Hindi Tayo Pwede by Janine Tenoso
Hindi ko alam paano ko sisimulan. Kung paano nagsimula at paano umabot dito.
Paano ko pinaasa ang sarili ko habang naka-coma ako ng tatlong araw na may tayo. Hindi ba't sabi nga ni Shar Kuya lang niya ako?"Donny, sobrang nag-alala kami sa'yo." Ang daming masayang bumisita nang malaman nilang nagising na ako. Pero ang gusto ko lang talaga ay makasama ang pamilya ko muna. Ang makasama siya. Parang ngayon.
"I feel like this is my second life." I couldn't help but say it. Umuwi muna ang family ko para matulog at nag-volunteer si Shar na bantayan. Haaay. Ang sweet niya talaga...na kaibigan.
"Yes! So you should live your life to the fullest." She smiled and pinched my cheeks.
Naaksidente ang crew namin nong papunta sana kami sa Baguio for a mall show. I was the only one who was in critical condition. Siguro kasi nasa front seat ako at tulog na tulog nang mangyari yun.
"Yes, I should date a lot of pretty girls na lang." I joked.
Tumawa lang siya. "Naku, maging loyal ka naman kay Kisses. Magagalit ang mga fans niyo niyan. Pero ang sweet niya ha. Araw-araw nandito siya para bisitahin ka."
"Syempre parte ng trabaho namin yun." Nakangising sagot ko. "Mas sweet ka nga eh. Sabi ni Mommy part ka daw ng vigil team ko eh."
"Ano ka ba! Malamang. Bestfriends tayo diba?" Ouch, that word again.
"Hindi ka ba nakita ng press?" Pag-aalalang tanong ko. Ang dami kasi nang-babash kay Shar sa social media dahil sa closeness namin kaya lowkey na lang kaming nagkikita. At kailangan may kasamang ibang tao.
"Hindi. Magaling to 'no!" Proud na proud siyang kumindat sakin. "Hindi ko nga alam talaga bakit tayo sobrang binibigyan ng issue. Mas mukhang kaissue-issue pa nga kayo ni Sunny kesa sa'tin."
Bakit ang manhid mo Shar? "Baka kasi iniisip nila mas bagay tayo."
Napatawa siya ng malakas sa sinabi ko. "Hindi tayo pwede..."
"Bakit naman hindi?" Hindi ko napigilang itanong. "Single naman ako. Single ka naman...." At syempre kailangan kong magkaroon ng disclaimer. "I mean logically and technically may probability na maging tayo."
Napabuntong-hininga na lang si Shar sa sinabi ko. "Tingnan mo nga kami ni Jai ngayon oh... Anong nangyari samin?" Malungkot na naman ang mga mata niya.
"Oo nga pala. Ako nga pala yung proxy bestfriend kasi nag-away kayo ng totoo mong bestfriend." I declared bitterly. Inirapan lang niya ako.
Kahit malalim na ang gabi, ang dami pa rin naming napag-usapan. Matagal-tagal din kaming hindi nagkita dahil sa loveteam ko.
"Matulog ka na para gumaling ka na." Inayos na niya ang higaan niya at handang-handa na siyang matulog. Humiga na siya at pinikit ang mga mata. Bakas sa mukha niya ang pagod.
"Shar..." Tawag ko.
"O."
"Salamat."
She didn't open her eyes but I could see the faint smile in her face. "You're welcome, Don Donny."
Pipikit na din sana ako nang bigla niya akong tinawag. "Donny..."
"Yes?"
"I miss you. Sobrang namiss kita."
"Me, too. Hindi mo alam gaano din kita namiss Shar."
It was a rare and short exchange. Pero alam ko naman na namiss niya ako bilang Kuya, kapatid at bestfriend na hinihingan niya ng payo. Kung sa Korean drama, I am always the other guy sa kwento niya. Kay Jairus...Kay Turs... Kay Ricci. Ako palagi yung takbuhan pero hindi naman ako yung pinipili. Parang mas bagay sa akin yung sinabi niya patungkol sa kanila ni Nash.
Pinagtagpo pero hindi itinadhana.
![](https://img.wattpad.com/cover/178183562-288-k279051.jpg)
BINABASA MO ANG
Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]
RomanceWhat happens if life gives you a second chance at love? Will you trust and love again? Or will you walk away and find your happiness somewhere else? This fanfic is based on real events from Shardon.