Somebody To You

1.2K 39 8
                                    

Song: Somebody To You by The Vamps

Yung akala mo wala ng karugtong. Yung akala mo tapos na. Yung akala mo wala ng mangyayari. Nagkakamali ka pala.

"Love, may tumatawag sa'yo."

Naputol ang pagmumuni ko dahil sa pagtawag ni Donny. Mukhang annoyed yung mukha niya. Si Ricci pala ang tumatawag. "Sasagot mo ba yan?" Hindi talaga tinatago ni Donny ang disgusto niya kay Ricci.

"Oo naman. Baka importante eh." Umiling na lang ito at tinalikuran ako.

"Hello Ricci. Bat ka napatawag?"

"Hi Shar! Nasa may area lang ako kung saan kayo nag-shooting. Sa may Tomas Morato lang kayo diba?" Wow, pano niya nalaman.

"Ah, oo. Sinong nagsabi sa'yo?"

"Syempre, may tagabantay ako sa'yo dyan. Puntahan kita. Free ako ngayon."

"Pupunta ka dito?" Pag-ulit ko. Napalingon si Donny at sumenyas sakin na huwag kong papuntahin.

"Oo. Dinner tayo?"

"Ah eh.... May date kasi kami mamaya ni Donny eh." Ngumisi ang mokong sa sagot ko kay Ricci sabay thumbs up.

"Date? Ano yan? Para na naman sa promotion ng teleserye niyo? Di ka ba napapagod magpanggap Shar? Baka masaktan ka na naman niyan." Pagsermon sakin ni Ricci. Naiipit na ako sa dalawang to ah.

"Ricci, scene ko na. Text text na lang. Bye."

"Ang persistent talagang maging third party ng Ricci na yan." Pagmamaktol ni Donny. "Alin ba don sa may boyfriend ka na ang hindi nya magets?"

Correction Donato, fake boyfriend....

"Bakit ba galit na galit ka don?"

"Eh sino ba namang matinong lalaki ang maghahabol sa isang babae na alam niyang taken na?" May point. Hindi ko na kasi binanggit kay Donny na alam ni Ricci na fake lang kami. "Ganyan ba yung type mo?"

"Magkaibigan lang kami ni Ricci." Pagdepensa ko kasi parang papatay na ata siya ng tao.

"Tapatin mo nga ako love, gusto ba si Ricci? Kasi ineentertain mo eh." Sinumpong na naman si Mr. Sungit.

"NEVER kong inentertain si Ricci nong TOTOONG tayo pa." Diniin ko talaga yung 'never' at 'totoo' para maintindihan niya.

"You're talking about the past. I'm talking about NOW."

"Hindi ko alam Donny—este love. Kasi busy ako ngayon kaya wala akong panahon isipin kung anong feelings ko para kay Ricci, okay? Bakit ba selos na selos ka don?"

"Hindi ako nagseselos!" Padabog na sagot niya. "Bakit ako magseselos eh wala naman akong karapatan?" Bakit ba ang bitter nito eh umagang umaga?

"Ano bang nakain mo bakit ang init ng ulo mo?"

"I'm just worried about you love, okay. Intindihin mo naman ako. Sinabi ko na sa'yo dati. I want what's best for you and he doesn't deserve you. Minsan pa naman, marupok ka."

Wow, palakpakan. Ako ba ang marupok? "Excuse me lang ha. Ang bigat nong marupok ako ha. Sa lahat ng nagparamdam sakin ikaw lang pinatulan ko tapos ako ngayon ang marupok?"

"Love, ang pangit nong term na pinatulan! Pwede bang minahal ng buong buo?" Natatawa na ako kasi seryosong seryoso pa din ang mukha niya. "Alam mo, liligawan kita ulit."

"What?!!!!" Luluwa na ata ang mata ko sa gulat. "Anong liligawan? Bat mo ko liligawan?" Oo nga, bakit niya ako liligawan eh kami na? Chosera lang.

"I just want to make you remember how a guy should treat a girl. Para magkaron ka ulit ng standards." My heart sank. Akala ko pa naman totoo na.

"Hindi na kailangan." Inirapan ko siya. "Kaya ko na ang sarili ko, okay?"

Hinila ako ni Donny palapit sa kanya. I could smell his perfume. Walang nagbago, ang bango bango niya pa din. "Oh bakit parang ikaw na naman mainit ang ulo?" Malambing na tanong niya.

"Wala. Ang gulo mo lang." Pinaasa mo ako, leche ka.

"Love, huwag mo ng puntahan si Ricci, please. Tayo na lang mag-date."

"Huwag na. Baka may makakita pa satin."

