KABANATA 29
"I'm not here to have a fight." taas noong wika ko.
Bakas sa mukha nito ang gulat, hindi ko alam kung sa gamit kong lengguwahe o ang sinabi kong ayaw ko ng gulo.
"Looks like the princess trained well. Hmm.."
Nagsipasukan ang mga kasamahan nito na agad ding napahinto mula sa pinto nang balingan ko ang mga ito. Mayroong nagulat at iba naman ay nagtaka.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nandito ako para sa ama ko."
"Wow! Amazing, did you know that you are the only princess from Cremury who is brave to face me?"
Hindi ko pinahalata ang pagkabigla, itinago ko rin ang kaba at mangangatog ng tuhod ko. Kailangan kong gawin ito alang-alang sa kaligtasan ng aking ama at ng iba pa.
"Saan ang aking ama?" pang-iiba ko dahil wala akong panahon para magkuwentuhan.
"Do you think I will give him to you?"
Alam kong hindi naman talaga ito papayag ng walang kapalit. Ito na ang oras para gawin ang plano ko, sana lamang ay gumana ito. Mas lalong lumamig ang aking mga kamay sa sunod na sinabi nito.
"Jail her, NOW!"
Kumilos isa-isa mga tauhan nito na nasa pinto ngunit bago pa man nito nahawakan ang mga kamay ko pinigilan ko na ang mga ito na siyang nagpahinto sa kanila.
"SANDALI!" sigaw ko.
Maging mga panauhin ng Prinsipe ay napatigil sa aking pagsigaw. Lumapit ako sa Prinsipe at dinalawang hakbang ko ang pagitan namin. Mas tumanda din ito dahil nag-iba ng kaunti ang hitsura ngunit makikita mo pa rin sa mga mata nito ang galit.
"Alam kong hindi kayo papayag na basta-basta kong makukuha ang aking amang Hari. Kaya naririto ako sainyong harapan." ipinalibot ko ang paningin habang sinasabi ang huling mga salita.
"Upang isuko ang sarili at pakawalan ang Hari."
Narinig ko ang paghigit ng nga hininga ng mga taong nasa paligid ko maliban sa prinsipe na sumilay lamang ang ngiti at agad ding nawala.
"Hindi ganun kadali ang lahat, prinsesa. Paano ko masisi---"
"Patayin mo ako kung iyan ang nais mo upang makapaghiganti sa aking Tiyo."
Tumitig ito saakin ng matiim, makikita ko sa mga matang ito na tila nawili ito saaking sinabi. Matagal ko na ring pinag-isipan iyon simula nang naglakbay kami pauwi rito at tanging ako lamang ang nakakaalam sa aking pasya.
"Iaalay mo ang buhay mo para sa kaligtasan ng iyon ama?" mang-ahang tanong nito.
"Hindi lang para sa kanya, kundi para sa lahat ng mga taong mahalaga sa akin."
"Nakikipagkasundo ako sa iyo Mahal na prinsipe." dagdag ko.
"Paano ako makakasigurong hindi mo ako lilinlangin?" pinanliitan ako ng mga mata nito matapos akong tanungin.
"Kung magiging tapat ka sa ating kasunduan." matapang na sagot ko.
Tumawa ito na tila sinapian ng demonyo agad ding tumahimik at nagsalita muli.
"Kailan mo balak umpisahan ang ating kasundu--"
"Bukas, palayain mo ang aking ama. Huwag mo ring sabihin na nakipag-usap ako saiyo ng sa ganun ay walang manggugulo sa mga Plano mo. AT! HUWAG NA HUWAG MONG SISIRAIN ANG KASUNDUAN NATIN." pagtataas ko ng boses rito.
"Bukas na bukas din." sagot nito.
Akmang aalis na ako nang bigla nagsalita ang Prinsipe.
"Saan ka pupunta?"
"Aalis."
"Dumito kana baka magbago pa ang isip ko at hindi ko papakawalan ang ama mo."
Napatigil ako sa sinabi nito, parte rin ito ng aking plano. Ayaw kong umuwi sapagkat natatakot akong malaman ng palasyo ng Intramuros sa gagawin ko.
"Maaari ko bang malaman kong saan ang aking silid?"
"Koring?" may tinawag itong tagapagsilbi at pinalapit saakin.
"Ihatid mo ang prinsesa sa kanyang silid ngayon na."
"Sandali." pigil ko.
"Huwag mo sana akong bigyan ng bantay sapagkat hindi naman ako tatakas. Buhay ng ama ko at mga taong mahalaga saakin ang nakasalalay rito."
"Kung iyan ang iyong nais." anito.
"Ihahatid ko na po kayo prinsesa." wika ng tagasilbi.
Pumasok agad ako sa silid, hindi ito ganun kalaki ngunit sapat na ito para saakin. Binuksan ko ang nag-iisang bintana rito, yumakap kaagad saakin ang lamig ng simoy ng hangin sa gabi.
Sana'y tama itong aking pasya, naisip ko kaagad ang pamilya ko lalo na si Viktur. Hindi ko man lang inamin sa kanyang Mahal ko siya. Ni hindi ko alam kung bakit at kailan, naramdaman ko na lamang bigla sa paglipas ng panahon. Ngunit kailangan ko siyang saktan para magawa ko ang plano ko.
KINABUKASAN.....
Mabilis na napabangon mula sa pagkakahiga nang naalalang wala ako sa Intramuros. Iginala ko ang paningin sa kabuo-an ng silid. Hindi ko pala naisara ang bintana ng aking silid kaya mula rito pumasok ang sinag nag araw. Lalabas sana ako saaking silid upang kakain at nagutom ako bigla nang mapansin ko ang mga pagkain sa isang mesang naririto sa aking silid.
Nagtatakang lumapit ako sa silid, pinihit ko ang busol ngunit sarado ito at hindi mabuksan. Kakalampagin ko na sana ang pinto nang makarinig ako ng usapan sa likod ng pintuan.
"Saan ka ba galing?"
"Pumunta ako sa Intramuros, inutusan ako ng Prinsipe na manmanan ang Heneral doon ngunit wala ito kaya bumalik agad ako."
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa narinig. Bakit ito ipinamanman ng Prinsipe? Kailangan ko siyang kausapin sapagkat ngayon ang usapan namin tungkol sa kasunduan. Ang aking ama kailangan kong malamang nakaalis na ito rito.
"Ang bihag?"
"Tinago ng Prinsipe sa liblib na lugar, hindi ko batid ngunit narinig kong sa isang kumang Sitio ito itinago."
Halos gumuho ang mundo ko nang marinig ito. Isa lang nasisiguro ko, hindi tumupad sa usapan ang prinsipe. Kailangan kong gumawa ng paraan upang makaalis rito. Hindi ko lubos maisip na walang isang salita ang sakim na prinsipe. Sapagkat alam kong hindi lang buhay ang nais nito, kundi ang trono at kapangyarihan.
Kinuha ko agad ang lalagyan ng palaso at pana ko. Lumapit ako sa bintana at pinagmasdan ang nasa baba. Kailangan kong maging maingat, dapat akong makatakas ngayon bago pa man may pumasok sa loob ng aking silid upang pigilan ako.
Nang wala na akong mapansing mga tauhan bg prinsipe sa baba sumampa agad ako sa bukas na bintana. Nakarinig ako ng yabag mula sa labas ng aking, mabilis na tumalon ako.
"Tumatakas ang prinsesa!"
Rinig ko mula sa taas ng aking silid, tumakbo ako sa likod-bahay. Mabuti na lamang at walang tagasilbi o guardia doon kaya malaya akong nakalayo sa bahay. Sa hindi kalayuan nakakita ako ng kabayo. Lumapit ako rito sabay kuha ng taki nito at sumampa. Nagulat ako nang may dumaplis na palaso sa kaliwang bahagi ng aking braso.
"Mierda!"
Nakita nila ako at ngayon ay hinahabol na. Iniinda ko pa rin ang hapdi ng aking sugat, napasigaw ako nang tumama ang pangalawang palaso sa kabayo. Kaya naging malikot ito at nahulog ako sa isang natungbang puno at tumama ang aking likuran na siyang nagpalabo ng aking paningin.
"Hindi maaari." bulalas ko.
🦋
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
General FictionANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...