CHAPTER 37

183 15 0
                                    

I LOVE YOU


Brant's POV

Bago kami umalis ay pinahiram ko siya ng damit, wala akong damit na maliliit kaya yung oversized black jacket ko naĺang ang pinahiram ko at track pants.

Bago kami umalis ay nagtataka parin ako sa nangyari sa kaniya at bakit paika ika siya.

"Zoie can you please tell me what happened to you?" May halong pag aalala sa boses kong tinanong siya pagkatapos niyang magbihis.

Tinignan niya lang muna ako bago nagsalita. "I'll tell you everything kapag dating natin sa Hotel na tutuluyan natin."

"How about your wounds? Alam kong maraming masakit sa'yo ngayon, ayaw mo bang gamutin naten?" Nag aalala paring tanong ko. Dahil kung umarte siya ay parang wala lang sa kaniya. Buti nalang at panay itim ang suot noya kaya di napapansin ang dugo na galing sa sugat niya.

"Pwede naman nating gamutin ngayon, yun ay kung gusto mo kong gamitin nanaman ang baril ko sa mga pulis na papasok dyan sa pintong yan."  Sinabi niya yun habang hawak ang baril at itinuro ang pinto. Napalunok naman ako bago nagsalita. "S-sabi ko nga, tara na."

Kinuha ko na ang gamit ko at hinawakan siya sa isang kamay ko. Nung nakalabas na kami sa elevator ay wala na yung mga dugo kanina.

Nakatingin samin ang mga staffs na malamang kasama sa tinutukan daw niya ng baril, teka hindi pala sila sakin nakatingin kundi sa kasama ko.

Nilingon ko naman si Zoie at nakitang tinitignan niya ang mga ito, walang emosyon pero ramdam mo ang pagbabanta kapag tumingin ka sa kaniya. Pati ako ay kinilabutan sa tingin niya.

Kagad ko siyang dinala hanggang sa makapasok na kami sa kotse ko, nakahinga naman ako ng malalim ng nakaalis na din kami dun.

"Why don't we just go home?" Napalingon naman ako saglita sa kaniya nung nagsalita sya pero kaagad ding itinuon ang paningin sa kalsada.

Hindi pwede... Dahil may kailangan pa siyang malaman...

"No, we're staying." Hindi ko na siya narinig na sumagot pero alam kong nagtataka siya.

Wala na muling nagsalita sa amin at naisip kong dumaan muna kami sa may Pharmacy para bumili ng panggamot sa mga sugat niya at dumiretso na sa ibang Hotel.

Nakapagbook na kami at pumunta sa sariling kwarto. Hindi ako ang nagbook pero sabi ni Zoie ay isang kwarto lang daw ang nabook niya dahil wala ng ibang available.

Tumango nalang ako at naisip na siguro ay double bed yung room.

Pero nagkamali ako pagpasok dahil iisa lang ang kama.

"Bakit single bed lang?" Tanong ko sa kaniya dahil shempre lalaki parin ako at babae siya... Mahirap na at malamig pa naman, baka magising si junjun.

"Wag ka ng maarte at hindi naman kita gagahasain." Nakangisi naman niyang sambi't napanganga naman ako dun.

"Ipinapahamak mo ang sarili mo alam mo ba un?" Ako naman ngayon ang ngumisi sa sinabi ko. Napansin kong natigilan siya sa paglapit sa banyo. Tsh... Hahaha

"G-gagamutin ko muna ang sugat ko." Pagkasabi niya nun ay tumuloy na siya sa banyo, isasara niya sana yun ng pinigilan ko. Nakita ko siyang sumilip at nakakunot ang noo.

"I'll help you." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at tinulak ko ang pinto pabukas.

Kinuha ko ang mga panggamot sa kamay niya at nilapag sa may sink. Hinawakan ko siya sa magkabilang bewang at nagulat naman siya dun. Binuhat ko siya paupo sa may sink ng nakatingin ng diretso sa mata niya. Nailang siguro siya kaya nag iwas siya ng tingin, napangisi nalang ako sa kaniya.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon