Song: Dating Tayo by TJ Monterde
"Shardoooonyyyyyyy I miss you!"
Dinalhan kami ni Sunny ng Korean food sa set sa Sagada. Very sweet talaga siya sa aming dalawa ni Shar. In my lowest moments she was also there.
"Ay naku. Okay na ba talaga kayo?" Panenermon niya habang hinahanda ang food.
"Oo naman!" Masayang sabi ni Shar na inaabangan na ang japchae. "Super okay na kami ni Donny."
"Yeah," I confirmed. "Baka inggit ka lang Sunny kasi ganda ng girlfriend ko eh!" Pinisil ko yung sobrang nakakagigil na cheeks ni Shar!
"Ay naku Donny! Basta ha... Malalaki na kayo!" Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain. I missed this. When Shar and I broke up, I felt like I also broke up with our friends. Di ko alam pero I felt that they sided with her and I was forced out of the barkada.
"Donny...kelan mo sasabihin kay Shar?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Sunny. May sequence si Shar na kailangang ishoot kaya naiwan kami.
"What are you talking about?"
"Yung nangyari...Donny naman! Wala ka bang planong sabihin? You can't hide it forever!" I just sighed. Magkakagulo ata kami ni Shar lalo kung sasabihin ko yun.
"Does it matter? Okay naman na kami!"
Hinawakan ako ni Sunny sa balikat na parang awang awa siya saken. "It's fake happiness! Pano pag malaman niya sa iba?"
"Iiwan ba niya ako ulit?" Technically, di naman siya bumalik saken so what am I talking about!
"Donny... You two should talk all your issues." Parang Nanay talaga to si Sunny magsalita. Napaisip na din ako sa sinabi niya saken. May magic charm ata ang Sagada pero nagiging mabuti na ang pakikitungo namin sa isa't isa even when no one's looking. More of civil but it was a silent truce.
"Tita, nandyan po si Shar?" Bati ko pagkabukas ko ng pinto sa dressing room ni Shar. Nagsiset-up pa lang ang crew kaya pumanhik ako.
"Wala dito si Sharlene." Malamig na bungad ng Nanay niya saken. Bumalik na ito sa pag-arrange ng mga gamit nila at hindi ako pinansin.
"Tita, galit po ba kayo saken?" Hindi ko na napigilang magtanong. Nararamdaman ko na hindi gusto ng Nanay ni Shar kapag magkasama kami. Kulang na lang sabihin niya saken ng diretso.
"Sa tingin mo Donny magugustuhan ko yung lalaking nanakit sa anak ko? Nong tago kayo dati, bat gabi-gabi ko siyang naririnig na umiiyak?" Nagulat ako sa mga sinabi ng Nanay niya. "Unang buwan niyo pa lang nakikita ko ng malungkot yung anak ko."
"Tita, I didn't know..." Honestly, hindi ko alam san nanggaling ang mga sinasabi niya. We were very happy on the first months of our relationship!
"Hindi mo alam?" Sumbat nito. "Kasi busy ka sa karera mo! Nagkapanahon ka ba sa anak ko? Ni hindi mo siya mapakilala sa pamilya mo!" Nangingilid ang luha ni Tita habang nagsasalita. "Parang nawalan na ng respeto si Sharlene sa sarili niya simula nong maging kayo!"
"I did everything for her too! Pinaglaban ko siya." I defended myself. "She chose her career over me!"
Napairap lang siya saken. "Career? May career ba si Sharlene na ipaglalaban noon?" Pakiramdam ko gusto na akong batuhin ni Tita Mylene ng kahit anong gamit na makita niya. Nakita ko yung galit sa mga mata niya. "Wala siyang career. Ikaw ang may career! Ikaw ang nasa rurok ng kasikatan noon kaya wag kong maririnig yan galing sayo! Nasan si Shar non? Nasa sulok nag-aantay lang na maambunan ng atensyon mo!"
"Ma, tama na!!!" Awat ni Shar. Parehas naming hindi napansin na pumasok siya kasama si Sunny.
"I'll go." I conceded. Sumama saken si Sunny palabas ng dressing room habang pinapakalma ni Shar ang Mommy niya.
BINABASA MO ANG
Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]
RomanceWhat happens if life gives you a second chance at love? Will you trust and love again? Or will you walk away and find your happiness somewhere else? This fanfic is based on real events from Shardon.