Bad Things

1.4K 41 0
                                    

Song: Bad Things by Camilla Cabello and Machine Gun Kelly

"Beshie, nakita mo yung trending sa Twitter ngayon?" Nagpapanic ang boses ni Miles nong sinagot ko ang tawag niya. Nakatulog ako agad pagdating ko ng bahay sa sobrang pagod. Nagising lang ako kasi tumatawag daw si Miles sa landline namin.

"Bakit, anong meron?"

"Si Donny mo! May guesting pala sa GGV. Umamin sya na nagkagirlfriend siya. Naleak yung video. Nagkakagulo na ata ang management."

"Ano?!!!" Nasapo ko ang noo sa nabalitaan. Hindi talaga nagpapigil si Donny. Oh well, kilala ko naman ang katigasan ng ulo nito.

"Beshie, di naman niya sinabi na ikaw so chill ka lang."

"Hindi yun ang point Beshie!" Parang gusto ko ng lumuwas nang hating-gabi. Gusto kong puntahan si Donny sa Laguna. "Pano na si Donny nito? Pano na yung loveteam niya?"

"Tawagan mo siya, beshie. Pero wag siguro ngayon bukas na ng umaga. Basahin mo muna yung mga comments ng netizens."

Pagbukas ko ng Twitter ko, sumasabog yung notifications ko. May mga nagmemention na sa akin na sangkaterbang tao sa Twitter at FB. May ibang kinikilig pero mas madami ang bashers na patungkol sa akin at kay Donny.

"Ohmygod, sinabi ko na dati pa na sasaktan lang ng Donny na yan si Kisses!"
"Sino yung girl? Bakit ayaw niyang pangalanan? Non-showbiz ba?"
"Si Sharlene San Pedro ba? May mga nakakita kasi sa kanila dati."
"Donny doesn't deserve Kisses! Iboycott natin ang lalaking yan!"
"Guys, hindi naman porket may loveteam bawal nang magkajowa. Napakapossessive ng fans! And take note, break na sila."
"Say goodbye to your career Donny Pangilinan."
"My Shardon heart! Feeling ko si Shar to pero break na sila?"

Nagmessage din sa akin ang MYX squad. Mukhang concern ang mga ito kay Donny na hindi sumasagot sa mga tawag nila.

Sunny: Shar, did you see the news? Si Donny umamin na.
Robbie: Baby Shar, check Twitter. Pinagpipyestahan si Donny. I hope you will realize that the major damage will be on him.
Ai: Giiirl! Magonline ka kanina ka pa namin tinatry icontact! Si Donny!

Hindi ko na sinunod yung payo ni Miles. Tinawagan ko kaagad si Donny. "Hello." Malamig na boses ang sumagot sakin. Ramdam ko ang galit at hinanakit nito sa akin. Hindi ko naman siya masisisi.

"Donny...bakit mo ginawa yun?" Tanong ko.

"Sinabi ko na sa'yo diba Shar? I don't want to lie anymore. This is not who I am. Don't worry, hindi kita nilaglag." May pagdaramdam ang tono ng boses niya.

"Donny...hindi yun ang point." I reasoned out. Mawawalan ito ng career! Loveteams are the bread and butter of show business. Sobrang swerte nito at sumikat agad ang loveteam nila ni Kisses at tinangkilik ng madla.

"Then what's the point? We're over Shar. We're so over." Ngayon ko lang siyang narinig na ganoon ang tono ng pananalita.

And with finality, he told me, "Don't call me again."

Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon