Tagu-Taguan

1.5K 46 16
                                    

Song: Tagu-Taguan by Moira dela Torre

Napasinghap ako nang makita si Donny sa may pintuan at may dalang bouquet ng Ferrero chocolates.

"For you,love. Please read the note." Nagdududang tiningnan ko siya at nagaalangan akong basahin ang note. Baka kung anong gimik na naman niya to.

"Sige na basahin mo na." He urged. I had no choice but to concede to those puppy eyes.

'Please accept my peace offering. I hope we can be friends again.'

When I looked up, his hand was stretched waiting for a handshake. "Truce?"

"Totoo ba yan?" Paninigurado ko. Baka bigla na naman siyang mag360 degrees after 5 minutes.

"Yes. Gusto ko lang na magkaron na tayo ng closure." Ouch. May kirot yung closure. Ibig sabihin wala ng karugtong. Tapos na talaga. Bakit Sharlene, umaasa ka ba ha?"

"Sige. Kung mas makakatrabaho tayo ng maayos, peace na tayo. Sana wala ng drama." Ibig bang sabihin nito tapos na din yung pagpapanggap namin na kami?

"Thanks Shar! Kung iniisip mo din yung about sa relationship natin, okay lang ba na ituloy natin hanggang matapos yung serye?" Nabasa ata niya yung iniisip ko!

"Isang taon? Pano pag magkaron tayo ng someone?" Paglilinaw ko.

"Bakit gusto mo ba talaga yan si Ricci?" Hindi ko alam pero parang galit yung tono ng boses niya.

"Bakit ba ang init ng dugo mo diyan kay Ricci?" Tanong ko. "Wala namang ginagawa sayo yung tao."

"Alam mo yung concept ng favorite person? Si Ricci yun saken. Yung kahit nakatayo lang siya, I find him annoying." Naku, mukhang masama na naman ang mood ni Donato. " Besides, as your friend and ex, kailangan kong kilatisin kung sino yung susunod saken no!"

Natawa na lang ako sa paliwanag niya. "Ewan ko sayo! Pero sige ganito na lang gumawa na lang tayo ng rules."

Napaisip siya saglit sa sinabi ko. "Pwede nga!" Pero sa huli ay sumang-ayon na din siya. "Let's make 3 basic rules lang para sa isa't isa para madaling tandaan! 3 rules for me and then 3 rules for you!"

"Sige. Gumawa na lang muna tayo ng tig-anim tapos i-narrow down natin to tatlo!" Excited kong pagmungkahi sa kanya. At nag-game naman siya!

"Let's meet tomorrow before ng shoot! Kaso kailangan natin ng place na may privacy."

Hmmm. Oo nga pala kaming dalawa lang ang nakakaalam. "San kaya pwede?"

"Eh di sa kotse ulit! Agahan mo bukas ha!" Masiglang paalala ni Donny.

"Baka machismis ako niyan!"

"Ano ka ba. Akong bahala sa'yo, love!" Naku tigil-tigilan mo ko sa kakatawag mo ng love, Donato! Buong gabi kong iniisip yung 6 rules for Donny. Nagkasundo kami na wag isulat yung rules at kabisaduhin na lang kasi baka may makakita. Bat pa ba kasi kami gagawa ng rules eh pwede namang magbalikan na lang kami officially? Hep! Hep! Sharlene, erase! Bawal ang mga ganyang ideas!

'Shar, tapos ka na don sa rules?'

Speaking of the devil.... 'Oo. Tutulog na ako Donato. See you tomorrow ng 7am. Wag mo kong pag-antayin!'

'Don't worry, love. Di na kita pag-aantayin kahit kelan. Goodnight.'

Pota, puso kumalma ka.

In fairness nga kay Don Donny, nandon na siya ng 7am. Mukhang badtrip yung PA niya kasi pinagising niya ata ng maaga. Sinabihan niya na matulog muna sa dressing room para makapag-usap muna kami. "Ok. Punta na ako sa dressing room para may harutan time kayo!" Grabe nammmaan.

Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon