Song: Kahit Di Mo Alam by December Avenue
Rule Number 4: Quality time
'Love san ka?'
30 minutes na since yung last text ko kay Shar di pa rin siya sumasagot. Tatawagan ko na siya dapat nang biglang nagreply na siya.
'Papunta na ako sa set, love. Bakit?'
'Malapit na kasing magstart ang scene natin, love. Baka lang di ka nagising and ma-late ka. Baka magalit pa si Direk.'
'No love. Alam naman ni Direk. Chill ka lang. Andyan na ako in five minutes.'
I sighed in relief when I saw her rushing in the set. Akala ko kasi hindi siya makakarating. Nagpaalam kasi ako sa parents niya na dadalhin ko sana si Shar sa bahay kasi gusto siyang ma-meet ng buong family. Nabanggit ko na din sa kanya pero baka lang nakalimutan niya.
"Love, alis tayo ng mga 6pm ha." I reminded her. Matatapos naman na dapat kami ng siguro mga 3pm kasi 2 scenes lang ang ishoot namin today.
"Ha?" Kumunot ang noo ni Shar. Hindi niya ata naalala yung reunion namin.
"Love, tonight yung family dinner." Nakita kong nag-panic siya bigla.
"Ngayon ba yun, love?" Sumimangot na ako pero bigla siyang bumungisngis. "Joke lang! Siyempre naalala ko. Andyan na nga yung gifts ko eh. Bumili ako para effort talaga!"
"Wow love. Nagkaron ka pa ng time para bilhan sila?" Ang sweet naman talaga ng girlfriend ko.
Mabuti at natapos kami ng mga 5pm kaya marami kaming time. Traffic pa man din sa EDSA. Maaga kaming dumating sa bahay at wala pa silang lahat. Pumunta daw sa mall.
"7:30 daw ang dating Dong Donny." Sabi saken ni Yaya. "Marami daw silang dala kaya kung pwede daw sunduin mo sila Ma'am."
Bumulong sa akin si Yaya. "Wag daw isama si Ma'am Shar kasi dala nila yung regalo para sa kanya."
Nasa living room si Shar at nagpaalam ako na susunduin lang sila Mommy. "Love, dito ka muna okay lang ba? Nagpapasundo sila Mommy eh baka di tayo kasya sa kotse."
"Sige love. Okay lang naman ako."
Feeling ko mabobore siya mag-isa. "Love, do you want to go to my room?"
Pinandilatan niya ako. "Huy."
Tumawa lang ako kasi kung anu-ano na naman naiisip niya. "Love, ikaw talaga. Baka kasi ma-bore ka dito. May PS4 ako sa room. You can play there and kailangan mo din itago yung gifts mo."
Nagmental check ako kung nakapaglinis ba ako sa room kasi nakakahiya naman sa kanya. Naalala ko naglinis naman ako last week. "Welcome to my haven!"
"Ang dumi naman." Puna niya.
"Madumi ba? Sorry love. Busy kasi."
"Joke lang, mas malinis pa nga to sa room ko. Marami ka bang sekreto dito?"
"Wala naman!" Sagot ko. "Feel free to use anything here, love. Basta wag mo lang nakawin boxer shorts ko!"
Sinundo ko na sila Mommy sa Shang. "Guys, please be nice to Shar. It's the first time I'm inviting a girl over to our house." Kabado talaga ako lalo na kay Mommy kasi super strict siya sa ganon.
"Mommy, please be nice." Pagmamakaawa ko. "I know you don't like Shar..."
Sumama yung tingin ni Mommy saken. "I actually like her Donny before you dated. You can't blame me."
Tahimik lang si Solana at Benj sa likod. Ayaw makialam. I wish nandito si Daddy para ipagtanggol ako.
"Mommy please. Past is past na."
BINABASA MO ANG
Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]
RomanceWhat happens if life gives you a second chance at love? Will you trust and love again? Or will you walk away and find your happiness somewhere else? This fanfic is based on real events from Shardon.