Song: Say You Won't Let Go by James Arthur
"Ano na naman yung ginawa mo kanina Donny?!" Inaaway ko siya nong nakapasok na kami sa kotse. Hindi ko inasahan yung ginawa niya na may pakanta-kanta pa siya tas pahalik-halik. Ano yun, consuelo de bobo kasi buong gabi sila ni Kisses ang magkasama?
"Parang hindi ka naman inaalagaan ng fake boyfriend mo." Medyo nasaktan ako nong sinabi yun ni Ricci saken kanina nang makita naming magkasama sila ni Kisses at halos hindi mapaghiwalay. May rules tayo Donny! Ano to nakalimutan na lang niya nong makita niya si Kisses? "I told you Shar. You don't have to do this. Andito ako. From the start, I've been honest to everyone about how I feel for you."
Ibibigay ko kay Donny na magaling talaga siya mag-radar lalo na kay Ricci. Nong totoong kami pa, lagi niyang pinagseselosan si Ricci lalo na nong hiningi yung number ko at sinabi pa niya on TV na ako ang crush niya. Pero babaero nga kasi si Ricci kaya nagkibit-balikat na lang ako. Dineretso ko rin siya non na may boyfriend ako at tago kami. Kahit na ganon, persistent pa din siya. Nong nalaman niya na hiwalay na kami ni Donny, tumodo na sa effort ang lolo mo. Para ata magpabango sa parents ko, umakyat pa siya ng ligaw at pormal na nagpaalam sa kanila.
Siya yung opposite ni Donny. Si Ricci kasi mayabang talaga siya at kung ayaw niya sa tao pinapakita niya. Kaya kapag gusto ka ng isang Ricci Rivero, talagang mararamdaman mo. Hindi ko naman din binanggit kay Ricci na fake lang ang pagbabalikan namin ni Donny pero mukhang nahulaan niya. Kaya nga siguro ayaw ni Donny sa kanya. Kasi basang-basa siya nito.
"Why love? What's wrong?" Painosenteng tanong ni Donny sa akin na parang normal yung ginawa niya! How can he be so chill?
"Ano yun?! Fan service? Showbiz? Para mapag-usapan tayo?" Sigurado ako, laman na naman kami ng balita bukas dahil sa ginawa niya.
"Hindi ka ba kinilig?" Seryosong tanong ni Donny. "Didn't you feel special?"
"That's beside the point." Oo naman Donny, sino bang hindi kikiligin don? Tao lang naman ako!!!
Napapitlag ako nong hinawakan niya yung kamay ko. "Love, don't overthink okay? I'll tell you why para hindi ka na mag-wild dyan. I did it because I wanted you to feel special. It was a grand gesture. I felt bad kanina when you said na I'm nice to everyone kaya you never really felt special when we were together." So...consuelo de bobo nga to? "Gusto ko lang ibigay sa'yo yung mga bagay na di ko nabigay noon. I'm sorry if the kiss was too much for you. I won't do it again without your permission."
Ang dami nang tumatakbo sa utak ko. So ano to? Nasan na ba kami nito? Friends? Tanga-tangahan? Landian? Gusto kong magtanong pero natatakot ako sa sagot. Siguro pag may lakas ng loob na ako itatanong ko sa kanya.
"Bonggang bongga trending na naman kayong dalawa!"
Official promotion namin sa Back To You kinabukasan sa GGV kasi ipapalabas na ito in 3 weeks sa Primetime Bida. Magkahalo yung emosyon ko kasi hindi ko akalain talaga hanggang ngayon na magiging bida ako sa Primetime.
At dahil kakatrending nga lang ng ginawa ni Donny kaya tinutukso kami ni Vice.
"Haba ng hair mo Shar talaga! Halika nga dito sabunutan kita!"
"Well, I think my girlfriend deserves it." Tugon ni Donny na napa-wow si Vice.
"Mr. Romantic ka na pala ngayon ha! Samantalang nong last guesting niyo saken sino-showbiz niyo ako! Mga sinungaling!"
"Sorry na Vice." Paghingi ko ng paumanhin. "Kahit ako nabigla din sa mga pangyayari."
"So... Bakit niyo tinago?" Nag-cheer ang audience and nakikita ko may dala pa silang tarp! Grabe Lord, deserve ko ba to? "Andami kong tanong talaga. Andami naming tanong. Bakit kayo naghiwalay? Pano kayo nagkabalikan?"
BINABASA MO ANG
Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]
RomanceWhat happens if life gives you a second chance at love? Will you trust and love again? Or will you walk away and find your happiness somewhere else? This fanfic is based on real events from Shardon.