CHAPTER 53

173 11 0
                                    

I LOVE YOU


Zoie's POV

His smile... Yung matamis na ngiti niya ang huli kong nakita bago sumara ang mga mata niya.

Wala akong nagawa...

Dalawa na sila.. Dalawa na silang nalagas sa grupo ko. Dalawang taong malapit sa akin na ang nawala.. As their leader ay dapat ako ang pumoprotekta sa kanila. Pero lagi nalang akong nahuhuli. Palagi nalang akong walang nagagawa at napapabayaan ko sila.

Kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko ay nakita ko si Vox na diretsong nakatingin sa akin habang nakangisi at hawak si....

"Brant!!!" Sigaw ko sa pangalan niya ng makita kong hawak siya ni Vox sa may leeg at nakangising hinila ito pababa ng hagdan. Nanlaki ang mata ko at walang pumasok sa isip ko, pero kaagad din akong nabalik sa realidad at tinawag si Aiden.

"Aiden put us down!" Utos ko na agad naman niyang ginawa, umalis siya sa pagkakaluhod sa tabi ni Mark at cinontroll yung crane hanggang sa makalapag na kami sa rooftop.

Sinubukan kong gisingin si Zakiah pero hindi ko siya magawang gisingin. Si Rylie naman ay humahagulgol lamang habang pinagmamasdan kami.

"Ako ng bahala dito, sundan mo si Vox! Baka anong mangyari kay Brant!" Sigaw ni Aiden sa akin. Tinignan ko pa siya at nagdadalawang isip na umalis at iwan si Zakiah dito pero kailangan ako ni Brant.

Tumayo na ako at hindi na muling lumingon pa sa kanila at mabilis na sumunod kay Vox pababa.

Naririnig ko pa ang mala demonyo niyang pagtawa. Sigurado akong kahit anong pagpipiglas pa ang gawin ni Brant ay hindi siya makakatakas kay Vox dahil kung kukumparahin mo kami dalawa ni Vox ay halos magkaparehas lang kami ng kakayahan sa pakikipag laban. Dahil karamihan sa kaalaman ko ay nanggaling aa kaniya.

Nang sa wakas ay natapos na akong maraming hagdan na tinakbo ko pababa ay huminto ako at inilibot ang paningin sa paligid at dun ko nakita na hinila ni Vox si Brant papasok sa isang silid na di kalayuan sa lugar ko.

Kumaripas ako ng takbo papunta doon at walang takot na pumasok. Nakita kong nakatayo sa sulok ng kwartong iyon si Vox habang nakapaikot ang braso niya sa leeg ni Brant. May hawak siya sa kabilang kamay niya na parang remote...

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang bagay na nasa lapag sa tabi niya!

A 2 minutes time bomb!!! At yung hawak niyang remote ay ang mag aactivate doon at magsisimulang mag count down yung mismong bomba.

Wala ng bibilis pa sa kilos na ginawa ko papalapit kay Vox at sinubukang agawin sa kaniya ang remote. Natumba si Brant sa sahig ng mabitawan niya ito.

"Mamamatay kayong pareho dito! Ha ha ha ha!" Halakhak niya pa, na mistulang demonyo.

Mas nanlaki ang mata ko nang matagumpay niyang na activate yung remote dahilan para magsimula ng magbilang ang bomba!

Pinilit kong mag isip ng paraan para makaalis kami dito.

"Z-Zoie yung b-bomba." Napalingon pa ako kay Brant ng magsalita niya. Bakas sa mukha niya ang kaba at takot. Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya at mapwersang itinulak si Vox sabay sinipa sa tiyan dahil para bahagya siyang nawalan ng balanse at napaatras sa lakas jiyon.

Mabilis kong sinuyod ng tingin ang kabuuan ng kwartong ito para maghanap ng pepwedeng gamitin ko.

Nahagilap ko ang isang makapal at mahabang tali sa isang sulok. Hindi na ako nag aksaya ng oras at kinuha iyon. Tatakbo na sana palabas si Vox ng hilahin ko siya pabalik gamit ang tali. At sa mabilis ko na pagkilos ay inikot ko sa katawan niya ang taling iyon dahilan para hindi siya makagalaw pero nakakapaglakad parin siya.

Sinubukan ko pang mag isip ng paraan pero isa lang talaga ang naiisip ko! Arghh!!!!

I have no choice but to do this!!! Kung hindi ay pati si Brant ay mapapahamak kapag hindi ko pa ginawa ito.

Mahigpit kong ipinalibot sa katawan k ang natitira pang tali at sinigurong hindi iyon mababaklas o matatanggal

"A-anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Brant sa akin. Pilit kong binibigatan ang sarili ko dahil sobrang nagpupumiglas na maka alis si Vox sa pagkakatali ko sa kaniya. Nilingon ko si Brant bago magsalita.

"Get out of h-here Brant!" Sigaw ko sa kaniya na mas ikinanuot ng noo niya.

"What?! No!!" Pagpipilit niya pa sa gusto niya. Bakit ba ang kulit ng lalaking toh!?

"Lumabas ka na! The bomb is about to expload!" Sigaw kong muli sa kaniya at tinignan ang natitirang oras bagi sumabog ang bomba.

1:13 remaining time!

"I said get out!!! Faster! Save yourself Brant!"

"Hindi kita iiwan dito!! I'll stay!" Pagpupumilit niya pa, kaya sinubukan ko siyang itulak palayo sa amin. Pero paulit ulit lang niyang inilalapit ang sarili niya.

Hindi ko na napigilan pa ang sunod sunod na pagtulo ng mga luha ko. Tila gripong tuloy tuloy sa pag agos ang mga ito.

"B-Brant.. Please choose my twin. Make Zakiah happy, p-please l-love her for me." Naiiyak na sambit ko. Napakasakit! Napakahirap sambitin ang mga salitang iyon pero wala na akong magagawa pa. Alam kong hindi na ako makakaligtas pa dito.

"Ano bang pinag sasabi mo?! Hindi ko gagawin yun! I'll stay here with you! I won't l-leave." Umiiyak ding sambit niya at sinubukan pang yakapin ako pero itinulak ko siya palayo ng maramdaman ko ang pagpipiglas na ginagawa ni Vox para maka alis sa pagkakatali ko sa kaniya.

"Let go of me!! Bitawan moko!" Pagpupumiglas ni Vox.

Para sigurado ay hinawakan ko ang mga kamay nito para hindi siya makawala.

"Brant, nangako ka sakin kanina!" Sigaw ko dahil kailangan na niyang umalis!! Malapit ng sumabog yung bomba!

"FUCK MY PROMISE!! I won't leave you here!!!" Malakas na sigaw niya. Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok si Kuya. Nagkaroon ako ng pag asa...

Pero hindi para sa sarili ko... Kundi para sa lalaking mahal ko.

"Kuya get him out of here please!!! We don't have enough time! The bomb is about to explode!!!" Nagmamakaawang sigaw ko at muling tinignan ang bomba..

13..12..11.. Nilingon kong muli sa kuya nang nagmamakaawa. "K-Kuya Please..." naluluha siyant napapikit ng mariin.

"I-I'm sorry Z-Zoie.." mahinang sambit niya at pwersahang hinila sa Brant palabas.

"N-No, No!! ZOIE NOOO!!!!" Sinubukan niyang kumawala sa paghihila sa kaniya ni Kuya pero hindi niya nagawa.

Malakas ang pag iyak ko nang sambitin ang huling salita ko kay Brant.

"A-Always remember that...

I love you so much."

5..4..3..

"Let's die together you Demon!!!"

2..1..

The last thing i heard before everything explodes, is Brant repeatedly calling my name...

I love you, Brant...

All rights reserved. KimYeSoon♡

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon