KABANATA 2
"O anak? Hali kana." ani inay.
"S-sige po inay. Susunod ako." sagot ko at umalis na si inay.
Buti na lang hindi nahalata ni inay. Kung hindi baka magtanong ito at hindi ako maka sagot.
KINABUKASAN......
Nasa labas ako ng aming bahay at hinihintay si Mara, may ikukuwento siya sa akin aniya kahapon ng maka uwi kami. Kaya heto ako naghihintay habang bumalik naman sa Kapatagan si inay at itay, kami lang ni Kuya Liyo ang naririto. Mapayapa ang umaga dito sa aming sitio, nagkakasiyahan lamang sila kapag narito sa sitio si Mang Ernan, siya ang nakatataas dito sa lugar namin. Nasa maynila siya ngayon at naghahanap ng karagdagang gamot para sa mga tao rito sa sitio.
"Kanina ka pa tulala riyan Liya."
Gulat akong napatingin kay Kuya na ngayon ay naka upo katabi ko dito sa labas, mayroon kasing ginawang bangko dito si itay na sakto ang apat na taong uupo rito.
"Hinihintay ko si Mara, kuya." sagot ko, napaiwas naman siya ng tingin.
"Ganun ba." wika niya, aalis sana si kuya pero bago yun nagtanong na ako at napahinto siya dahil dito.
"Bakit tayo dito nanirahan Kuya?" wala sa isip kung tanong.
Lumingon lang siya sa akin tapos sa kalawakan at umupo ulit malapit sa akin. Napabuntong-hininga na lamang si kuya at nagkuwento.
"Gabi nun at nasa bayan ng San Juan tayo nakatira kalapit na bayan ng Trinidad. May nagkagulong mga tao at narinig kong may binaril na tatlong lalaki. Hindi lamang kami doon nagulat kundi ang malamang sinakop tayo ng mga amerikano dahil hindi pumayag ang pinuno natin sa kasunduan nilang talunin ang mga Kastila, at nang hiniling ng pinuno natin na ibigay sa atin ang kalayaan, hindi pumayag ang lider ng mga Amerikano, ang nais ng mga ito ay puksain ang mga naghahariang mga kastila kung kaya'y sila na mismo ang sumakop sa atin, sa madaling salita habang namumuno sa bansang ito ang mga Espanyol na ngayon ay naninirahan sa Intramuros, sinakop ng mga Amerikano ang intramuros at lahat ng mga karatig bayan ng mga ito at isa na roon ag bayan natin. Kaya nagmadali tayong makaalis sa bayan ng San Juan at pumuntang Kapatagan doon tayo nanirahan pansamantala. Pinatira tayo ni Lolo Toming sa sitio na malapit lang din sa Katapatagan kung saan malayo sa gulo. Kaya tayo naririto sa sitio San Jose." may lungkot sa tuno ng boses ni Kuya habang nagkukwento.
Tumingin naman sa aking mata si Kuya at tinuloy ang pagkukwento kaya nakinig lamang ako.
"Nakilala ni inay at itay si Mang Ernan sa tulong ni Lolo Toming kaya dito na tayo tumira, labintatlong taon na tayo rito at nalalapit na ang iyong kaarawan kapatid." Nakangiti nitong piningot ni kuya ang ilong ko dahilan para mamula ito.
"Kuya talaga." wika ko nalang.
Bigla naman akong nakaramdam ng kaba pagkatapos ay sumikip ang aking dibdib dahilan para mahawakan ako ni kuya sapagkat pinilit kong tumayo para huwag alalahanin ang naramdaman.
"Ayos ka lang ba Liya? Pumasok muna tayo sa loob doon ka na lamang maghintay kay Mara." tugon ni kuya at inalalayan akong pumasok sa sala, mayroon naman kaming maliit na sala kahit maliit lang din ang aming bahay-kubo.
"Salamat Kuya." wika ko at pinilit na ngumiti nararamdaman kong inaantok na ako kaya hinayaan ko na lang ipikit ang aking mga mata kahit ilang minuto lamang.
Agad akong napabangon ng mapagtantong nakatulog ako ng matagal, lumingon-lingon ako sa paligid at nagulat ako ng nasa silid na pala ako at gabi na. Dahan-dahan naman akong tumayo at inayos ang baro't saya saka dahan-dahang lumapit sa pinto na gawa sa kawayan. Bago ko pa man mabuksan iyon ay narinig ko ang pag-uusap nina itay, inay at kuya sa aming maliit na sala.
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
General FictionANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...