MASK/BACK UP
Zoie's POV
Dumiretso muna ako sa bahay gamit ang motor na ginamit ni Mark papunta dun sa Hospital.
Wala na silang nagawa kundi hayaan ako dahil ako ang masusunod. Ayoko silang isama dahil ayokong may mapahamak pang isa sa kanila.
Kahit ako na yung mapahamak wag lang ang mga taong malapit sa akin.
I changed my clothes into black leather jacket and black pants as well. Hinayaan ko ang buhok ko na nakalugay.
Kumuha ako ng Gun Holder sa drawer ko at nilagay sa magkabilang hita, naglagay ako ng Glock 21 gun at FN57. Nagdala na din ako ng mga granades at smoke bombs.
Nang matapos na akong mag handa ay sumakay na ako sa motor ko at hinarurot iyon papunta sa Hide Out ng mga Astraea.
Habang nagmamaneho ay may nararamdaman akong nakasunod sa akin, pero tuwing tumitingin ako sa side mirror ay wala naman. Who ever that is, sanay siya sa ganito. May biglang pumasok sa isip ko kung sino ang sumusunod sakin, pero hindi ko nalang binigyan ng pansin yun at mas pinabilis pa ang pag andar hanggang sa nakarating na ako.
Bumaba ako at tinanggal ko ang helmet at inilagay sa motor. Pinagmasdan ko ang paligid.
Masiyadong liblib yung lugar, maraming nagtataasang puno, pero kahit papaano ay tanaw ko parin ang daan sa malayo. Mabuhangin ang lugar na ito. Para bang abandonadong bahay pero hindi natapos, walang pintura semento lahat. Mataas yung pader na bakod pero wala akong planong akyatin yan.
Kinuha ko ang isang granda at tinanggal ko ang pin sabay hinagis sa isang parte ng pader. Nagtago pa ako saglit sa likod ng isang puno dahil sa pagsabog. Matapos sumabog nun ay lumikha iyon ng malaking butas sa pader. Naglakad ako palapit dun at hinanda ang sarili dahil alam kong may mga sasalubong na kalaban sakin.
It's time to cover this whole place with their own blood.
***
Someone's POV
Nakangisi akong tahimik na umiinom sa loob ng office ko, tagumpay ang plinano namin. I wonder if her parents are still alive. Magsasalin pa sana ako muli ng alak sa baso ko nang may narinig akong malakas na pagsabog galing sa labas.
Agad akong napatayo dahil dun kasabay ng pag pasok ng mga tauhan kong hinihingal pa marahil dahil sa pagtakbo.
"What's happening?!" Pasigaw kong tanong sa mga tauhan ko.
"The Princess is here, Boss.." Sagot ng isa sa kanila dahilan para mapataas ako ng kilay. She's here? Hindi nga talaga siya mahilig magsayang ng oras.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ang babaeng pinagtritripan mo ay isa palang Gangster? Akala mong simpleng Nerd na student lang, pero isa palang Leon na nagtatago sa katawang Pusa. How a gangster fall in love despite of her cold heart? A girl y...