Song: A Drop In The Ocean by Ron Pope
Pagkaalis ni Donny para sunduin ang pamilya niya, naglaro na lang muna ako sa PS4 niya ng Overcooked. Kaso ilang beses ko ng inulit-ulit yung laro kaya naisip kong maghanap ng ibang games. Nakapatong lang sa may study table niya yung mga online games. Sobrang dami! Hindi ko na nga alam yung iba. Hinahanap ko yung Tekken kasi gusto kong i-try laruin.
Dahil sa pagiging clumsy ko, nahulog ko yung ibang gamit niya sa table. Kasi naman nasa pinakagitna yung Tekken kaya ang hirap hatakin!
"Naku, patay ako nito sobrang OC pa naman nitong si Donato." Bulalas ko habang kinukuha yung mga gamit niya. Nagulo ko pa yung mga litrato na nakaipit sa devotional notebook niya ata!
Pano ko kaya to aayusin ng hindi niya mapapansin? Baka naka-arrange pa to by date! Nong tiningnan ko para i-arrange sana puro pictures namin pala!
Yung mga secret dates namin nong kami pa. Puro pictures na kaming dalawa lang. Ang saya palang magreminisce at nakakatuwa na tinago niya pala to! Tiningnan ko isa-isa! Never niya tong pinakita saken. Naisip ko baka bigla siyang dumating kaya isusuksok ko na sana sa devotional notebook niya. Inopen ko yung notebook tapos may isa pang picture na naka-paste!
Sobrang shocked ako kasi picture naming dalawa tapos magkatabi kami. Ang nakakawindang mga bata pa kami! Naka-gown ako kaya malamang sa SCQ finale ito! Nagkita na ba kami ni Donny dati? Bakit di niya sinabi saken?!
MY FIRST CRUSH. Di ko maiwasang tingnan yung title. Diary niya to! Alam ko na labag sa lahat ng batas na makialam ng gamit ng iba pero nacurious talaga ako dahil sa childhood picture namin na di ko maalala!
Most people would ask me if my decision to join showbiz was because I want to follow the footsteps of my Mom who is a famous actress. The truth is, my Mom never exposed us to show business. My curiosity was sparked when I met someone by accident when we were children. She was my first crush. Her name is Sharlene San Pedro. I met her when my Mom decided to take me with her in the SCQ kids show wherein she was a judge.
Hindi ako makapaniwala na nagkakilala na pala kami ni Donny nong mga bata pa kami. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa at may mga ibang alaala na bumabalik. May naalala kasi ako dati na may playmate ako sa SCQ aside kay Nash at ang tawag ko sa kanya "pangit". I couldn't recall his face or his name kasi batang bata pa ako non. Tinatanong ko din sina Mommy at si Nash pero wala din silang maalala. Akala ko baka imaginary friend ko lang yun kasi normal sa mga bata. Hindi ko sukat akalain na si Donny pala yun! At hindi man lang siya nagpakilala saken nong nagkita kami ulit sa MYX. Andami palang sekreto nito ni Donny! Natawa ako kasi nilagay pa niya don sa diary na siya ang unang Sharlene San Pedro fanboy.
Hindi ko alam ang mararamdaman ngayong nalaman ko na ako pala yung dahilan bakit gusto niyang mag-showbiz. Dahil gusto niya akong makilala. Hindi ko in-expect yun kay Donny. Kaya pala nong premier night sa Walwal kinukulit niya ako kung kamusta ang acting niya.
"Love, pasado na ba sa isang Sharlene San Pedro yung acting ko?"
Tinatawanan ko pa siya kasi akala ko no'n nag-ooverthink lang siya kasi first movie niya. Speaking of the devil, nagtext siya na 1 hour pa daw sila makakarating ayun kay Waze dahil traffic.
Oo, alam ko nga na kasalanan na magbasa ng diary ng iba pero pagpasensyahan niyo na sana ako. Kasi curious lang talaga ako baka may iba pa siyang tinatagong sekreto saken.
Na-realize ko nong binabasa ko yung ibang entries na tungkol lang pala lahat sa akin yung diary na yun. Di ko napigilan na maluha na ganon pala ako kahalaga sa kanya dati. Yung next entry kasi ay yung first meeting namin sa MYX. Tapos naka-paste pa yung picture naming dalawa. Nagpapicture siya isa-isa sa lahat ng MYX VJs non.
BINABASA MO ANG
Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]
RomanceWhat happens if life gives you a second chance at love? Will you trust and love again? Or will you walk away and find your happiness somewhere else? This fanfic is based on real events from Shardon.