CHAPTER 27

423 21 0
                                    

IGNORE


Zoie's POV


Pagkatanggal ng yakap ay di ko alam ang sasabihin ko.


Hindi ko nga din alam kung bakit ko ginawa yun eh, basta gusto ko lang, ramdam ko talaga ang kaba kanina pero nawala yun nung nakita kong ayos lang sya.


"Ganito ka pala mag alala, nangyayakap." nakangisi nya pang sabi sakin.


Ewan ko ba, hindi naman ako nangyayakap kapag nag aalala ako eh. Sa kanya lang ako nag ganto at sa kay Joaquim. Hay naalala ko nanaman sya.


"By the way, i think i need to go to class tomorrow. Baka magtaka na sila sa pagkawala ko." pagpapaalam naman nya.


Gustuhin ko mang hindi pumayag pero wala akong magagawa. Tama sya, kailangan na nyang pumasok para ipagpatuloy ang dating gawi.


"Okay, you'll go to class tomorrow pero magpapadala ako ng tauhan na magbabantay sa paligid okay?" sabi ko. Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko na para bang ayaw sumang ayon.


"Hindi ba sobra na yun?" nagtataka nyang tanong. Ako naman ang nangunot ng noo ngayon.

"Hindi sobra yun! Para sayo din yun kaya wag ka ng tumanggi." kunwaring galit pang sabi ko para lang pumayag na sya.


Ngumisi nalang sya bilang sagot, may naisip naman akong ipaalala sa kanya.


"Yung sinabi ko sayo kanina. Tungkol sa mga kaibigan mo." seryoso kong banggit, tinutukoy ko yung hindi nya pwedeng kausapin ang mga kaibigan nya dahil pwedeng mapahamak din ang mga ito.


"Kailangan ba talaga yun? Iniisip ko palang nahihirapan na akong gawin yun." lumungkot naman ang itsura nya.


Hinawakan ko ang pisngi nya at tinignan sya ng diretso sa mata.


"Kaya mo yan, para sa kanila rin tong gagawin mo. Kung hindi mo gagawin yun pati sila mapapahamak gusto mo ba yun?"


"Syempre ayaw ko, sana lang talaga kayanin ko." Sabi nya.


"Pero sana itatak mo din sa utak mo na sa gagawin mong ito. Dito mo malalaman kung tunay ba ang mga kaibigang pinili mo." Seryoso kong sabi sa kanya.


"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal nya pang tanong.


"Hindi lahat ng kaibigan mo, kaibigan din ang turing sayo. Kaya ano mang mangyari dapat ihanda mo ang sarili mo."  Pagkasabi ko nun ay bigla syang natulala sa isang lugar at napaisip.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon