Lucky

1.6K 54 19
                                    

Song: Lucky by Jason Mraz

"Shar, mahal mo ba ako?"

May patlang bago bumuntong-hininga si Shar para sagutin ang tanong ko. Pero naudlot ang lahat nang dinumog na ang sasakyan namin ng mga fans.

Napatingin si Shar sa akin nang makahulugan pero sumenyas na ang manager namin sa labas na kailangan na naming bumaba ng sasakyan. Pero habang sinisiksik kami ng mga tao naramdaman ko ang pagkapit ng kamay ni Shar sa braso ko pagkatapos ay magkahawak na ang mga kamay namin. Shar would never do that in public. I looked like the happiest dork on Earth despite the fact that we are almost suffocating because of the big crowd.

Hindi kami bumitaw hanggang sa paglabas namin sa stage. "Ay ang PDA naman ng dalawang 'to. Get a room guys!" Pabirong panunukso ni Alex Gonzaga samin. Siya kasi ang host ng finale event para sa fans.

Knowing Alex, ang dami niyang kinukwento. "Si Shar kasi nakasama ko na sa isang pelikula tapos si Donny sa ASAP. Trivia lang guys. Etong si Shar no'ng magkasama kami never talagang binanggit si Donny pero si Donny halos araw-araw puro Shar lang ang bukambibig. Kaya kaming lahat sa set kahit hindi sabihin alam naming si Shar talaga ang one and only girl ni Donny."

Naghiyawan ang mga fans sa paandar ni Alex. "Grabe naman Ate Alex kailangan talagang ibuko ako?"

Hindi ako pinansin ni Alex tapos ibinaling ang tingin kay Shar. "So Shar, anong nagustuhan mo dito kay Donny? Kasi ako, di ko na kailangang tanungin tong si Donny kasi kahit ata kulangot mo trip nito eh." Nagtawanan ang mga tao.

Ngumiti lang si Shar. "Uhmmmm...." Alam ko kasi na hindi expressive si Shar na tao kaya it was obvious that she was uncomfortable with the question. "Maeffort siya. Gagawa talaga siya ng paraan tsaka mahilig siyang magsulat ng love letters."

Aaminin ko kahit ngayon, I'm still doubting kung may feelings ba talaga siya sakin. Kasi kahit no'ng kami pa dati, hindi ko siya makitaan ng emotions minsan. At kung gaano ako ka-proud sa kanya hanggang ngayon, wala akong maalalang time na ipinagmalaki niya ako bilang nobyo niya. Binalaan na ako dati ni Jai at Nash noon. No'ng natutunugan nilang gusto ko si Shar.

"Alam mo, ako na nga yung sumuko eh kasi hindi ko ramdam na gusto niya ako." I knew Jai was just bitter because things didn't end well between them but what he said was true.

"Bro, payong kaibigan ha. Mahihirapan ka dyan kay Sharlene kung liligawan mo yan. Ang dami ng nagtangka pero wala pang nagtagumpay."

Well, I succeeded but there are times na hindi ko siya makitaan ng lambing.

"Donny, ano ba yung mga sweet things na ginawa ni Shar for you?"

"Medyo malungkot 'to. Every monthsary namin she would prepare a surprise pero most of the time hindi ako nakakapunta dahil sa work."

"Grabe Donny! Hindi mo ba alam na mas matigas pa kay Basha tong si Sharlene tapos di mo sinisipot?"

"That's why I felt bad pero bumabawi naman ako. Tsaka between sa aming dalawa ako talaga ang expressive."

"So sinasabi mo na every monthsary niyo lang siya malambing?"

That was kind of true. Pero pinandidilatan na ako ni Shar. "No! I'm just saying na ganon talaga dapat mas maeffort ang lalaki."

When the realization hit me, I felt sad for myself. Totoo ba talaga yung sinabi ni Mommy na mahal ako ni Shar? Napapitlag ako ng may yumakap sakin sa likuran. Tapos na ang show at inaantay ko na lang si Shar kasi kausap pa niya si Alex.

"Love, sorry kung hindi ako sweet dati." Si Shar ang nakayakap sakin!! Never as in never niyang ginawa to in public.

"It's okay sanay na ako." I answered weakly. Humarap siya sakin. "Sabi ko naman sa'yo, willing ako sa lahat basta kasama ka."

Kinuha niya ang kamay ko. "Tara na. Date na tayo."

Date? Niyayaya ako ni Shar mag-date? Is this a prank? Nakita ata niyang hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi niya.

"Pinagtitripan mo ba ako, love?"

"Hindi. Bakit? Tara sa Tagaytay. Tapos iuwi mo na ako sa inyo. Nagpaalam na ako kina Mama. Excited na din si Solana sa sleepover namin."

Para akong nasa alapaap at hindi makapaniwala sa pinagsasabi ni Shar. There's a part of me who's waiting for the prank to be revealed.

Sa sasakyan din, hindi niya binibitawan ang kamay ko tapos nakahilig pa yung ulo niya sa braso ko. "Love, totoo ba yung sabi nila na bukambibig mo ako sa ASAP barkada mo?"

And she kept calling me love. This is kind of outrageous. "Hindi ba sabi ko sa'yo sobrang proud ako sa'yo love." Naramdaman kong napangiti siya.

Dumating na kami sa Tagaytay at nag-park lang kami sa may Starbucks na overlooking sa Taal. Hindi na kami lumabas kasi dudumugin na naman kami ng mga tao. Tumikhim ako kasi gusto kong ibalik yung usapan namin kanina. "So love, kelan mo aaminin sakin na ako ang mystery man mo?"

Napabalikwas siya bigla. Tapos hindi makatingin sakin. Nakita ko na pulang pula na yung tenga niya. Inakap ko siya para mawala yung tension. "Love, bakit ka ba nahihiya?"

"Hindi lang ako sanay, love." Pag-amin niya.

"So, love, ano ng sagot sa tanong ko?" Alam ko kasi kapag di ko siya kinulit wala na naman kaming mararating nito.

"Alin don?" Painosenteng tanong niya. She was blushing and I'm kind of enjoying it!

Ngumuso ako. "Pag di mo sasabihin, papakasalan kita bukas. Shotgun wedding. Sabihin ko kina Tito may nangyari na satin!"

Hinampas niya ako. "Sira ka Donato!! Huwag mong gawin yan!"

Ngumuso ako. "So....."

"Oo."

"Oo ano?"

Isa pang trivia kay Shar. Hindi talaga siya nagsasabi ng I love you sakin dati kapag hindi ako nauuna.

"Oo nga. Yun na yun." Pagmamaktol niya.

"Loveeee....mukhang gusto mo na talagang maging Mrs. Pangilinan ha. Tatawagan ko na si Tito." Akmang kukunin ko na yung phone ko pero inagaw niya.

"Oo na. I love you na, Donato Antonio Pangilinan. Masaya ka na ba?!"

Well, masaya could not describe how I felt that night. Parang gusto ko na nga siyang pakasalan ng mga oras na yun. Pero syempre, true love waits.

Alam ko namang wala pa ding magbabago. Hindi ko naman mababago kung sino si Shar. I just have to believe that she loves me even if most of the time she won't show it. I don't really expect grand gestures from her because her affection can be found in the smallest of things.

Like how she would patiently wait for me after class ends even if a gazillion of her fans are swarming around her while she's waiting. How we never missed going to church every Sunday. How she always finds time to check on my sisters or visit my family. We would review together during exams and even if my readings are longer, she would still wait for me to finish. Did I mention that I love how she would totally ignore all the attention from these guys because she only loves me? A thousand other boys could never reach her and I've always wondered how could I have been the one? Totoo, up until now, hindi pa rin ako makapaniwala.

Some people would ask us why we traded fame in favor of our studies. I would always correct them. I gave up fame for the love of my life. I never changed. Shar is still the person who keeps me going and wherever she goes, I go.

Then the day that I feared the most, came. We've always known that she would graduate earlier than me. Mind you, she graduated Cum Laude with a degree in Psychology. I was the proudest boyfriend.

I already expected that offers from showbiz would pour in once she has finished her studies. I've always been scared that she will leave me behind.

"Love, isang teleserye lang naman. Alam mo namang gagawan ko ng paraan diba?"

I convinced myself to hold on to our commitment with each other. I was praying to God that we will still end up together despite the circumstances.

Kasi si Donny at Shar pa din sa huli diba?

Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon