CHAPTER 39

197 15 1
                                    

JEALOUS

[WARNING! MATURE CONTENT!]

Zoie's POV

Pagkatapos ng madramang pagkikita namin ng kambal ko ay napagpasiyahan naming magpunta sa kaniyang tinutuluyan.

Naglalakad kami ngayon papunta dun.

"Zakiah..." tawag ko sa kaniya hindi naman siyang lumingon kaya kinalabit ko siya kaya napatigil siya sa paglalakad.

"Bakit?" Inosenteng tanong niya kaya napataas ako ng kilay. "I was calling you." Tugon ko.

Napayuko naman siya bago nagsalita. "Sorry hindi kasi ako sanay sa pangalan na Zakiah."

"I understand, masasanay ka din." Nakangiti kong sambit nginitian naman niya ako pabalik. Naramdaman ko ang kamay ni Brant na umakbay sa akin. Nakita kong napalingon dun si Zakiah at nag iwas ng tingin.

"Tara na.." aya niya at nagsimulang maglakad uli. Kaagad naman kaming sumunod ni Brant.

"Ahm Zakiah, I'm wondering if you still have the necklace i gave you?" Tanong ko, napaka espesyal ng idang yun sa aming dalawa.

"Wala akong ganon. Kahit isang alahas ay wala ako kaya imposibleng meron ako nun." Kaswal niyang sinabi. Paanong wala sa kaniya yun? Sa pagkaka alam ko ay never niyang inalis iyon sa leeg niya simula nung ibinigay ko iyon sa kaniya.

Alam nila Kuya Zander, Mom and Dad iyon. Noong una ay ayaw nilang pumayag dahil nga sa sakit na maidudulot niyon sa aming dalawa sa oras na pindutin niya iyong pendant.

"Binigay ko iyon sayo nung bata pa tayo, It's not just any necklace, there's something special in it." Nakita ko naman sa mukha niya na parang tinatanong kung ano bang meron dun.

"Forget it, wala na pala iyon sa iyo, but that necklace is so important to the both of us. You'll going to need that when you're in danger."

Hindi na muli akong kumibo at itinuon ang pansin sa nilalakaran.

Nasaan na kaya iyon? Paano kung may ibang makapulot nun at mapindot yung pendant? Ikapapahamak naming dalawa iyon kung sakali. Sana naman ay nasa ligtas na lugar iyon at walang makakagalaw.

Ang kwintas na iyon ay nakakonekta sa isang maliit na bagay sa kaliwang braso namin si Zakiah.

Sa oras na pindutin mo iyong pendant ay parehong sasakit iyong nasa braso namin, at mas lalong masakit ito kapag magkalapit kaming dalawa. Pinasadya ko iyon para kapag malayo man kami sa isa't isa at may mangyari sa kaniya ay pipindutin lamang niya iyon. Sa oras na pasakit ng pasakit ang bagay na nasa braso namin ay ibig sabihin niyon ay nalalapit na kami sa isa't isa, at matitigil lamang iyong sakit kapag pindutin na niya ulit yung pendant.

Kaya ganun nalang ang pag aalala ko na baka saan napunta iyon. Dahil sa oras na may pumindot nun ay kakailanganin naming tanggalin ang maliit na bagay na nasa braso namin.

Natigil ang pag iisip ko ng biglang nagsalita si Zakiah kaya napalingon ako sa kaniya.

"Nung isang gabi ay saamin natulog si Brant." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya, sa tingin ko ay ang ganong bagay ay hindi naman na dapat sinasabi. Anong gusto niyang ipahiwatig sa sinabi?

Nilingon ko nalang si Brant ng nakataas parin ang parehong kilay. "Oh~ Brant slept in your home huh?" Pinilit kong hindi magmukhang sarkastiko ang boses ko. Sinabi ko iyon habang nakatingin kay Brant, nakita ko naman ang buto sa lalamunan niya na gumalaw.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon