CHAPTER 8

2.1K 81 26
                                    

TOPLESS


Zoie's POV


Monday na ulit ngayon nagtraining din kami kahapon si eira ayun tulog pero ipapagising ko sya dahil kailangan nyang pumasok, sinabi nya sakin kahapon habang nagtratraining na ayaw nyang pumasok sinabi nya rin sakin ang dahilan kung bakit ayaw nyang pumasok.

*FLASHBACK*

"Bukas maaga kang gumising eira sabay na tayong tatlo nila felicity na pumasok" sabi ko.

"Hindi ba kami pwedeng mag enroll dyan ni aiden?" Mark said.

"Pwede naman kung gusto nyo sumama na rin kayo samin bukas para makapagenroll na rin kayo." Nagsmile naman sya sakin na abot tenga tss.... Tinignan ko naman si eira

"Eira. Narinig mo ba yung sinabi ko?" tanong ko sa kanya.

"A-ah pero h-hindi ako papasok" nauutal pang sabi nya kumunot naman yung noo ko.

"Bakit?" tanong ko, tumungo naman sya, "Ah k-kase... ahm..." Tss alam ko na kung bakit ayaw nyang pumasok.

"Don't tell me you're scared just because of brant" mas lalong napatungo sya sa sinabi ko, takot to panigurado, what is the use ng pagtratrain nya kung matatakot lang sya dun sa mokong nayun?

"Tss... Ano bang nakakatakot dun sa brant na yun? Sino ba yun?" Napalingon naman ako kay aiden nung bigla syang nagsalita.

"Sya yung may gawa nung mga sugat ni eira nung araw na dinala ko sya dito." paliwanag ko, parang nagulat naman sya sa sinabi ko at tumingin kay eira.

"I-ibig mong sabihin yung lalaking yun ang gumawa sayo nun!?" Sigaw na tanong nya pa habang nakatingin sa nakatungo na si eira.

"Why are you shouting?" tanong ko habang nakangisi na nakatingin kay aiden.

"Don't stare at me like that, iba yung iniisip mo zoie" sabi nya, mas napasmirk ako at di pa rin inaalis yung tingin ko sa kanya.

"Ano ba zoie! i don't like her." Sabay turo kay eira natigilan naman si eira halatang nasaktan sa sinabi ni aiden,

"Why? may sinabi ba akong gusto mo sya? katulad nga ng sinasabi sa kasabihan na 'A fish is being caught by its own mouth'" i said

*END OF FLASHBACK*

Hindi magtatagal magkakatuluyan si Aiden at si Eira halata naman kaseng gusto sya ni Eira samantalang ito namang si Aiden walang pake sa kanya tss itong mga batang toh...

Pagbaba ko nakita ko sa dining table si Felicity at si Aiden paglapit ko nag bow sila sakin at na upo nag bow din yung mga maids at guards na nandun.

"Aiden." tawag ko sa kanya

"Yes?" tanong nya.

"Go upstairs and wake up Eira." utos ko napataas naman yung kilay nya sabay sabing

"Whyy meeee??? Ayan si felicity!".

Binigyan ko sya nang tingin na sumunod nalang, padabog syang tumayo sa upuan nya at padabog ding umakyat sa hagdan. Pero hindi pa sya tuluyang nakaakyat eh bumaba na ulit sya dahil nakita na nya si Eira na pababa na din ng hagdan, naupo ng padabog si Aiden sa kanina nyang upuan

"Ano yun nagsayang lang ako ng energy ko sa pag akyat-baba ng hagdan ganon?" Singhal nya pa, nagbow din si Eira nung makalapit sya samin at naupo sa harap ni Aiden, kasundo naman nya si Mark ganon din ginawa nya nag bow at naupo.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon