Rewrite the Stars

1.5K 46 2
                                    

Song: Rewrite The Stars by Zac Efron and Zendaya

"Sharlene, gusto lang naming iklaro. Ikaw ba ang tinutukoy ni Donny Pangilinan na nakarelasyon niya sa GGV?"

Shar, nagpractice na kayo nito. Wag kang sumablay. Nakasalalay sayo ang lahat.

Dalawang araw matapos umamin ni Donny na nagkaron siya ng girlfriend ay nagclose door meeting kami kasama ang management. Tinanong nila ako kung totoo ba na naging kami ni Donny. Wala akong nagawa kundi aminin ang totoo dahil alam ko na umamin na si Donny sa kanila bilang hindi iyon marunong magsinungaling.

"We have an upcoming teleserye with DonKiss and gumastos na ng malaki ang network. If this blows up, magiging potential flop ito. You've been in this industry for so long, Sharlene so I guess you know what this means. We also have plans for you with other people..."

Mahaba ang naging discussion namin pero alam ko na isa lang naman ang gusto nilang mangyari. Na i-deny ko yung relationship namin ni Donny. Dahil iyon ang makakabuti sa network at sa loveteam nito. Sacrificial lamb ako kumbaga.

"Hindi po, Tito Boy," mariing pagtanggi ko. "Sinabi ko na to dati. Tropa lang talaga kami ni Donny. Fan din po ako ng DonKiss."

Nagdesisyon ang management na magpainterview ako sa TWBA 2 weeks after ng revelation ni Donny para humupa na muna lahat. Para hindi magmukhang cover-up ang lahat. Ginawa nilang alibi ang promotion ko para sa album ko pero yun talaga ang dahilan ng guesting ko. Para iklaro ang estado ng relasyon namin ni Donny at ideny ko ang usap-usapan na ako ang secret girlfriend na tinutukoy ng binata sa last interview nito.

Hindi na kami nag-usap ni Donny pagkatapos niya akong tinext na ayaw niya akong makausap.

"I saw your TV guesting. Grabe, ganyan ka ba kaselfish Shar?"

Kaya laking gulat ko nang magtext siya sa akin after ng airing nong episode sa TWBA. Nakatanggap din ako ng texts sa lahat ng taong nakakaalam.

Napapitlag ako ng makita kong tumatawag na siya. "Shar, bumaba ka sa bahay niyo kung ayaw mong lumabas ako!!" Galit na galit ang boses niya. Sumisigaw na ito sa kabilang linya. Dumungaw ako sa bintana at nandoon nga ang kotse nito sa may tapat ng bahay.

Napilitan akong bumaba at puntahan siya sa kotse. "Donny, bakit ka pumunta dito?"

"Love, you know what? I already expected that you would deny us? But this little part of me is hoping na sana...sana ilaban mo ko for the last time! Pero, wala talaga?"

Donny was crying in front of me and I could not do anything. Gusto ko siyang patahanin at yakapin. Gusto kong sabihin na mahal ko siya. Pero alam kong hindi naman to makakabuti sa aming dalawa.

"Donny, please umuwi ka na..." I pleaded. "Alam mo na minahal kita pero mas mahalaga saken ang pangarap ko!"

"Love, please. Don't leave me... Do you want to have a bright career? Sige. I will be the man in the shadows secretly cheering for you. Pero hindi ko kaya Shar na hindi tayo!" Nakakaawa na itong tingnan. Hindi ko lubos maisip na darating ito sa ganitong punto na magmamakaawa siya sa akin na balikan ko siya.

"Donny, alam mo na labag sa pinaniniwalaan natin ang magsinungaling. Ang magtago. I think Tita Maricel already explained this to you diba? We can't have both worlds. And I choose my career, Donny. I'm sorry..."

Biglang nag-ring ang cellphone ni Donny at nakita ko na si Tito Anthony ang tumatawag sa kanya. Hindi sinasagot ni Donny kaya kinuha ko sa kanya ang phone. "Hello Tito."

"Where is Donny?"

"Nandito po sa tabi ko." Pag-amin ko.

"Tell him to go home." He said with authority in his voice. "Can you put me in loudspeaker?"

"Yes po..." mahina kong anas at sinunod ang request nito.

"Donny, son. Come home. The battle is over. You lost okay? Ang dami mong projects na tatalikuran because of this. Stop being a baby and be a man."

Tahimik lang na tumatango si Donny habang nangingilid ang luha. Between the two of us, I am the one who is thinking straight now. Thinking ahead. Balang-araw ay maiintindihan niya rin kung bakit kailangan naming maghiwalay.

"Donny, sana balang araw maiintindihan mo ko. Ayokong isuko natin parehas ang mga pangarap natin para lang sa feelings natin."

Nakayuko na siya at hindi ako tinitingnan. "Maybe. Maybe my Dad is right. Don't worry hindi na kita guguluhin Shar. Let's go our separate ways. Sana sumaya ka."

And that was the last I heard of Donny. Hindi na siya nagtext o tumawag. Hindi na niya ako ginulo. May mga araw na narurupok ako at gusto ko siyang kamustahin. Buti na lang at napipigilan ko ang sarili ko. Nababalitaan ko na lang siya sa mga friends namin. In fairness, hindi din nagsiset ng lakad ang MYX barkada nang magkasama kami.

Napapanood ko na lang siya sa TV. Mataas ang ratings ng bagong teleserye niya with Kisses. Donny's soaring high in his career without me. I'm happy for him. Parang kailan lang naririnig ko siyang nangangarap at naiinggit daw siya sa mga narating ko.

I've also had my accomplishments. Maganda ang response sa release ng album ko. Nagkaroon kami ng movie project with Jairus and Nash na tinangkilik ng mga tao. Nong nag-guest kami sa ASAP, sinadya talaga ng management na may ibang schedule si Donny. Para iwas issue.

"Sharlene, kamusta na kayo ni Ricci?" Tawang tawa na tanong sakin ni Vice nang magguest ako sa GGV para sa promotion ng movie namin with Jai and Nash.

"Okay naman po." Mapang-asar yung ngiti ni Nash at Jai sakin. Nag-guest kasi si Ricci sa MYX noon tapos inamin niya na ako yung celebrity crush niya. Matagal na yon. Kami pa ni Donny nong time na yon. Hindi pa nagpatinag ang loko. Kinuha yung number ko kay Inigo tapos kinukulit akong makipag-date! Nong mga panahong yon, syempre tinanggihan ko siya dahil boyfriend ko si Donny! Pero nong second guesting ulit nito, wala na kami at nalaman ito agad ni Ricci kaya panay na naman ang pagpapacute sa akin!

"Balita ko, binibisita ka sa set ah!" Ayaw pa rin tumigil ni Vice sa kakatukso saken. "Nash, binibisita ba?"

Dinamay pa si Nash. "Oo. Laging may dalang pagkain." Hay, traydor talaga itong si Nash. Bat pa ba ako umasa?

"Shar, magkwento ka naman. Bakit ka ba nahihiya eh very open naman si Ricci sa interviews?" Tuloy pa din ang pag-uusisa ni Vice saken. "Kayo na ba?"

"Hindi po." Diretso kong sagot. "Getting to know each other pa po." More like grabe ang kulit ni Ricci ayaw akong tantanan.

"So NBSB ka pa din?" May pagkindat pang naganap. Mukhang may alam siya eh!

"Ayoko nang pag-usapan lovelife ko! Wala naman. Wala naman talaga."

Kinurot ako ni Vice sa tagiliran. "Ganda ka? O eto na lang bilang ayaw mo talagang magsalita. Nagmahal na ba ng wagas ang isang Sharlene San Pedro?"

Nakita ko sa peripheral na bumubungisngis ang dalawa kong traydor na kaibigan.

"Opo. Minsan."

Pero nakalimutan na niya ako. Masaya na siya sa iba.

Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon