DECISION
Zoie's POV
Diretso akong nakatingin sa kaniya at mukhang hindi niya rin inaaasahan nakakasalubong niya ako.
Seryoso at walang emosyon ang paraan ng pagtingin ko sa kaniya ng bigla siyang ngumisi. Simula nung nalaman kong isa siya sa mga myembro ng Astraea ay naiirita ako sa bawat pag ngisi, pag tawa o kung ano man ang ginagawa niya.
"Ibang iba ka na talaga sa dating Zoie na kilala ko. Yung Zoie na minahal ko." Nakangisi parin niyang sambit dahilan ng pagtaas ng kilay ko at sagutin siya.
"Minahal? Pagmamahal ba ang tawag mo dun? Mahal mo pero natiis mong iwan at ipagpalit. Mahal mo pero hinayaan mong umiyak gabi gabi. Mahal mo pero hindi mo manlang naiparamdam. T*nginang pagmamahal yan." Hindi ko na siya pinagsalita at hinagis ko papunta sa kaniya ang isang kutsilyong dala ko. Naiwasan naman niya iyon at tinutukan ako ng baril, but i was fast enough to kick it from his hand before he even pull the trigger.
Tumalsik palayo ang baril niya kaya wala siyang nagawa kundi paulanan ako ng suntok, pero bawat suntok niya ay naiwasan ko. Sa huling pagsuntok niya ay nahawakan ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya saakin sa gulat.
"One last thing. I didn't change, you just never knew me." Pagkasabi ko nun ay sinipa ko siya sa likuran dahilan ng pagkatumba niya pero agad din siyang tumayo at humarap ulit sa akin.
Mariin ko siyang tinitigan, sapat na diin para matakot siya at bahagyang manginig ang mga kamay niyang naka abang sa pag atake ko.
"Binantaan na kitang wag na ulit magpapakita sa akin. Nakalimutan mo na agad?" Nakangisi kong sambit habang pinagmamasdan siyang mangapa ng isasagot, mabagal pa akong naglalakad paikot sa kaniya, at siya naman ay hindi inaalis ang tingin sa akin.
"I completely remember it, but I'll make sure that it'll be your blood that will spread up tonight."
"Then try... Saan niyo dinala si Zakiah." Hindi nagtatanong ngunit nagbabanta na sabi ko. Sumeryoso na ako at siya naman ngayon ang ngumisi. Gaya ko ay dahan dahan na din siyang naglalakad paikot kaya heto kami ngayon. Nakatitig at pinapaikutan ang isa't isa.
"Napakaswerte niyang si Zakiah alam mo ba yun? After what we did to her years ago, it's a miracle that she's still alive." Sambit niya na ikinadahilan ng pagkunot ng noo ko at pagtataka sa sinabi niya.
"So you..." di ko na natuloy ang sasabihin ko ng humalakhak siya na parang demonyo.
"I'm one of the guys who tortured her and throw her body in the middle of the ocean, unfortunately, she lived, what lucky girl." Sa panggigigil ay halos bumaon na ang kuko ko sa palad ng dahil sa pagkakuyom nito.
"You motherf*cker!" Halos manginig sa galit na sigaw ko.
Hindi na ako nag aksaya ng oras at sinugod na ulit siya.
***
Brant's POV
Nang makaalis sila ay halos mabingi kami sa sobrang tahimik ni Eira. Nasa sala kami at pabalik balik ako sa paglalakad. Wala kaming magawa kundi maghintay, kabahan at matakot sa mga kasama namin na sumugod doon.
Gusto ko man magpumilit na sumama pero naisip ko na baka maging pabigat lang ako sa kanila dahil alam kong wala naman akong magagawa, hindi ako sanay sa labanan na ginagawa nila.
Napalingon ako kay Eira ng magsalita siya. "Ano sa tingin mo ang nangyayari ngayon sa kanila?" Nakatulalang tanong niya habang nakaupo sa may sofa.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ang babaeng pinagtritripan mo ay isa palang Gangster? Akala mong simpleng Nerd na student lang, pero isa palang Leon na nagtatago sa katawang Pusa. How a gangster fall in love despite of her cold heart? A girl y...