"Eh ano naman? Alam naman ng lahat ng girlfriend kita. Manood tayo ng sine mamaya ng 5:30 okay?"

So, pang-promo na naman pala 'to. Buti na lang tinawag na ako para sa eksena ko kaya hindi na ako sumagot. Likas na malandi talaga to si gago kaya andaming naloloko.

Magkahiwalay na ang eksena namin ngayon kaya hindi ko siya nakita buong araw. Inisip ko na wala namang masama kung papayag akong manood kaming sine. Excited akong pumunta sa dressing room niya ng 5pm. Pero naabutan ko siya sa hallway na nagmamadali at nabangga pa ako.

"Oh, sorry." Paghingi niya ng paumanhin. "Love, ikaw pala yan. Sorry kailangan kong puntahan si Kisses."

Pupuntahan niya si Kisses? Wala man lang paliwanag kung bakit. Tumakbo na siya palabas na parang sobrang urgent. Kinalimutan pa niya na manonood kami ng sine dapat. So ano to, ako lang pala talaga ang umaasa?

Hindi ko na napansin na tumulo na pala yung luha ko. Ang sakit sakit pala kapag mahal mo pa. Pero kasalanan ko naman diba? Dati mahal na mahal niya ako pero binalewala ko lang.

"Shar..."

Naramdaman ko na may umakap sakin. "Sabi ko naman sa'yo sakin ka na lang kasi sasaktan ka lang niya." Si Ricci pala.

Napapiglas ako. "Ricci, ano ba baka may makakita sa'yo anong isipin."

"Yan talaga ang concern mo pagkatapos kang iwanan sa ere ng gagong yun? Akala ko ba may date kayo? Tapos maabutan kitang umiiyak? Tangina naman Shar, mahalin mo naman sarili mo."

Natamaan ako sa sinabi ni Ricci. Kaya bigla na naman akong napahagulhol. Hinila ako ni Ricci sa sulok kasi baka may makakita sakin na umiiyak. Pinunasan niya yung luha ko. "Shar, tama na. You deserve to be happy, okay? Bakit hindi mo ako bigyan ng chance?"

Kung pwede lang sana, diba. Pero napagtanto kong wala pa ding nagbago. Si Donny pa din ang mahal ko. Si Donny lang. Pero sinamahan pa rin ako ni Ricci. Nag-karaoke kami at wala akong pakialam kahit may makakita samin.

"Shar...tumatawag si Donny." Inabot ni Ricci sakin yung phone ko.

"Hello, love. Nasan ka?" Parang hinihingal siya sa kabilang linya. "Puntahan kita. Sorry emergency kanina. Mag-usap tayo please. Andami kong gustong sabihin. Sorry."

Sorry na may iba ka ng gusto? Iniisip ko na baka nga naiipit na naman siya. Ayokong maranasan nila ni Kisses yung nangyari samin dati. Nagbulag-bulagan lang kasi ako na may iba na.

"Kasama ko si Ricci. Patapos na din naman kami. Sige saan tayo magkikita?"

Pinili pa talaga niya ang lugar kung saan kami nagdidate dati. What a fitting way for closure. Naabutan ko na walang tao ang restaurant. Siguro for privacy kasi confidential naman talaga ang pag-uusapan namin. Nandon na si Donny, nakaupo at inaantay ako. Gusto kong tumakbo. Gusto kong umatras. Pero matapang ka, Shar. Kaya mo yan.

"Love..."

His face brightened when he saw me but I could see through those eyes. Sobrang stressed na siya. And the thought of him ending his life again made me shiver. I just want him to be happy with the one he loves. I don't want him to hide his relationship again.

Hinawakan ko yung kamay niya. "Naalala mo nong sinabi mo sakin na tatapusin na natin tong pagpapanggap natin kapag may mahal na ako?" Nanginginig ang boses ko pero tinuloy ko pa din. "Donny, it's time for us to end this. May gustong gusto ako ngayon at hindi ko mapigilan ang sarili ko. Patawarin mo ako." Hindi ko na napigilang humagulhol.

Nakatulala lang si Donny na nakatitig sakin. Then he smiled. "How can I be selfish when I know very well what you're talking about? Yung mahal na mahal mo siya. Every time makita mo siya para kang masisiraan ng bait kasi gusto mo siyang yakapin at halikan. Pero hindi pwede... Hindi ba sinabi ko naman sa'yo? You call the shots. Don't worry Shar, I'm setting you free. I want you to be happy."

Then he walked out of the door before I could say anything. Maybe he's rushing back to the arms of the one he loves the most. This time knowing that they're free to love each other now.

Samantalang ako, andito...nag-iisa na naman.

Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon