ABDUCTED
Eira's POVnakayakap paren sakin si Aiden di ako makagalaw sa gulat. Di ko inaasahang yayakapin nya ko dahil umiiyak ako.
Sabi nya pa heto na daw ang huling papatahanin nya ako, kase ayaw nya na daw akong makitang umiiyak.
Unti unti akong napatigil sa pag iyak, hindi ko din alam kung bakit pero biglang gumaan pakiramdam ko. Kung ako lang papapiliin ay ayokong magkagusto sa kanya dahil alam kong wala naman akong pag asa. Pero pinapa asa nya ko sa ginagawa nya!
Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap nya hanggang sa makawala ako sa mga bisig nya.
Tinignan nya kong diretso, hindi ko man kaya pero pinilit kong salubungin ang tingin nya.
"Wag mong bigyan ng malisya yun, lalaki ako kaya di ko kayang makakita ng babaeng umiiyak." sabi nya, bumalik nanaman sa dati yung boses nya na parang walang paki alam.
Napatango nalang ako sa kanya dahil hindi ko parin makalimutan yung pagyakap nya saken.
"Tss. " pagkatapos nun ay tumalikod na sya at umalis.
Bakit parang nawala yung sakit nung bago kong tattoo, nakaalis lang sya bumalik nanaman yung sakit. Parang di ko na ata kayang mabuhay pag di ko sya nakikita, ahhhh!! nababaliw na ata ako!
Pero realtalk ha? Kaya ko naman talagang mabuhay mag isa ang problema lang, nakilala ko sya.
Aiden! ano bang ginagawa mo sakin argh! di ko na alam gagawin ko dito sa nararamdaman ko.
***
Zoie's POV
Pagkatapos ng meeting namen lumabas na ako dun, nagpaalam sila Mark at Felicity. Sabi nila mamayang gabi nalang daw sila magbabantay kila Mark, hindi sana ako papayag pero nung biglang nag puppy eyes si Mark ay wala napapayag nya din ako.
Hindi dahil cute sya ha! Nakakairitang kayang tignan pag ginagawa nya yun. Nakakadiri.
Di ko alam pero bigla akong kinabahan sa isiping, wala pang nakabantay kay Brant.
Pinilit ko nalang tanggalin sa isip ko yun at pumunta sa kwarto ko dito at kumuha ng beer sa mini ref na nandito sa kwarto ko, panay alak lang laman nito kase minsan pumupunta ako dito sa Demonace kapag may problema ako, kaya pinasadya ko na talaga na lagyan ng alak yun.
Nasa gitna ako ng pag inom ng pangatlong bote ng beer ng biglang nagring ang phone ko.
Dinampot ko ito at tinignan ang caller UNKNOWN NUMBER yung nakalagay. Hindi maganda ang kutob ko dito pero lakas loob kong sinagot.
Hinintay kong may magsalita sa kabilang linya pero wala, dahil para mas kabahan ako.
"Who's this?" diretso at malamig kong tanong.
Bigla akong may narinig na humalakhak at nagsalita.
[Oh hey there Princess, I have a surprise for you.] sarkastikong sabi ng nasa kabilang linya. Kung di ako nagkakamali paniguradong myembro to ng Astraea, sila lang ang alam kong kaaway namen ngayon.
"Anong kailangan mo saken?" naiirita kong tanong pero t*ngina! tumawa lang sya.
"Answer me you freak!" sigaw ko pa sa kabilang linya dahil nakakapanggigil ang tawa nya, ang sarap tanggalan ng ngala ngala.
[Chill Princess, masyado ka namang excited. Di mo pa nga alam ang ginawa ko nagagalit ka na agad. Baka pumangit ka nyan hahaha.] nakakairita talaga yung tawa nya, narinig ko din may sumabay sa pagtawa nya sa kabilang linya. Mas nairita ako dahil dun, madami sila.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ang babaeng pinagtritripan mo ay isa palang Gangster? Akala mong simpleng Nerd na student lang, pero isa palang Leon na nagtatago sa katawang Pusa. How a gangster fall in love despite of her cold heart? A girl y...