Pinipigil

1.5K 43 6
                                    

Song: Pinipigil by Yeng Constantino

"Welcome sa TWBA Sharlene San Pedro and Donny Pangilinan!"

Sunud-sunod ang guestings namin ni Donny para sa official launch ng Back To You. Minsan pare-parehas lang yung binabatong tanong na sobrang saulo na namin ni Donny yung isasagot.

Parte ng larangang to ang magpanggap na sweet on-cam at lagi kaming pinupush na magfan service. Buti na lang kabisado na namin ang protocol sa ganito. Sinong mag-aakala na hindi pala kami nagpapansinan ni Donny kapag wala ng nakatingin? Literal na hindi niya ako pinapansin at hindi na din naman ako gumagawa ng paraan. Naniniwala naman ako na kayang tawirin ng karanasan namin sa pag-arte ang lahat.

"First time niyong mag-guest dito nang magkasama no?" Aliw na aliw na sabi ni Tito Boy. "Pero totoo nga na may chemistry kayo. Nashlene talaga ako pero bagay kayo. Sa tingin niyo ba yung friendship niyo ang sekreto?"

Parehas kaming tumatawa ni Donny. Friendship ba kamo? San banda?

"I think it's one of the reasons." Pagsang-ayon ni Donny. "Kaya nga siguro kami shiniship ng mga fans kasi close kami."

"Gano kayo kaclose? Umabot ba sa punto na napaisip kayo kung pwedeng tawirin sa higit pa sa pagkakaibigan?"

Opo, Tito Boy. Nilandi niya ako kaya ganon. "Ang tingin ko talaga kay Donny ever since ay Kuya."

"So mukhang naKuya-zone ka na naman Donny." Napahalakhak si Tito Boy sa sagot ko.

"Hindi...crush ako niyan." Sabay kindat. Diyos ko Donato, wag mo akong darangin. "Sabihin mo lang Shar, hindi naman ako maiilang kung gusto mo ko."

"Ang cute niyo!" Mukhang tuwang-tuwa si ito sa mga hirit ni Donato. "Pero on a serious note, ano ba tungkol itong Back To You? Ang alam ko sobrang sikat ito pero para sa mga hindi nagsubaybay ng series katulad ko."

"It's about two people who got married at a young age of 18. Pero something happened and they separated. Nagkita sila after 8 years..."

"So you'll act like a married couple?" Manghang tanong ni Tito Boy. "So for sure may kissing scene or sexy scene to?"

"Baka kayang dayain ng camera." Nerbiyos na sagot ko.

"Diyos ko naman Shar, ayaw mo bang halikan tong ganito kapogi?"

Di nyo naman sinabi Tito Boy nilamutak ko na yan ng ilang beses.

"Baka daw awkward kay Shar kasi crush niya ako. Baka di na ako pakawalan." Bigla niya akong inakbayan at tiningnan ng malagkit.

Anong nakain nitong Donatong to at game na game siya ngayong humarot sa camera? Nagtawanan pa sila ni Tito Boy. Umismid na lang ako.

"I know this story formula has been used before. Pero anong kakaiba sa Back To You?"

Sumenyas saken si Donny na ako naman daw sumagot. "I think Tito Boy, makikita mo dito yung journey ng dalawang tao na pumasok sa isang bagay na hindi pa talaga sila ready. Ma-witness nila na yung immaturity nila yung reason bakit sila naghiwalay. Tapos after a few years, magkikita sila ulit na iba na yung perspective nila about love. Ipapakita dito na yung love is not just about kilig but takes hard work and commitment."

May hugot lang Shar?

Pumalakpak si Tito Boy. "Wow, very excited na akong mapanood to sa primetime! Did you read the series, Donny? Alam ko kasi si Shar fan ng Wattpad series na ito."

"Yes," sagot nito. "Nirequire po nila na basahin namin. Naghibernate ako ng one week to immerse on the story and learn about the character."

"So, what important lesson did you learn from Thor?"

Lumingon si Donny saken. "Choose your battles. Si Thor kasi, mapusok siya. He will fight for everything based on what he feels."

"Are you like Thor?"

"Partly. Kasi I was raised to think critically about every decision I make. Pero sometimes, may mga situations na mapapatanong ka na lang, why did I acted so rashly?" He explained.

"That's a beautiful statement." Binaling ni Tito Boy ang atensyon niya saken. "How about you Shar? Any thoughts on the character that you will be playing?"

"Well, actually may times na hindi ako aligned sa way of thinking ni Bria. Kasi immature po talaga siya mag-isip about life and love. Pero 18 pa kasi siya non! Yung Bria 8 years after, ang dami kong natutunan."

"Like what for example?"

"Experience teaches you maturity. Hindi mo siya makukuha sa pagbabasa ng libro or pakikinig lang. Ang ganda ng character development niya which is because of what she went through. Parang, your scars make you beautiful."

"Wow! I think malalim kayong dalawang mag-isip and I hope you can reflect it when you play these characters."

Pagkatapos ng TWBA, diretso na kami sa isa pang event. Tahimik lang kaming dalawa sa sasakyan. Naginsist ang management na dapat magkasama kami from now on. Pero alam naman ng respective managers namin na may tensyon. Naglalaro lang sa phone siya sa phone niya. Tapos ako nakikinig ng music.

May biglang tumawag kay Donny. "Hello. May event ako sa araw na yan. Sorry I can't go. Just tell Maymay and Edward I said hi. Yes, I miss you guys."

"Si Kisses ba yan?" Tanong na manager ni Donny.

"Oo. Iniinvite ako sa birthday ng Daddy niya. Pero may whole-day event ako non eh."

"Pwede ka naman atang pumunta kasi until 8pm yung event. Nong kay Shar nga, humabol ka eh!" Push pa more!!! Nag-iba ang expression ng mukha ni Donny.

"Let's not bring up the past. I've had so much of it lately."

Wow, eto ako't nagpapakaprofessional tapos paparinggan niya ako ng ganyan! Tinanggal ko yung earphones ko. "Hindi lang naman ako ang sawang sawa sa kakaungkat ng past."

"Uy.... wag na kayong mag-away," awat ng manager niya.

He just leaned on his chair and shrugged his shoulders. "There's nothing to fight about kung di ka naman pinaglaban." Ouch, Donny.

"Alam mo ang sakit mong magsalita," sagot ko.

"Bakit? Natamaan ka ba? I'm just talking about the truth. Not my fault if you can't handle it."

"Wag mo akong subukan." Hamon ko. On a normal day, di ko naman papatulan tong mga pasaring ni Donny pero sobrang nakakastress talaga yung dami ng activities namin.

"Try me. You still haven't changed Shar. You're still a coward!"

"Uy tama na yan!" Bulyaw ng manager ni Donny. Pero hindi namin siya pinansin. Nagkainitan na talaga kami ng ulo.

"Bakit? Gusto mo na aminin ko na naging tayo?! Sige hindi ba yan lang naman yung gusto mo para sa pride mo?"

"Guys! Nandito na tayo!" Napasigaw yung manager ko para paalalahanan kami na hindi ito ang panahon para magsumbatan. Bumukas ang pinto. Kailangan na ulit bumalik sa ibang mundo. Ngiti. Kaway. Lingon sa camera.

"So Shar, wala talagang namagitan sa inyo ni Donny dati?" Libo-libong beses na akong tinanong nito sa mga nagdaang araw. Tumitig muna ako kay Donny bago sumagot. Nanghahamon.

"Hindi ba nasabi sa inyo ni Donny? I'm the girl he dated for a while but we broke up. I think it's time everyone knows."

Nalaglag ata ang panga ng lahat ng nandon. Biglang tumigil ang mundo. Tahimik, payapa. Pero sa isang iglap, narinig ko na naman ang maingay na tunog ng mikropono. Naghiyawan ang mga tao. Hinila kaming dalawa ng managers namin. Sinenyasan nila yung team na harangan ang mga reporters.

'What did you just do, Shar?' Nagtatanong ang mga mata ni Donny.

Sana masaya ka na, Antonio.

Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon