If You Could See Me Now

769 15 7
                                    

If You Could See Me Now by The Script

Napahawak si Donny sa dibdib habang inaalala ang nakaraan nila ni Shar. Kung hindi pa siguro siya naaksidente ay hindi siya pupuntahan nito. Pagkatapos nang nangyari sa Baguio ay hindi na sila nagkausap nang masinsinan. Iniiwasan siya nito.

Kapag nakikita niya si Ricci ay nagtitiim ang bagang niya at gusto niya itong suntukin! Mukhang itinago muna ng dalawa ang relasyon nila dahil may upcoming movie si Sharlene. Samantalang si Ricci naman ay mukhang may nakaline-up na loveteam.

He tried to talk to her again by going to the premier night of Class of 2018 which was last week pero napaka-dry ng pakikitungo nito sa kanya. Hindi siya pinapansin nito. He even used Solana so she would just talk to him. But she remained stubborn. Mukhang mahal na mahal nito ang Rivero na yun.

"Donny, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Shar. Nilapitan siya nito.

He nodded and hugged her. "Sobrang namiss lang kita Shar. Sobra. Sobra."

"Donny, huwag." Iniwas nito ang sarili sa kanya.

"Kahit yakap hindi na pwede?" He asked bitterly.

"Donny, ikakasal na ako...." She dropped the bomb just like that.

"What?!" He exclaimed. "Pinagtitripan mo ba ako Shar?"

"Totoo yun. We will have a secret ceremony." Paliwanag nito. "Tsaka na naman ilalabas kapag maayos na lahat."

He couldn't believe his ears. Hindi niya na kilala ang kaibigan at babaeng mahal na mahal. Hindi ito magpapakatanga sa isang lalaking katulad ni Rivero.

"Ganon mo talaga siya kamahal no?" Yumuko siya para hindi makita ni Shar ang sakit sa mga mata niya. Naramdaman na lang niyang hinawakan ni Shar ang mga kamay niya.

"Why can't you be happy for me?" Nagmamakaawa ang mga mata nito na parang hirap na hirap. Sino ba siya para pigilan ang kasiyahan nito? Nabuhay lang pala siya ulit para panoorin ang babaeng pinakamamahal niya na maging masaya sa piling ng iba.

"Alam mo kung bakit...." Kahit na hindi nito sabihin, na-realize niya nitong mga nakaraang araw na binabantayan siya nito na alam nito ang nararamdaman niya. Pinipili lang nitong manahimik at magbulag-bulagan. Kasi hindi niya kayang suklian ang pagmamahal niya.

"Alam mong hindi pwede...." sambit nito habang nangingilid ang luha. "Please don't make this harder for me."

"Hindi mo man lang ako bibigyan ng pagkakataon?"

"Para saan pa? Nakasulat na ang tadhana." Mapait na sagot ni Shar. Alam niyang kahit anong mangyari ay hindi sila pwede. Hindi na sila pwede.

"Do you think I survived to watch you spend your life with another man?"

Tuluyan nang napahikbi si Shar. "Donny...alam mong mahal kita....." Gusto niyang sabihin ang lahat nang nararamdaman sa binata pero hindi dapat. "Alam mong mahal kita bilang kaibigan."

Ouch. There's that word again. Kaibigan. Friend. Hanggang kelan ba siya makukulong sa salitang yun? Ilang pagkakataon na ang sinayang niya? Ngayon pa ba siya susuko?

She stood up and headed towards the door.

"Just give me one day. Just be with me for one day and if you still want to be with him, I'll set you free."

He decided to throw respect out of the table because he couldn't stand watching the love of his life belong in the arms of another man...knowing that he didn't do anything.

Hindi niya alintana na masakit pa din ang katawan niya dahil hindi pa naghihilom nang tuluyan ang sugat sa katawan niya. He ran to the other side of the room and caught her arm before she could leave. "Please be with me just for one day. Promise, hindi na kita guguluhin."

Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon