Kahit sa Panaginip Na Lang

805 21 6
                                    

Kahit sa Panaginip na Lang by December Avenue

"I, Donato Antonio Pangilinan, take thee Sharlene San Pedro as my lawfully wedded wife..."

Sinong mag-aakala na hanggang sa dulo tayo pa rin pala Shar? Hindi ko maipaliwanag ang saya sa dibdib ko habang tinititigan ka. You're so perfect in that wedding gown. This is my happy ending.

"I...Sharlene San Pedro...Donato, I'm sorry." Ngunit biglang nag-iba ang lahat. Bigla ka na lang umiyak at binitawan ang kamay ko. "I can't do this..."

Tumakbo ka bigla at iniwan ako sa altar. Hinabol kita dahil gusto kong malaman kung bakit. Pero parang kahit gaano kabilis ang takbo ko ay hindi kita maabutan. "Shar!! Please!! Stop!! Please!!"

Hindi ka man lang lumingon sa pagtawag ko sa'yo. I decided to surrender. Napaupo ako sa gilid na humahangos at umiiyak. This was supposed to be the best day of our lives.

"Donny..." Pero bumalik ka. Hinawakan mo ang kamay ko at niyakap. "Donny, let go. You need to let me go..."

"Bakit Shar? Akala ko ba mahal mo 'ko? Akala ko magpapakasal tayo?"

"Donny, wake up. Wake up. Binuo mo lang ako sa panaginip mo. Wake up, hinihintay ka na nila. Hinihintay ka na ng totoong Sharlene. Please wake up."

Napapitlag ako sa narinig ko at naalala ko na ang mundong ito ay hindi pala totoo. Na gawa-gawa lang siya ng isipin kong tulog. Isang panaginip. "No! I can't. I want to stay here. Here, you love me. Please let me stay here."

Napayakap ako sa kanya habang nagmamakaawa. "Dito lang ako."

Kumalas siya sa mga bisig ko. "Donny, hinihintay ka na ng mga kapatid mo..ng mga magulang mo...ng mga taong nagmamahal sa'yo. Go back. Go back..."

Everything became blurry and her words kept echoing in my head. "Go back... Go back...."

I opened my eyes and there she is...

"Donny!!!! Oh my God. Gising ka na."

I could see the faces of my parents and my siblings smiling and crying. Bigla silang nagkagulo.

"Tawagin niyo ang Doktor."
"Donny is back!"

But all I can see is her. She's holding my hand. I don't want to let go.

I'm back in the real world where she doesn't love me back and she doesn't even know that I'm in love with her.

Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon