Nanghihinayang by JinHo Bae
Note: Oo. Idol ko si April Boy Regino. Charaz. Bagay kasi sa chapter na 'to. Wag niyo akong patayin.
Hindi masidlan ang kasiyahan ni Donny na magkaibigan na ulit sila ni Sharlene. Nakakausap na niya ito. Natitext. Nakakabiruan. Sapat na sa kanya na parte siya ng buhay nito. Kahit minsan masakit. Masakit kasi hindi na siya ang naghahatid-sundo dito. Si Turs na. Magkaibigan silang lahat sa MYX at nirerespeto niya si Turs kaya pinipigilan niya ang sarili. Pinipigilan niyang yakapin at hawakan ang kamay ng dalaga.
Samantalang si Shar naman ay nakondisyon na ang sarili na magmove on na kay Donny. Nong nalaman niya mula kay Turs na pumayag si Donny na ligawan siya, napagtanto niyang mali lahat ng akala niya. Walang gusto si Donny sa kanya. Guni-guni lang ng puso niyang umaasa ang lahat ng yun. Napagdesisyunan niyang bigyan ng chance si Turs dahil sincere ito.
"Hi Sharlene."
Napalingon si Shar nang may tumapik sa balikat niya. Si Ricci pala, ang bago nilang guest VJ.
"Ako pala si Ricci Rivero. Okay lang ba magpapicture? Sobrang idol at crush kita."
Natameme siya sa pagiging straightforward nito.
"Kung pwede din sana...pwede ko bang mahingi ang number mo para matext kita ng good morning at good night?"
Natawa si Sharlene sa pagkapresko nito. Hindi niya akalaing may ganitong tao na ang taas ng self-confidence.
"Sige. Pwede tayo magpapicture. Pero yung number ko...hindi pa nga tayo close... Hihingin mo na number ko?"
Napakamot ito ng ulo. "Eh kasi ito na lang ang chance ko. Grab ko na diba?"
Sa huli ay naggive in din si Sharlene sa pangungulit nito. She can't explain but there's something amusing about this guy.
Nakita ni Donny ang buong pangyayari at napamura siya sa isip niya. May karibal number 2 na naman siya.
"Buti pa yung iba, malakas ang loob..." Biglang bulong sa kanya ni Robbie. "Yung iba kasi dyan, toooorpe." Diniin talaga nito ang huling salita.
"Weren't you the one who told me that it was too early for us?" Inis niyang bara dito.
"Eh anong petsa na, boy? May Turs na. May Ricci pa."
Napabuntong-hininga na lang siya. May magagawa pa ba siya?
***
"Shar, sa kotse ka na sumakay. Sabay na tayo then let's grab something to eat on the way."
"Sharlene ko, mas okay dito sa motor ko. Makakakapit ka sa bewang ko."
Sumasakit na ang ulo ni Shar. Ilang araw ng nagpapaligsahan si Turs at Ricci para sa atensyon niya at hindi na siya natutuwa sa mga pinagagawa ng mga 'to.
Pupunta sila sa block screening ng movie ni Donny na Walwal para suportahan ito. Tuwang-tuwa ang ibang VJs na panoorin siyang natutuliro. Pakiramdam pa nga niya ay nagpustahan sila kung kanino siya sasama.
"Uhm...ano kasi...." Puno na ang isang sasakyan kaya wala talaga siyang choice kundi sumama sa isa sa kanila. Ayaw din siyang samahan ng hinayupak na Sunny.
"Shar, you can go with me na lang." Si Donny. Akala niya ay nauna na ito. Tiningnan ng masama si Donny nang ibang VJs na parang panira ito ng diskarte. "May iniwan ka din sa kotse na kailangan na ni Tita Mylene diba?"
She mouthed a silent thank you to him. "Ahy oo. Sa'yo na lang ako sasama. Kailangan na ni Mama yung ano...yung bag na yun!"
BINABASA MO ANG
Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]
RomanceWhat happens if life gives you a second chance at love? Will you trust and love again? Or will you walk away and find your happiness somewhere else? This fanfic is based on real events from Shardon.