THOSE EYES
Zoie's POV
"Mr.Vox?!" Sabay na sigaw namin ni Kuya ng makita ang mukha sa likod ng maskarang iyon.
Hindi ako makapaniwalang siya ang may gawa ng lahat ng toh, di ko alam na magagawa niya toh sa amin.
Siya lang naman ang trainer ko bago pa ako maging isang ganap na Gangster Princess. Sa tingin ko kung hindi rin dahil sa kaniya ay hindi ako ang namumuno sa mga BlackDevils.
"Yes, it's me. Now, nobody's gonna leave this place until all of you are dead. And You! Zoie! You killed my son!!" He shouted while pointing his finger at me. Ako naman ay nangunot ang noo at nagtataka.
"Son?"
"My son! Joaquim!!!" Nanggagalaiti sa galit na sigaw niya. Ako naman ay di makapaniwala sa narinig.
"Anak mo si Joaquim?" Nagtatakang tanong ko. Dahil hindi talaga ako makapaniwala na anak niya si Joaquim. Dahil sa pagkaka alam naming lahat ay wala ng pamilya pang natitira si Joaquim noong kami pa. Tapos ngayon ay malalaman ko nalang na tatay niya pala ang trainer ko noon?!
"Shocked? Yes, he's my son. I told him to let you fall inlove with him then hurt you, by using Tiffany. The Girlfriend of your brother." Nakangising sambit niya at nilingon pa si Kuya Zander. "And I'm also the one who told him to torture your twin sister to death, but she's lucky. She lived." Nakangising sambit niya at humalakhak ng mala demonyo.
"You're a Devil." Rinig kong sabi ni Aiden. Alam kong hindi lang ako ang kumulo ang dugo ng dahil sa mga sinabi niya.
"I'm not the only one. Zoie is a Devil too, you remember? She's your Princess. BlackDevil's Princess, but after this night. I'll make sure that there'll be no more BlackDevils on the list anymore, and Astraea will remain on Rank 1. And I'm still the boss that no one can defeat!" Nakangising sigaw niya ngunit di ako nagpatinag sa mga salita niya at nginisian siya pabalik.
"Sad to say but, the real boss is infront of you right now. Hindi matatawag na Leader ang isang taong kayang ipahamak ang sarili niyang anak, para lamang makaganti sa amin ng walang dahilan para gawin iyon." Seryosong kong sabi ng diretso ang tingin sa kaniya. Matalim niya akong tinitigan at mukhang sasabog na sa galit.
"Walang dahilan?! Sa tingin mo ba ay magkakaganito ako ng walang dahilan Zoie?!"
"Kung ganon ay ano ang walang kwentang dahilan mo para gawin samin toh?" Mahinahon ngunit may diin na pagtanong ko. Bahagya pa akong napapikit ng bigla nanamang sumakit ang braso ko pero pinilit kong itago iyon para hindi niya mahalata na nahihirapan ako.
"Yang magaling mong Ama! Matapos niya akong pakinabangan sa pag tuturo ko sayo at sa paghihirap na ginawa ko para ikaw ay makapag ensayo at maging ganap na Gangster Princess ay ganun ganon na lamang niya akong itinakwil! Matapos kitang tulungan ay iyon pa ang isinukli niya sa akin! Matapos mong maging isang ganap na leader ng BlackDevils ay ayaw niyang ipa alam sa lahat na akong ang tumulong sayo para makuha mo ang titulong iyon! Hindi ako pumayag dahil may karapatan din akong ipagmalaki na ako ang nag ensayo sa iyo upang maging ganito kalakas at kagaling! Pero nagpumilit siya at ipinapatay ang asawa ko na Ina ni Joaquim! Kaya naghinagpis ako at ginawa ang grupong Astraea at pinalakas hanggang sa manguna kami sa Ranggo. Ganun ako kagaling magtago kaya hindi nila alam na Ama ni Joaquim ang lalaking itinakwil at tinraydor nila! Mga manggagamit! Pareparehas lang kayo!" Mahabang litanya niya na galit na galit.
Natigilan ako at hindi nakapagsalita nang dahil sa lahat ng nalaman ko.
Bakit ngayon ko lang nalaman toh? Totoo ba yun? Magagawa ni Dad yun? Hindi.. Hindi naman ganung klaseng tao si Dad.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ang babaeng pinagtritripan mo ay isa palang Gangster? Akala mong simpleng Nerd na student lang, pero isa palang Leon na nagtatago sa katawang Pusa. How a gangster fall in love despite of her cold heart? A girl y...