CHAPTER 49

148 10 0
                                    

DALAWANG SALITA

Aiden's POV

Kasama ko si Zander ngayon at pareho kaming may mga kinakalaban. Nakakapagtaka dahil hindi sila nauubos. Napakadami na naming napatumba pero sige parin ang pagsugod ng mga kalaban.

Matapos kong mapatumba ang kalaban ko matapos ko siyang sipain ay may papasugod pang isa. Mabilis akong yumuko at dumakot ng buhangin sabay hagis sa mukha nung papasugod sa akin. Napahinto siya at hinawakan ang matang nalagyan ng buhangin. Sinamantala ko na ang oras na iyon at binaril na siya sa ulo.

Wala sila Mark at Felicity dito dahil naaghiwahiwalay kami para mabilis ang pagkaubos ng mga kalaban. Para na rin matulungan nila si Zoie na hanapin si Zakiah.

"Aiden behind you!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Zander sa akin kaya hindi agad ako nakareact. Paglingon ko ay babarilin na sana ako ng isang kalaban nang bigla nalang itong bumagsak sa sahig.

Nanlaki ang mata ko at inilibot ang paningin sa palagid para hanapin kung sino ang gumawa nun. Nang nakita ko si Eira na nakatayo at nakahawak ang parehong kamay sa baril habang nakatutok parin yun dun sa lalaking natumba.

"Anong ginagawa mo dito?! Bakit ba hindi ka marunong sumunod?!" Galit na sigaw ko sa kaniya kaya ibinaba niya ang kamay na nakatutok dun sa kalaban.

"M-may kumuha din kasi sa kapatid ni Brant. Kaya sumunod kami dito sa sobrang pag aalala niya." Mahinang sambit niya. Nakanguso pa siya at nakayuko.

I shouldn't have shouted at her.

Fuck.

Now i feel bad. She saved my life, yet i yelled at her.

Napabuntong hininga nalang ako at lumapit sa kaniya. Hinila ko ang isang kamay niya at hinapit payakap sa akin. Naramdaman ko ang mga kamay niyang unti unting pumalupot sa bewang ko. Nang may pasugod sana palapit sa amin ay kaagad ko na itong pinaputukan sa ulo.

Don't ruin our moment.

Inilapit ko ang bibig ko sa kanang tenga niya at mahinang bumulong doon.

"Thank you for saving me..." bigla akong nakaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso. Pero hindi ko alam kung sa kaniya ba yun... o sa akin.

"You guys can flirt later! But first, help me with these bastards!" Sigaw ni Zander habang may limang kalaban ang sumusugod sa kaniya.

Napatingin ako kay Eira at parehas kaming natawa.

Tsh.. So cute..


***

Mark's POV

I'm with Felicity and we're walking around this huge place, naghanap na kami kung saan saan para mahanap si Zakiah pero di namin siya makita.

Nagpasiya kaming maghiwahiwalay para mas mapadali ang paghahanap. Halos malibot na namin ang buong lugar na ito ay wala kaming makitang kahinahinalang lugar na pwedeng pagtaguan nila kay Zakiah.

Diretso ang tingin ko sa nilalakad ng huminto si Felicity dahil nag ring ang phone niya.

"Si Zoie." Tinignan niya lang ako at mukhang parehas kaming hindi maganda ang kutob sa pagtawag ni Zoie.

Sinagot niya ito at itinapat sa tenga niya.

"Hello? Zoie?" Sabi niya, mukhang nagsasalita si Zoie sa kabilang linya kaya napatigil sa pagtawag si Felicity ng pangalan niya. Unti unting nanlaki ang mata niya at halata sa mukha niya ang pagkagulat marahil dahil ito sa sinasabi sa kaniya ni Zoie ngayon.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon