Memories

787 16 1
                                    

Memories by Maroon 5

Note: Nagshift na po ako sa third person point of view.

"Mom, yes I just arrived. Mas nerbyosa ka pa sa akin." Natatawa si Donny kasi ang aligaga ng Mommy niya. First day niya as VJ sa MYX at mas excited pa ata sa kanya ang pamilya niya. Ang alam niya ang magiging partner niya na VJ ay Sunny ang pangalan.

"Ay ang tanga!" Napatalon siya sa gulat nang mahulog ng babaeng nasa may kanan niya ang mga gamit nito. Dali-dali naman niya itong tinulungan.

"Salamat!" Mas lalo siyang nagulat nang makita kong sino ito. Si Sharlene San Pedro. "Donny Pangilinan, right?" She smiled brightly at nastar-struck siya. Inabot nito ang kamay niya. "Nakatrabaho ko dati si Tita Maricel. First day mo ba ngayon sa MYX? Ako na magto-tour sa'yo." Ang daming kwento ni Sharlene na nakatulala na lang si Donny.

"Pero kilala mo ba ako?" Biglang napaisip ni Shar na baka assuming lang siya na kilala siya ni Donny.

"Oo." Mahinang sagot ni Donny. "Sharlene San Pedro, right?"

Maraming gustong sabihin si Donny. Gusto din sana niyang itanong kay Sharlene kung naaalala pa ba siya nito. Naalala ba niya na magkalaro sila nong SCQ days? Ngunit naisip ni Donny na baka nakalimutan na nga ito ni Sharlene.

Hinila siya ni Sharlene at ipinakilala sa lahat. Nakita ni Donny na umakbay dito si Jairus. "Jairus, pare. Ang pogi mo pala in person." Pagbibiro ni Jai sabay tapik sa balikat niya. Naramdaman ni Sharlene na nagiging territorial na naman si Jairus sa kanya.

"Tigilan mo na nga yan, Jai. Baka matakot pa si Donny sa'yo!" Pagsuway niya dito.

Nakikita ni Sharlene yung pagkakahawig ni Donny kay Miss Maricel. Minsan, napapatitig siya dito dahil totoo naman talaga ang sinabi ni Jairus na may itsura ito.

Dumating na ang makaka-partner ni Donny na si Sunny. Opposite ito kay Donny na mahiyain. Unang pagpapakilala pa lang sa kanila ay magaan na ang loob niya dito. Bubbly ang personality ng dalaga at nakakagulat na marunong itong mag-Tagalog.

Sa mga sumunod na araw, makikitang nakapag-adjust na agad si Sunny pero si Donny ay medyo naiilang pa din. Naabutan ni Sharlene si Donny na nasa sulok at nag-mememorize ng lines niya. At nabubulol.

Nilapitan ito ni Sharlene. "Donny, may food sa baba. Hinahanap ka nila. Andito ka lang pala."

"I'm still memorizing something. I'm having a hard time kasi talking in straight Tagalog na walang script."

"Conyo ka kasi." Pang-aasar ni Sharlene sa kanya. "Madali lang naman mag-Tagalog kesa mag-English."

Napabuntong-hininga na lang si Donny. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi siya nag-aral mag-Tagalog. "I can converse casually but I'm having a hard time na on TV. Can you help me?" Nahihiyang pag-amin ni Donny.

"Oo naman! Turuan mo din ako na maging confident sa English! O ayan fair!" Masayang pagsang-ayon ni Shar.

Every Monday sila nag-aaral for 1 hour before ng taping. May iba kasing commitments si Shar ng ibang araw.

"Parang close na kayo ni Donny ah." May halong malisya na sabi ni Jairus. "Alam ko si Sunny ang partner niya pero madalas kayong magkasama."

"Tinuturuan ko lang siya mag-Tagalog ng diretso. Nag-uusap kami para masanay siya."

"Paano naman ako?" Paglalambing ni Jairus sabay akbay kay Sharlene. "Wala na tayong time para mag-date niyan."

May kutob si Jairus na baka type ni Donny si Sharlene kaya hangga't may pagkakataon ay binabakuran niya si Shar dito. Napansin ito ni Robi kaya kinausap siya nito.

"Parang ang init ng dugo natin kay Donny ah." Panimula ni Robi. "Umiiral na naman ang pagiging possessive mo Jai."

"Hindi naman." Mariing itinanggi ito ni Jai kahit na ang totoo ay minsan nagseselos siya sa pinapakitang atensyon dito ni Shar. Lately din nagiging cold na si Shar sa kanya. Dati ay lagi silang magkasama pagkatapos ng taping. Pero ngayon, kinakain na ng schedule sa klase ang oras na dati ay para sa kanya. At idagdag pa si Donny na mukhang napapalapit dito.

"Shar, kelan ba magiging tayo?" Dineretso na ng tanong ni Jairus si Sharlene sa dressing room nang matapos ang segment nila.

Napabuntong-hininga lang si Shar. "Jai....alam mo naman na sobrang busy ako ngayon. At gusto ko ding maging sigurado sa feelings ko."

Napayuko na lang si Jairus sa sagot nito. "Parang label na lang ang kulang sa atin a. Andito naman ako palagi ah. Sinusuportahan ka. Ano pa bang kulang Shar?"

"Hindi ko alam...." mahinang sagot nito. Hindi rin mawari ni Shar kung bakit hindi pa siya handa na maging sila ni Jairus. Meron siyang hinahanap na pakiramdam na hindi pa niya nahahanap. Minsan nga naiisip niya baka baliw nga siya.

Baka tama sila. Baka naman tomboy ako.

Alam naman niya sa sarili niya na may puwang si Jai sa puso niya pero...

"Jai, sorry kung pinapaantay kita nang matagal. Hindi pa talaga ako ready. Hindi ko i-expect from you na antayin mo ako."

"Hindi ko lang maintindihan Shar!" Padabog na umalis si Jairus at naiwan si Sharlene na umiiyak.

"Shar, what's wrong?" May pag-alalang nilapitan siya ni Donny. Pumasok ito sa dressing room niya dapat para ayain si Sharlene mag-basketball ng weekend.

"Wala. May problema lang kami ni Jairus..." Pinilit siya ni Donny na magkuwento at dahil mapilit talaga ito ay dito niya nailabas ang mga hinaing niya.

"Mali ba ako? Na hindi pa ako ready?"

"No. You don't have to enter a relationship if you're not ready." He consoled her.

"Ikaw ba. Aantayin mo ba yung babaeng hindi naman ata ready? Hindi ko naman masisi si Jai."

He stared at her intently. "If she's the right girl, yes."

"Pano mo naman malalaman na right girl na yun?" Busisi ni Shar sa kanya. "I mean, ikaw for example. Sabi mo, di ka pa nagkakagirlfriend. Bakit?"

Napatitig sa kawalan si Donny. "I'm still waiting for her."

"May inaantay ka?" Kunot-noong tanong ni Sharlene. "Ang swerte naman ng babaeng yan ang tagal mong inantay!"

"I mean, I'm waiting for the the right girl. For her to be ready. For the both of us to be ready. In time." Hindi niya napigilang hindi hawakan ang kamay ni Sharlene. "So don't rush yourself if you still think he's not the one." Pinunasan ni Donny ang luha niya. "The right person will come."

"Baka naman tumanda akong dalaga niyan."

Magkahawak pa rin ang mga kamay nila at may kung anong kuryente na naramdaman si Sharlene. Napasinghap siya pero hindi niya magawang bumitaw. "I won't lie I've liked a lot of girls but there's just something missing....you know what I mean?"

Oo. Alam na alam ko. Nagsusumigaw ang isip ni Sharlene. Ito ang unang pagkakataong may nakaintindi sa kanya. At ito rin ang unang pagkakataon na parang may naramdaman siyang kakaiba.

Hindi dapat. Hindi dapat.

Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon