SAVED/THANK YOU
Zoie's POV
*BANG!*
Bago pa pumutok yung baril na itulak ko na yung puntirya nito, si Brant. Nasa sahig kami ngayon naka paibabaw ako sa kanya. Pero di ko na pinansin yun dahil naiinis ako. Ang daming Studyante ang nabulabog dahil dun.
Nakita kong tumakbo sila Aiden at Mark papunta dun sa bumaril, alam na talaga nila ang dapat nilang gawin. Tumayo ako at sinigawan si Brant.
"Bakit ba ang tanga tanga mo! Muntik ka ng mamatay dun!" nanginginig sa galit at pag aalala ko sambit. Teka nag aalala bako? Hindi! nagagalit lang ako kase ang tanga tanga nya!
"Bakit sakin ka nagagalit?! Hindi naman ako yung bumaril!" Halatang natakot sya sa nangyare kase medyo nanginginig rin sya. Sino ba naman kaseng di matatakot na muntik nang mabaril?
"Aish! ewan ko sayo! Bwisit ikaw na nga niligtas." Pabulong kong sinabi yung huli. Halata naman narinig nya kase medyo natigilan pa sya.
"Ms. Zoie Gwaenchanayo?" (Are you okay?) nag aalala namang tanong sakin ni Felicity.
"I'm fine." Sabi ko, tinignan ko naman si Brant na nakaupo paren sa sahig. Nilingon ko mga kaibigan nya.
"Ihatid nyo na yan pauwi, panigurado papauwiin na din lahat ng estudyante dahil sa nangyare." Sabi ko sa dalawang kaibigan nya. Diba apat daw silang magkakaibigan? Sino yung isa? Aish ewan, wala na kong pake dun. Tumango naman yung dalawa at tinapik na si Brant. Tinulungan nilang tumayo.
"You have to go home and take some rest." Sinabi ko sa kanya.
"Hayaan mo muna yung deal naten, kailangan mong magpahinga, masyado kang nabigla sa nangyare." dugtong ko sa sinabi ko. Napatango nalang sya at tulalang naglakad palabas kasama ang mga kaibigan nyang halata ring nag aalala sa kanya. Magpasalamat ka at may kaibigan kang handang tumulong sayo, kahit na ganyan ugali mo tsh.
"ATTENTION ALL STUDENTS, CLASS ARE SUSPENDED BECAUSE OF WHAT HAPPENED. WE'RE STILL FINDING THE SHOOTER, SO IT'S GOOD IF ALL THE STUDENTS ARE ALL AT HOME NOW. BE CAREFUL STUDENTS."
Nag announce na rin na suspended. Nilingon ko si Felicity na nakatingin na din sakin."Where?" tanong ko kay Felicity habang naglalakad kame palabas ng school. Alam kong naintindihan nya ang ibig kong sabihin.
"Sa Demonace daw." Sabi nya pagkalabas namen nakita na namen yung sasakyang susundo samen. Sinabi ni Felicity na sa Demonace ang punta namen.
Pagkarating namen sa Demonace, lahat ng madaanan nameng tauhan, tumatango saken. Pinasadahan ko lang sila ng tingin at dumiretso na kung saan ang punta namen.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Felicity, bumungad samen ang nag aalalang si Mark, lumapit sya saken at sinuri pa ako ng buo.
"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo? Nabaril ka ba? Nagalusan ka ba nung pagtumba mo? Bat di ka sumasagot! Nag aalala ako!?" Sunod sunod nyang tanong. Aba eh pano ko masasagot eh ang dami. Hinawakan ko balikat nya at inilayo sya sakin.
"Okay lang ako, walang masakit sakin, di naman ako nabaril, at wala akong galos." sagot ko pa sa lahat ng tanong nya at tinignan ko na ang lalaking nakaupo at nakatali sa gitna ng kwarto. Okay pa ang itsura nya, panigurado di pa sya ginagalaw nila Mark, ang kaso tulog ngalang.
Sinipa ko yung paa nya, tama lang na magising sya. Napadilat naman sya at tinignan ang mga tali nya, sinubukan nyang makawala pero hindi nya magawa.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ang babaeng pinagtritripan mo ay isa palang Gangster? Akala mong simpleng Nerd na student lang, pero isa palang Leon na nagtatago sa katawang Pusa. How a gangster fall in love despite of her cold heart? A girl y...