Kathang Isip

1.9K 48 5
                                    

Song: Kathang Isip by Ben&Ben

"Shar, kaya mo ba?" May pag-aalala ang tingin ni Nash habang papasok kami sa ASAP stage. "Basta kurutin mo lang ako kung di mo na kaya ha. Baka magbreakdown ka sa national TV."

Tinawanan ko na lang siya. "Ako pa ba? Alam mo namang strong to!" Narinig namin ang boses ni Maymay na tinatawag kami ni Nash. May kaunting nerbiyos na pumasok kami sa stage. Napakapit ako saglit sa braso ni Nash nang makita siya.

Akala ko handang handa na ako pero gusto kong umatras. Pero ganito talaga ang showbiz. Fake it till you make it. Nagbeso kami sa lahat ng hosts at parang bumagal ang mundo nang papalapit na kami sa isa't isa.

"Donny," sambit ko nang nakangiti habang binibeso siya. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kaya. Baka makita ko ang lungkot sa mga mata niya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Dapat matatag ako. Kailangan.

'Shar kailangan mo lang tapusin ang segment na to...'

Sinusubukan ko na hindi magkaroon ng pagkakataon na magkausap man lang kami. Andami nang nangyari dahil lang hindi naman pinag-isipan ang mga desisyon namin sa buhay. Nagpadala kami sa damdamin namin.

"3 years?" Parang gulat na gulat siya nong sinabi ko kung kelan namin ginawa ang project na to. Na parang ayaw niyang maniwala.

"Oo 3 years talaga!" sagot ko nang may pagtaas ata ang boses  dahil kinurot ako ni Nash sa likod.

Ginawi ko na ang atensyon ko sa ibang hosts. Ayoko siyang titigan. Kilala ko si Donny, hindi nya kayang magpanggap. Hindi niya kayang itago ang damdamin niya. Ayokong makita ang lungkot sa mga mata niya katulad nong gabing tinuldukan namin ang lahat ng mayroon kami.

Pinanood namin siya kanina ni Nash sa previous segment at kitang-kita ko ang masayang Donny--madaldal, maraming tanong, maraming jokes. Pero ngayon, kahit hindi ko siya titigan ramdam ko ang lungkot sa katahimikan niya.

"Sino ang gift ng buhay mo this 2018?"

Napapitlag ako sa tanong ni Edward. "Ako every year naman gift saken, yung pamilya ko..." At may pagtakip na naganap si Tito Robbie. Gusto ko siyang pandilatan sa ginawa nya. Nakita ko si Donny na napayuko. "Yung MYX family ko din..." At ang lokong si Nash ay ngiting ngiti na habang tinititigan si Donny!

Para akong nabunutan ng tinik nang matapos ang segment. "Kaya mo?" Ang walanghiyang si Nash may pag-abot ng kamay saken nong pababa sabay kindat at senyas saken. Napatingin ako at nagtama ang mga mata namin ni Donny na nakatitig pala sa aming dalawa! He had those bloodshot eyes which has been haunting me for months already.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ko habang si Nash ay lumapit sa kanya. "Baby Shar!" Tinapik ako sa balikat ni Tito Robbie. "Ganda natin today ah!"

"Salamat, always naman yan!"

"Andyan si Donny..." may pang-aasar na sabi niya. "Di man lang kayo nagbatian?"

"Nagbeso kami ha!" Depensa ko.

"Parang di kayo magkakilala kanina ah," pasaring niya sabay kindat. "Dati naman sa MYX kung mag-asaran kayo parang walang bukas!"

Hinampas ko na lang siya. Lokong to, parang di alam yung nangyari. Hinahanap ng mata ko kung nasan si Donny nang makita ko si Nash na wala ng kausap.

"Ayun o...." Ngumuso si Tito Robbie sa gawi ni Donny. Nakaupo sya sa may harap ng stage habang kumakanta si Martin Nievera. Nakayuko lang at halatang pagod na pagod. "Shar, naaawa na ako dyan."

Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot. Ayokong makita nilang naaapektuhan ako sa mga kilos ni Donny.

"Alam ko naman na ayaw mong pag-usapan." sabi ni Tito Robbie. "Pero sana di nyo pinagsisihan."

Ang sakit. Ang sakit pala na marinig sa ibang tao yun. Kasi ang totoo niyan di ko alam kung tama ba yung desisyon namin. Parehas naman kaming sumuko diba? Pero bakit, ang sakit sakit makita siya? Ang sakit na di ka na parte ng buhay niya. Na parang kathang-isip na lang ang nangyari pero naaalala mo gabi-gabi lahat ng masasaya at malungkot.

Miss na miss na kita, Donato Antonio.

Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon