto namen.

Tinignan ko yun at nagulat ako dahil nakabukas nga, wala akong kasama sa bahay ngayon dahil nasa Japan ang parents ko for some business matters, sanay naman na akong lagi silang wala. Kasama din nila ang kapatid ko.

Wala rin kameng kasambahay dahil yun ang sinabi ko kila daddy dahil kaya ko naman na ang sarili ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa pinto, sumilip ako sa labas para tignan kung may ibang tao pero wala naman. Baka naman hangin lang, pero ang lakas naman ng hangin na yun? Ay ewan.

Pagkasarado ko ng pinto may narinig akong nabasag sa taas. Kung di ako nagkakamali dun yun sa kwarto ko.

Ngayon sigurado akong hindi ako nag iisa ngayon dito sa bahay, nasisiguro kong may ibang tao dito. Kabado at nanginginig pa akong nagpunta sa kusina para kumuha ng kutsilyo.

Dahan dahan akong naglakad paakyat ng hagdan.

"Sinong nandyan?!" sigaw ko habang paakyat.

Lumapit ako sa nakasaradong pinto ng kwarto ko at dahan dahang pinihit ang doorknob.

Pagkabukas ko ay agad kong itinutok ang kutsilyo sa loob, pero wala akong nakitang tao, lumapit ako sa gilid ng kama ko at nakita ko ang basag na flower base sa sahig.

Lalabas na sana ako pero nung paglingon ko ay may lalaking pumukpok sa ulo ko.

Ang lakas ng palo nya kaya nahilo ako at bumagsak sa sahig. Pagkabagsak ko ay ramdam ko pa ang malagkit na dugong dumadaloy galing sa ulo ko.

Bago pako mawalan ng malay ay nakita ko pa yung lalaking nakangisi habang nakatingin saken.

Then everything went black.

*END OF FLASHBACK*


Pagkagising ko nandito na ako, tinatanong nila ako kung anong klaseng relasyon kami meron ni Zoie, sinasabi ko naman ang totoo na kaklase ko lang sya pero ayaw nila akong paniwalaan kaya binugbog nila ako.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon