Song: Love Someone by Lukas Graham
Here we are. Back to zero again. Wasting second chances. I read the blind items and rumors are circulating that you and Ricci were spotted in a karaoke bar in Morato. I looked like the fool. But I am a fool, ain't I?
I had the chance to make it all better but I was too scared it might not be worth it this time. Fuck, naduwag ako. Dinadaan ko na lang sa pasaring. Sa mga sweet gestures. Kasi akala ko, mahal mo pa ako. Pero, may iba na pala talaga. Ang tanga-tanga ko Shar. Bakit hindi ko sinabi agad yung naramdaman ko? Siguro kung sinabi ko sa simula pa lang na mahal pa din kita siguro hindi ka magmamahal ng iba.
Hindi kita makikita ngayon na masayang-masaya na kausap siya araw-araw.
"Hindi mo pa ba sinabi sa kanila Donny?" Pinandidilatan ako ni Shar. Tinutukso pa din kasi siya ng manager ko. "Kelan ba natin sasabihin?"
"You're the one who decided to break up. Ikaw ang magsabi." I know I am being petty and obvious. Pero lumalabas talaga ang bitterness ko sa nangyari.
"Donny, ano ba. Andami dami ng blind items na lumalabas. Nakita kami ni Ricci. Nakita kayo ni Kisses. Hahayaan mo bang masira ang career mo?"
"The hell I care." I walked out. Honestly, I thought the world would end if this would happen again. Thank God, I've grown up and learned that a broken heart is not the end of everything. Pero mahirap makita siya araw-araw sa set. Mahirap magpanggap na okay ka lang. Naisip ko nga, mas mahirap ngayon kasi kaming dalawa lang ang nakakaalam na hindi totoo lahat.
"Donny, ano ba." Sinundan pala ako ni Shar. "Mag-usap naman tayo ng maayos o. Bakit parang pinaparamdam mo sakin ngayon na may kasalanan ako? Hindi ba dapat masaya ka na malaya ka na?"
I cannot understand this girl, sometimes. "This is just too complicated for me Shar, okay? May pinagdadaanan ako ngayon. Hindi ko din alam paano 'to tatanggapin ng management. In case you don't know, the whole Philippines is rooting for us to be together FOREVER."
Ikaw lang ang hindi. Dammit.
Napabuntong-hininga si Shar. "Sorry. Hindi man lang kita naisip. Just hold on okay? Malalampasan mo 'to. Pero please, huwag mo na sanang gawin yung ginawa mo dati."
"I am over that phase in my life, Shar." I hate calling her by her name. I miss calling her love. I miss calling her mine. "Hindi na ako ganon ka-tanga sa pag-ibig."
"Hindi mo na kailangang idiin pa yan, Donato." Nagulat ako nang biglang may nangilid na luha sa mga pisngi niya.
"Hey, I'm sorry..." Siguro, hanggang ngayon nakokonsensiya pa rin siya sa nangyari sakin. "I'm being insensitive, I'm sorry. I thought I was ready pero this will complicate everything."
I just want you to stay for a while. Stay with me for a while.
"Sigurado ka ba?" Nakakunot ang noo ni Shar na parang hindi niya maunawaan yung mga sinasabi ko.
"Kaya ko, okay. Hindi na ako tulad ng dati." I assured her. "I know I promised we will end this pero let's just finish this project and we will tell them."
"Paano naman ka—"
"Just try to be discreet okay? We can handle this. Let's just do it for the fans. Fan service lang. Two months na lang at matatapos na."
Two months na lang at mawawala ka na sakin ng tuluyan. Napabuntong-hininga ako.
"Donny...sorry. Sorry kung nahihirapan ka dahil sakin." She apologized. "Sana after nito you will find the happiness that you deserve."
Kaya itinuloy namin. Itinuloy ko pa din kahit masakit. Nasusulyapan ko minsan na magka-text sila ni Ricci. Minsan nahuhuli ko siyang nakangiti. Naiisip ko, ako dapat yan eh. Ako dapat ang nagpapasaya sa kanya.
BINABASA MO ANG
Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]
RomanceWhat happens if life gives you a second chance at love? Will you trust and love again? Or will you walk away and find your happiness somewhere else? This fanfic is based on real events from Shardon.