Masyado Pang Maaga by Ben&Ben
"Bes...antanga ko."
Binulabog ni Sharlene si Beshie Myles para lang ikuwento yung nangyari sa kanila ni Donny.
"Kuya?! Talaga?! Yun talaga Sharlene?" Parang batang pinapagalitan ni Myles si Shar.
"Di ko din alam bakit nasabi ko yun. Pero ang weird nitong mga nararamdaman ko beshie." Naisubsob ni Shar ang mukha niya sa unan sa sobrang frustration. "Tas nong niyakap niya ako at hinalikan sa noo...para akong na-silya electrica, beshie. Sa tingin mo, may meaning yung halik?"
Tinawanan lang siya ni Myles sa kabilang linya. "Tanga ka kasi. Pero parang pang-lola yung halik sa noo."
"Gusto kaya niya ako? Hindi ko maintindihan yung actions niya..."
"Ang importanteng tanong Miss Nagdadalagang San Pedro, gusto mo ba siya?"
Natahimik saglit si Shar. Gusto ba niya si Donny? Oh no.
"HUY BESHIE. SAGUTIN MO KO."
Napabuntong-hininga na lang siya. "Crush ko siya? Parang...I mean...sino ba namang di hahanga sa kanya? May itsura naman siya. Matangkad. Mabait. Masayang kausap."
"Yung sakin lang kasi ay unang-una baka masaktan ka na naman diyan." Pagpapaalala sa kanya ni Myles. "Pangalawa, baka masaktan mo lang din siya. Di naman sa nananakit ka--pero pano kung gusto ka talaga niya tapos in the end marealize mo na na-overwhelm ka lang sa atensyon na binibigay niya habang may pinagdadaanan ka?"
Mabigat para kay Shar ang mga binitiwang paalala ng bestfriend niya sa kanya. Kaya sobrang tight nila ni Shar kasi honest sila sa advice nila sa isa't isa. Sobrang mature din mag-isip ni Myles sa mga ganong bagay.
"I mean Beshie...out of the question naman ngayon kung gusto ka niya. Kasi kung gusto ka niya...magsasabi naman yan. I-sort out mo na muna ang feelings mo Beshie. Di ka pa naman naiinlove. Nambabasag, oo. Habit mo yan eh."
"Tse!" Pagmamaktol ni Shar. Kahit pabiro pero totoo naman ang sinabi ni Myles. Na lahat ng lalaking nagtangka, palagi niyang binabasted.
Hindi makatulog si Shar kakaisip kung anong gagawin. If there's one thing she's sure about, ayaw niyang mawala si Donny sa buhay niya. Ito lang ang nakakaintindi ng lubusan sa perspective niya sa buhay. Kay Myles kasi, magkaiba sila ng pananaw pero nirerespeto siya nito. Kay Donny, she found someone who gets her.
'Hey princess, are you awake?'
Speaking of the devil. 'Di ka din makatulog?'
'Yeah. I'm just worried about you. Are you okay? Kinausap ko na si Jai kanina. He won't bother you anymore.'
'Wow pinapanindigan ang pagiging Kuya ah.'
'Oo naman. Sleep ka na. I'll pick you up tomorrow.'
'Okay, goodnight Donato.'
'Sweet dreams, Shar.'
***
Hindi pa rin dinadalaw ng antok si Donny pagkatapos nilang magkatext ni Shar. Tinawagan niya si Robbie at Sunny sa FB. Halatang nabulabog niya yung tulog ng mga ito.
"Guys, help me...."
"Ano ba kinidnap ka ba at tinatawagan mo ako ng alas tres ng madaling araw?" Tinatalakan na siya ni Sunny.
"Donny naman...kakauwi ko lang galing sa party at kakatulog ko lang...ano ba tong emergency na to?" Pagrereklamo ni Robbie?
BINABASA MO ANG
Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]
RomanceWhat happens if life gives you a second chance at love? Will you trust and love again? Or will you walk away and find your happiness somewhere else? This fanfic is based on real events from Shardon.