All Too Well

666 13 6
                                    

All Too Well by Taylor Swift

"Ano?! Nakipag-one night stand ka?!" Naririnig ni Shar na sumisigaw si Myles.

"Beshieeee...This is not the time to judge." Bulong niya. Nasa apartment siya ni Celine na high school friend niya na nag-aaral sa Baguio. Buti na lang at hindi ito umuwi ng magulang kaya pumunta siya agad sa boarding house nito para makiligo. Diring-diri siya sa sarili at umiiyak habang naliligo.

"So sino siya?! SINO?! ALAM NIYANG LASING KA TAPOS PINAGSAMANTAHALAN KA NIYA?!"

Yun ang problema. Sa pagkabigla niya ay hindi man lang niya chineck kung sino ang nakasama niya nong nakaraang gabi.

"Hindi ko alam beshieee...." Napaiyak siya. "Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko chineck kung sino...."

"SHARLENE NAMAN! DIBA SA MGA TELENOVELA CHINICHECK NILA! BAT DI MO CHINECK? OHMYGOD PAPATAYIN KITA. PANO KUNG MABUNTIS KA? DIYOS KO...."

Natutop niya ang bibig. Hindi niya naisip na baka mabuntis siya sa nangyari. Babalikan ba niya ang lalaking nakasama kagabi? Ni hindi niya maalala ang room number. Gusto niyang sapakin ang sarili. Nanginginig siya sa takot at ibinaba ang telepono.

Tinatanong na siya ni Celine kung anong nangyari. Nagsabi lang siya na may pinagdadaanan siya na hindi niya masabi. Panay ang text sa kanya na Myles. Gusto niya munang mapag-isa.

Bes, alam kong worried ka sakin. Okay lang ba na mag-isip muna ako? Sana walang makaalam nito.

May tagpi-tagping mga alaalang bumabalik sa kanya. May hinihila siyang lalaki. Naalala niyang may hinalikan siya ng mapusok...

Ang daming tumatakbo sa isip niya. Pano kung may nakakita sa kanya? Pano kung lumabas ito sa press? Bigla niyang naalala na baka hinahanap na siya ng mga tao! Tinawagan niya agad ang Nanay niya.

"Ma...."

"Oh? Kamusta ang Baguio? Nag-enjoy ka?"

"Ha?!!!" Anong pinagsasabi nito sa kanya?

"Nagtext ka kagabi diba? Parang baliw tong batang 'to. O siya bilhan mo ko ng strawberry shortcake ha."

Dali-dali niyang binuksan ang messages niya. Nagtext nga siya sa Nanay niya!

Ma. Baguio ako.

Binuksan niya agad ang FB messenger niya sa MYX kasi baka hinahanap din siya ng mga to!

Robbie: Guys where are you?!

Turs: Baguio

Ricci: Baguio

Her eyes widened. So...isa sa kanilang dalawa?! Oh my God!!!

Robbie: Bakit nasa Baguio kayong dalawa? Nasan si Sharlene?!

Turs: Didn't Sharlene texted you guys that she's in Baguio?

Napaupo si Sharlene sa sahig. So si Ricci yung lalaki kagabi? Chineck niya ulit ang messages. Nagsend to all siya sa Viber group nila ng ROS!!!

Hi guyss. In Baguio. Come hereee.

Binackread ulit niya ang next messages sa FB messenger sa MYX group nila.

Donny: I'm in Baguio. Looking for Shar.

Fuck. Fuck. Anong sasabihin niya ngayon kay Donny?

Shar: Guys sorry sa abala. Okay lang ako. Nandito ako sa friend ko. Hehe.

Turs: Where?! You're not answering my calls.

Ricci: Sharlene! San ka?!!!

She turned off her mobile data. Biglang nag-ring ang cellphone niya. Si Donny ang tumatawag.

"Sharlene. Nasan ka? Let's talk. We need to talk."

And the memories suddenly rushed in. She called Donny last night when she was in Baguio!

