CHAPTER 20

619 38 2
                                    

TRUST ME

Zoie's POV

Hay ang sarap ng tulog ko tapos bigla akong tatawagan at papuntahin dito. Tapos naratnan ko pa syang kinakausap ang sarili.

Ewan ko ba pero natatakot na ako sa kanya feeling ko anytime mababaliw na toh tapos baka ano pang gawin sakin dba?

"A-ahm Zoie, gusto ko sanang mag grocery. Pwede ba?" bigla naman nyang tanong. Hay bakit pa kase nadamay sya dito, dagdag babantayan pa.

"Sasama ako, pero palitan muna natin yang benda mo tas linisin yung sugat mo." tumango nalang sya bilang sagot.

Pagkatapos kong linisin ang sugat nya ay pinalitan ko na din ang benda nito.

"Let's go?" tanong nya habang nakataas pa ang kilay, nakapagpalit na rin sya nung umakyat sya kanina sa kwarto nya, well ang suot ko ay white pants, and orange oversized tshirt, and orange rubber shoes.

Trip ko lang mag outfit ng ganto ngayon bakit ba?

Lumabas na kami at sumakay na sa kotse nya.

"Teka, kaya mo bang magdrive?" tanong ko sa kanya nung papa andarin na nya sana yung kotse.

"Yeah, it's fine. Hindi naman ako nabalian ng paa." nagbikit balikat nalang ako bilang sagot.

"Don't go to the nearest mall. Dun tayo sa medyo malayo." sabi ko, kumunot naman ang noo nya at nagtatakang sumulyap sulyap saken.

"Why? pwede namang dun nalang sa mas malapit para mas mabilis." Hay bakit ba di nalang sya sumunod.

"Pwede bang sumunod ka nalang? Para sayo rin toh. Pag dito tayo sa malapit, walang magbabantay saten."

"Magbabantay?" nagtatakang tanong nya pa.

Napabunting hininga nalang ako at tinawagan si Mark.

[Hey, Zoie.] sagot nya sa kabilang linya, itinuon ko ang tingin sa labas.

"Mark, we're heading to the Sharville Mall. Magpadala ka ng bantay, just incase i need back up." sagot ko, naramdaman ko ang paglingon lingon sakin ni Mark.

[No, Felicity and i, can go.]

"Okay, it's up to you." pagkasabi ko nun ay pinatay ko na ang tawag.

"B-bakit kailangan mo pang magpatawag ng magbabantay?" biglang tanong ni Brant, di ko naman sya nililingon at nasa kalsada lang ang tingin ko.

"Well just incase i need it." seryoso kong sagot sa kanya.

"What do you mean by 'just incase you need it'? hindi ba dapat just incase 'we' need it?" hay ito ayaw ko dito kalalaking tao ang daming daldal.

"Am i not enough? Kaya naman kitang ipagtanggol sa taong gustong manakit sayo." sabi ko pa. Teka bat parang pati ako nalito sa ibig kong sabihin? Parang naging double meaning yun ah? Ayy ewan, nevermind.

Natigilan sya sa narinig at hindi na muling nagsalita.

Nakarating na kame sa Sharville Mall, bumaba na ako ng sasakyan at ganun din sya. Dumiretso na kame papasok ng mall at naghanap ng supermarket.

Nung may nahanap na kame ay kumuha na sya ng cart.

"Ako na dyan." tukoy ko sa cart. Halata kaseng di pa okay yung kamay nya kaya kahit ngayon siguro maging mabait ako sakanya.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon