KABANATA 15
Napatigil ako nang sandaling iyon, ngunit batid kung naguguluhan lamang ang prinsipeng ito. Kailan man ay walang dugong bughaw ang nananalaytay saaming lahat imposible ang mga sinasabi nito. Ayaw kong maniwala, ngunit iba ang pintig ng puso ko, agad napahawak ako rito. Bakas din sa galaw ni inay at kuya ang pagkagulat nang makita nila akong namimilipit na sa sakit ng dibdib. Hanggang sa unti-unting bumibigat ang paghinga ko maging ang katawan ko. Tanging sigaw ni inay ang huling narinig ko bago tuluyang sumara ang aking mga mata.
Nagising ako sa isang tahimik at hindi pamilyar na silid. Kinusot-kusot ko rin ang mga mata upang pumasok sa isipan ko ang aking mga nakikita. Isang magarang silid na tila ba ngayon ko lamang nakita sa tanang buhay ko. Pinalibot ko ang paningin hanggang sa pumasok sa isipan ko ang nangyari kanina. Agad akong umalis sa magarang kama at hinanap ang pinto. Malaki ang silid at nakakalula, ngayon ko lamang napagtanto ang bawat disenyo nito.
"Mahal na prinsesa. Gising na po pala kayo."
Pumasok ang limang babaeng may parehong mga suot. Nagulat ako nang may dala-dala itong mga pagkain at damit. Lumabas rin agad ang dalawang babae at naiwan lamang ang tatlo. Lumapit saakin ang babaeng may makinis na mukha, maganda ito at mukhang bata pa.
"Kumain na po kayo, prinsesa at mamaya po ay may selebrasyong magaganap bilang pagbabalik ninyo." nakangiting wika nito.
Pumasok sa isip ko sina inay, itay at kuya. Nasaan sila at bakit ako lamang ang naririto.
"Nasaan ang pamilya ko?" bakas sa mukha ng babaeng kaharap ko ang pagtataka.
"Nasa Palasyo ng Siam po Mahal na prinsesa at ang Haring Felipe po ay may pinuntahan lamang----"
"Hindi sila ang pamilya ko! Nasaan ang mga magulang ko at kuya? Dalhin niyo ako sa kanila ngayon din!" hindi ko na ito pinasagot pa at nakapadyak ang paang lumabas ako ng silid.
"Mahal na prinsesa! Hindi po kayo maaaring lumabas ng inyong silid at kayo'y pagagalitan ng Mahal na hari."
Hindi ko namalayang nakasunod na pala saakin ang babae. Lumingon ako rito at bakas sa mukha nito ang pag-aalala gayun din ang dalawang babaeng kasama nito kanina.
"Maaari bang huwag mo akong tawaging prinsesa, hindi ako ang hinahanap ninyo. Isa lamang akong Indio na naninirahan sa malayong Sitio. Wala akong alam sa kung sinong hari o reyna man ang inyong pinaglilingkuran."
"Ma-mahal na prinsesa, ano ba iyang sinasabi ninyo."
"Hindi mo ako naiintindihan, nais ko lamang ay makita ang pamilya ko! Dalhin niyo ako sa kanila." mangiyak-ngiyak na rin ako habang sinabi iyon sa kanila.
Hanggang sa mapaupo na lamang ako sa sobrang sakit ng dibdib dahil wala akong alam sa nangyayari ngayon at kung bakit nila ako tinatawag na prinsesa. Hindi ko namalayang inaalalayan na pala ako ng dalawang kababaehang kasama nito.
"Mahal na prinsesa, paumanhin po ngunit wala kaming alam. Kami po ay isang hamak na tagasilbi lamang, nais man namin kayong tulungan ngunit natatakot ako sa maaaring mangyari saamin at sainyo po."
Napaangat ako ng ulo dahil sa sinabi nito saakin. Ramdam kong tunay ang sinasabi nito dahil na rin sa boses nito. Batid kong wala na akong magagawa sapagkat naririto ako sa lugar na hindi ko man lang alam kung ano. Paano na ang pamilya ko, may nangyari kayang masama sa kanila? Hinahanap Kaya nila ako?
"Pumasok na po tayo sainyong silid Mahal na prinsesa. Kumain na po kayo at magbihis upang makapagpahinga muli."
Nakatuon ngayon ang atensyon ko sa babaeng kanina ko pa kausap. Isa siyang tagapagsilbi rito kaya nasisiguro kong may alam ito. Inalalayan nila akong makapasok muli sa silid. Hindi mawala saakin mga mata ang pagkamangha sa mga nakikita kong palamuti. Pinaupo nila ako isang upuan at pinagsilbihan. Bago ko pa man galawin ang pagkain ay magtanong na ako sa babae. Umalis na rin ang dalawa pa nitong kasama kaya dalawa na lamang kami rito sa silid.
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
General FictionANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...