Nasa loob na siya ng hotel room at may hawak-hawak siyang bote tapos nag-drunk call siya kay Donny.
"Hellllooooo Doooonnnnyyy. IIIIIII LOOOVEEE YOUUUU. BAT DI MO KO MAGA---WAAANGG MAAHALIIN?"

"Shar---" She heard him call her name on the other line.

She remembered ending the call while laughing hysterically. Then someone enveloped his arms around her....

At wala na naman siyang maalala!

"Shar, are you there?"

"Donny...kung tungkol 'to kagabi. Ayokong pag-usapan. Please. Gulong-gulo ang isip ko ngayon. I was drunk. Can you please forget everything that happened last night?" Ang dami niyang kailangang ayusin. Hindi niya alam alin ang uunahin.

"What? Ganon lang?" He answered bitterly.

Nangingilid ang luha niya. Gusto niyang puntahan ito. Gusto niyang sabihing totoo ang lahat ng sinabi niya kagabi pero huli na ang lahat. Huli na....

"Please. Just leave me alone. Okay?" She ended the call. Ended what could've been a happy ending? She will never know. If her drunken confession could've had led to a relationship. Ang tanga-tanga niya kasi.

Si Ricci naman ang tumatawag. Ang walang hiya niyang ka-one night stand.

"Hello Shar. Nasan ka? I've been looking everywhere for you. Wala ka na sa Manor..." bungad nito ng sinagot niya ang telepono.

"Walang hiya ka... Nilampastangan mo ko kagabi habang lasing ako!"

"Shar. Please let me explain." He continued. "Please kausapin mo 'ko."

Nagdesisyon siyang kausapin ito. Pinuntahan siya nito sa apartment ng kaibigan niya. Nagulat si Celine nang makita si Ricci sa pintuan. Napatingin ito kay Shar ngunit sinenyasan lang niya ito na mag-uusap muna sila ni Ricci.

"Shar..." Lumuhod ito sa harap niya. "Please patawarin mo ako. Pero parehas tayong lasing. Alam mo naman 'yun."

Sinampal niya ito. "Lasing? Lasing? Napakawalang-hiya mo. Hindi kita mapapatawad."

"Handa akong panagutan lahat mapatawad mo lang ako Shar. Please." Nagsusumamo ito. "Tumugon ka sa halik ko kaya inisip ko na gusto mo din."

The nerve of this guy! Napahikbi siya sa galit. Galit din siya sa sarili niya parang hayaang mangyari ang lahat. Hinayaan niyang madarang siya ng isang gabi. And worse, she can't even remember everything!

"Shar...shar...May Donny Pangilinan na naghahanap sa'yo. Si Donny Pangilinan!" Napatigil sila ni Ricci nang humahangos na ibinalita ni Celine sa kanila ang pagdating ni Donny.

"Diba gusto mong mapatawad kita?" Matigas na tanong ni Shar kay Ricci.

"Then panagutan mo 'ko." Marahas niyang kinuha ang kamay ni Ricci. "Sumunod ka sa mga sasabihin ko...at wag kang magsalita!"

Naabutan sila ni Donny na magkahawak ang kamay. Akmang susugurin na nito si Ricci ngunit napigilan siya ni Shar.

"Bakit kasama mo yan? Bakit?" Nagpupuyos sa galit si Donny. "Ipaliwanag mo sakin!"

"Ano pa bang paliwanag ang kailangan mo?" Pinipigilan ni Shar na bumaha ang luha niya. "I told you to forget everything I said!"

"Pano? Pano ko makakalimutan?" He yelled at her.

"I don't care how!" She hissed. "Si Ricci ang gusto ko. Nag-usap na kami ni Ricci. Last night. What I did. What I said was a mistake. It wasn't for you."

She could swear she saw pain painted in his beautiful brown eyes. "You're so cruel. I'm happy for you. Sana masaya ka. Sana magsaya kayong dalawa!"

And she watched him walk out of her life. The only man she loved. The man she lost because of one mistake.

Shardon fanfiction: Loveteam [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon