EX BOYFRIEND
Zoie's POVTuesday na.
Napag pasyahan ko na itigil nalang namen ang pagpasok sa school, dahil pumapasok lang naman kame para malibang.
Tsaka may sapat naman na kaming talino kaya di na namen kailangan, woi kayong nagbabasa! Wag nyo kameng gagayahin. Baka mamaya pagalitan ako ng mga nanay nyo dahil di na kayo pumapasok! Aba mababaril ko kayo tanyo man.
Kailangan nameng magfocus ngayon sa kalaban namen. Alam kong madali lang kalabanin ang mga ilang myembro ng Astraea. Pero alam kong hindi lang yun ang kaya nilang gawin.
Hindi sila ang mangunguna sa lahat kung hindi sila magagaling.
Naghilamos na ako at nagpalit ng simpleng damit at dumiretso sa kwarto ni Brant. Hay isa pa toh, pano na kaya toh? Hindi na kame makakapasok kaya pano ang magbabantay sa kanya?
Ahh alam ko na mag papaenroll nalang ako ng ilang mga tao ko.
Pagdating ko sa harap ng kwarto nya ay kumatok ako ng tatlong beses. Maya maya ay bumukas na ito at bumungad sakin si Brant na halatang kakahilamos lang din.
"Good Morning." bati nya.
"Can i come in?" tanong ko sa kanya dahil di nya binubuksang maigi ang pinto.
Kaagad naman syang tumango at niluwagan ang bukas nito. Dumiretso ako sa kama nya at naupo sa dulo nito.
"I need to tell you something." sabi ko pagkaupo ko. Lumapit naman sya at naupo sa tabi ko pero may space sa gitna namen.
"Ano yun?"
"Wag ka munang makikipagusap sa mga kaibigan mo." Sabi ko sa kanya, tumaas naman ang kilay nya.
"Bakit ko naman gagawin yun? Kaibigan ko sila."
"Brant gusto mo bang pati sila ay madamay dito? Gusto mo bang mangyari din sa kanila ang nararanasan mo ngayon?" paliwanag ko. Napatingin naman sya sa kung saan na parang napaisip.
"A-ayoko." utal pang sagot nya.
"Yun naman pala eh, para sa kanila din toh. Mapapahamak sila dahil alam kong di mawawala sa paligid ang mga sumusunod saten Brant." tumigil ako sa pagsasalita nung bigla nya akong lingunin.
"Para ka na ring isa samen ngayon na sinusundan nila, pag nalaman nilang malapit ka sa kaibigan mo ay gagamitin nila yun laban sayo, tapos kokontrolin ka nila at gagamitin laban samin. Naiintindihan mo ba ako?"
"Oo naiintindihan ko. Sino ba kasi yung mga taong yun? Di ba sila titigil?" takang tanong nya pa.
Yung mga yun titigil? tss hindi alam ng mga tulad namen ang salitang 'sumuko'
Pag sumuko ka talo ka, mahina ka. Tsaka hindi rin ako papayag na matalo nila. Gusto kong mapalitan sila sa rank nila, kameng Black Devils ang mangunguna at papangalawa lang sila.
Matagal na naming hinahangad na manguna at sa tingin ko ito na ang tamang oras para ron.
"Titigil lang sila pag nakuha na nila ang gusto nila. Pero di hahayaang mangyari yun, mapapatigil ko sila sa kadahilanang matatalo ko sila."
Paniguradong hindi sila titigil hanggat di nila kame natatalo oh hanggat di kame sumuko. Pero hindi ko hahayang mangyari yun. Sinisiguro kong mapapalitan ko sila sa unang ranggo.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ang babaeng pinagtritripan mo ay isa palang Gangster? Akala mong simpleng Nerd na student lang, pero isa palang Leon na nagtatago sa katawang Pusa. How a gangster fall in love despite of her cold heart? A girl y...