The One That Got Away by Katy Perry
Naninikip ang dibdib ni Jairus sa nasaksihan. Kitang-kita niya sa dalawang mata na magkahawak kamay si Sharlene at Donny. Gusto niyang sugurin ang dalawa. Pagkatapos niyang iwan si Sharlene kanina dahil sa away nila ay naisip niya itong balikan sa dressing room. Napagisip-isip ng binata na hindi naging maganda ang pagtrato niya kay Shar at kung talagang mahal niya ito ay willing siyang mag-antay.
Ngunit hindi niya maipaliwanag ang damdamin niya ngayon. Napagdesisyon niyang umalis na lang bago pa siya may magawang masama. Tinawagan niya ang mga barkada niya at nag-aya siyang uminom para makalimot.
"Hindi ko maintindihan. Kakapasok lang ni Donny sa eksena. Ako. Ako ang matiyagang nag-antay ng ilang taon. Bakit ganon?"
"Pare, kalimutan mo na si Sharlene. May ipapakilala kami sa'yo na chicks. Kaibigan ni Maggie." Parang walang naririnig si Jairus sa pinagsasabi ng mga kaibigan dahil ang larawang paulit-ulit na nagsusumiksik sa utak niya ay ang magkahawak-kamay na si Donny at Shar.
"Uy andito na pala si Nichole at Maggie!" Barkada din nila si Maggie. May kasama itong balingkinitan na babae na morena. Maganda. Pero hindi si Sharlene. Iba si Sharlene. Si Sharlene ang gusto niyang kasama ngayon.
"Alam mo ba Jai. Itong si Nichole kakabreak din lang sa boyfriend niya. Niloko. Itong gandang to!" Nahiya lang na yumuko si Nichole.
"Madami talagang cheater sa mundo. Huwag mong pag-aksayahan ng panahon 'yan. Maganda ka naman!" He said bitterly.
Hindi niya namalayan ang paglipas ng gabi, mag-1AM na pala. Magkausap pa rin sila Nichole. Masarap pala itong kausap. Ang dami nilang pagkakatulad. Kahit interest nila parehas. Unlike kay Shar, siya ang nagsasalita at siya ang pinapakinggan. Hindi niya kailangan manlimos ng atensyon. Hinatid niya ito sa bahay nila.
"I had a great time." Napangiti ang dalaga at siguro dahil nakainom na siya ay nadala siya ng damdamin. Hinila niya ito hinalikan. Hindi naman ito nanlaban.
"Jai..."
Parang nagising sa katotohanan si Jai sa ginawa niya. "I'm sorry. Mali 'to. I have to go. Kalimutan mo na sana na nangyari 'to."
Dali-dali siyang umalis. Hindi maintindihan ang kapusukan. At sa pagkaligaw ay natagpuan na lang niya ang sarili sa harap ng bahay nila Shar Tinawagan niya agad ito.
"Hello..."
"Natulog ka na ba?"
"Hindi pa."
"Bakit?"
"Hindi ko alam. Hindi ako makatulog."
"Labas ka sa bahay niyo please. Andito ako sa baba."
"Totoo ba?" Hindi makapaniwala si Sharlene sa pinagsasabi nito. Sumilip siya sa bintana at nakita niya si Jai na nag-aantay.
Dali-dali niya itong binaba. Ingat-ingat siya na hindi magising ang ibang mga tao sa bahay.
"Anong ginagawa mo dito?!" Bulyaw niya kay Jairus.
Ngunit sinagot lang siya nito ng mahigpit na yakap. "Let's start again. I'm sorry kanina. I'll wait. I'm willing to wait."
Naging extra sweet at understanding si Jairus kay Sharlene pagkatapos ng insidenteng iyon. Hindi na din niya itinanong kay Sharlene ang tungkol sa nakita niya. Pilit na tinago ni Jairus ang panibugho niya kay Donny. Naging sobrang close na ang mga MYX VJs kaya pinilit niyang pakisamahan ito. Ngunit may mga pagkakataon talaga na pag nagtatawanan ang dalawa kasi may private joke sila ay umiinit ang ulo niya.
Samantala ay palagi pa din silang magkatext ni Nichole. Minsan ay magkatawagan pa. Natutuwa siyang kausap ito. Kinukuwento pa niya si Shar dito. Hindi na nila pinag-usapan pa ang nangyari.
"Jai, may tumatawag sa'yo." Untag ni Sharlene sa kanya. Nakita ni Shar na Nichole ang pangalan. Hindi niya maiwasang hindi tanungin si Jai kasi wala itong nakukwento sa kanya about dito.
"Wala. Bagong kaibigan. Napakilala nong nagkainuman kami." Nagkibit-balikat na lang din si Sharlene kasi alam niyang madami talagang kaibigang babae si Jairus.
Kinabukasan ay naiwan ni Jairus ang phone nito sa mesa at nakita niyang nag-message ulit si Nichole. "Tuloy tayo later ng 3pm sa Eastwood right?" Ang alam niya ay mga pinsan nito ang kasama ni Jairus. Hindi niya maiwasang itanong kay Jairus para i-confirm.
"Jai, mga pinsan mo kasama mo mamaya? Wala ba silang dadalhing friends?"
"Wala. Kami-kami lang."
Hindi inaasahan ni Sharlene na aabot sila sa ganito na magsisinungaling ito sa kanya. "So, bakit kayo magkikita ni Nichole?"
Namutla si Jairus sa tanong niya. Hindi ito makasagot. "May iba na ba? Bakit di mo sinabi sakin?"
"Hindi ko alam!" Bulyaw nito. "Hindi ko alam bakit ganito..."
Napaiyak si Shar sa nalaman. The taste of betrayal. "Akala ko ba ako magsisimula tayo? Bakit parang ikaw na ngayon ang nalilito?!"
"Bakit? Sa tingin mo ba mararamdaman ko 'to sa iba, kung hindi mo pinaramdam sakin na mas may puwang si Donny dyan sa puso mo kaysa sakin?" Sumbat nito.
Humagulhol na ng iyak si Shar. "Hindi kita maintindihan! Andito ako nagtatry na ayusin natin 'to pero bakit ganyan pa rin ang pakiramdam mo?!"
"Bakit? Sige. Kaya kong iwan si Nichole ngayon para sa'yo. Pero magiging tayo ba?"
"Naririnig mo ba yung sinasabi mo?"
Hinawakan siya ni Jai sa mukha. "Shar, mahal mo ba ako?"
"Oo." Humihikbing sagot ni Shar. "Alam mo 'yan."
"Bilang kaibigan o bilang taong makakasama mo habang buhay?"
Hindi nakaimik si Shar sa tanong nito. Hanggang ngayon, hindi pa din niya alam. Yumuko lang siya at patuloy sa pag-iyak. Binitawan siya ni Jairus.
"Exactly what I'm saying Shar. I guess we're done."
At humakbang palayo ang lalaking muntik na niyang minahal.
BINABASA MO ANG
Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]
RomanceWhat happens if life gives you a second chance at love? Will you trust and love again? Or will you walk away and find your happiness somewhere else? This fanfic is based on real events from Shardon.