Adore You

697 19 7
                                    

Adore You by Harry Styles

Comment naman kayo kung nagustuhan niyo. Charot. Alam kong masaya kayo mga besh sa ganap kahapon!

'Good morning Princess. Nasa baba na po si Kuya inaantay ka.'

Napangiti si Shar nang makita ang text ni Donny. Dali-dali siyang bumaba kasi ayaw niyang maghintay ito ng matagal.

"Andyan na ang sundo mo." Deklara ng Mama niya. "Nanliligaw ba yan sa'yo nak?"

Umiling siya. "Ano ka ba Ma! Hindi. Bestfriends lang kami niyan. Magkapatid ganon!"

Tinapik lang siya sa balikat ng ina. "Naku. Ang gulo talaga ng kabataan ngayon! Dati naman kami, 'pag gusto eh di larga!"

Nalungkot siya sa turan nito pero wala naman siyang magagawa. Naabutan niya si Donny sa baba na kausap ang Tatay niya. Nagtatawanan pa ang mga ito.

Haaay. Lintik. Bakit ba kasi ayaw mo akong ligawang bwisit ka?

"Shar. May photoshoot kami sa Walwal later kaya baka hindi kita mahatid."

Nakaramdam ng kaunting selos si Sharlene kasi makakasama na naman nito si Kisses. "Uy, enjoy ka lang. First project mo! Wuhoo!"

"Sana nga ikaw ang kasama ko eh. Punta ka sa bahay sa Saturday? Hinahanap ka na ng baby sister mong isa pa." Si Solana ang tinutukoy nito. Pumupunta kasi siya paminsan-minsan sa bahay nila para maglaro sila ng video games. Naging ka-close na din niya si Solana.

"Can you be my Ate?" Solana has the same puppy eyes kaya hindi siya maka-resist pag nagpapacute ito.

"Pero may mga Ate ka na..." She pointed out.

"Yeah, but they're busy. I like you. I'll Dad to adopt you." Sobrang honest talaga nito ni Solana.

Kinukulit din ng bata si Donny about kay Shar. Kaya tuloy pinipicture-an ni Donny lagi si Shar para makita ng bata ang outfit of the day nito. "Ate Shar is so pretty Kuya. Can she be my Ate like we're gonna be sisters..."

"Pwede naman..." Pwede namang sister-in-law. Pero hindi na niya itinuloy ang sasabihin kasi baka madulas pa tong batang to kapag magkasama sila ni Shar.

"Sige puntahan ko siya sa weekend..." Masayang tugon ni Shar sa pasaring niya. Buti nga at kasundo nito si Solana kaya may dahilan siya para papuntahin ito sa bahay. "Ituloy na naman ang OPLAN find a girlfriend for Donny."

"Ano?!"

Tumatawa lang si Shar habang inaasar si Donny. "Sabi kasi ni Solana gusto niya magkagirlfriend ka na para di ka na daw clingy sa kanya. Parehas kami..."

Doon din napagtanto ni Shar na mukhang one-sided lang pala talaga ang kanyang feelings nong naging malapit sila ni Solana. Para siyang tangang tinanong si Solana about dito. Nakita niya kasing hinalikan din ni Donny si Solana sa noo.

"Solana, is Donny clingy to you too?"

The kid stopped and rolled her eyes. "Yeaaahh. He likes to hug me all the time and kisses me in the forehead. He always insists on going with me to places kasi daw baka may boys. She needs to protect me kasi I'm her princess.... It's really annoying!!! Does he do that to you too?"

It dawned on her na shit kapatid lang pala talaga siya. Kaya nagkasundo sila ni Solana na hanapan na ito ng girlfriend. Para na din sa kapakanan ng unrequited feelings niya.

"Ah, so pagod na kayo sa efforts kong protektahan kayo...sige!" Naghihimutok na naman si Donny.

"Donato, ano bang gusto mo sa isang girl? Para ihanap ka na namin!"

Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon