Reyna at Hari

3 1 0
                                    

KABANATA 17


Isang linggong naka kulong lamang ako sa loob ng kaharian na kung tawagin ng lahat ng naririto. Nalulungkot man ay nilalabanan ko ito, hindi na rin nagpaparamdam saakin si Turyong o kahit si Matthias. Matapos ang pagdiriwang na iyon ay hindi nawala sa isipan ko ang pagdating ng mahal na reyna at hari. Ngayon ang nakatakdang araw ng kanilang pagdating. Gayun pa man kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari, Lalo pa't isasama ako ng nga ito pauwi sa kaharian ng Cremury.

Matagal ko ring inisip ng mabuti ang mga desisyon ko. Nagpapasalamat ako't may nakakausap rin ako sa mga nagdaang araw sa loob ng silid na ito. Si Rosa ang tanging nasasabihan ko ng mga problema ko, hiningi ko rin ang permiso sa haring Felipe na samahan ako paminsan-minsan ni Rosa sa aking silid upang ako'y malibang kahit papaano.

Marami ring nakuwento saakin si Rosa, isa na roon ay ang kanyang talambuhay. Galing pala itong bayan ng San Juan kung saan kami nakatira noon. Ngunit hindi ko man lang matandaan ang kanyang mukha. Batid kong mga bata pa kami noon, tatlong taon lamang ang agwat naming dalawa. Kaya hindi na rin ako nagpatawag sa kanila ng prinsesa tanging Liya na lamang kapag kami lamang ang magkakasama.

Kakaalis lamang nito sa silid ko, pinatawag siya sa baba Kung kaya'y lumaba na muna ito. Ako na Naman ang mag-isa sa malaking silid na ito. Naging sanay na rin ako sa katahimikang namumutawi sa silid. Minsan ay naka dungaw lamang ako sa bintana upang pagmasdan ang harden. Ngunit mas naging malungkot ako ng wala man Lang tao ang abala sa pangunguha ng mga bulaklak rito.

Kumusta na kaya sina itay at inay? Maging si kuya at Mara? Pati na rin si Lolo, Lalo na ang Sitio. Wala pa rin akong balita tungkol sa kanila, inaabangan ko rin ang sulat na ibinigay saakin ni Turyong o kaya Naman ay Kay Matthias. Pumasok sa isip ko ang pagdating ng hari at Reyna mula Cremury. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman, kung magiging masaya ba ako o magagalit kung bakit nila ako hinayaang mawalay sa kanila, naghihirap tuloy ako ngayon.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok rito bigla. Agad akong lumapit sa pinto upang pagbuksan ang kung sino mang kumatok rito.

"Liya, maghanda kana at paparating na ang iyong inang reyna at amang hari." natutuwang bungad saakin ni Rosa.

Nawala rin ang mga ngiti nito nang mapansin niyang hindi ako masaya. Mas nanaig saakin ngayon ang kaba.

"Huwag ka ng malungkot Liya, naririto lamang ako kung sakaling kailangan mo ng tagapagtanggol." ngumiti ito kaya napangiti na rin ako.

"Maraming salamat, Rosa." hinawakan ko ang mga kamay nito.

"Maraming salamat at nakilala Kita."

"Walang anuman Mahal na prinsesa, ikinagagalak ko ring makilala ang magandang prinsesang katulad ninyo."

"Ikaw talaga."

"Siya nga pala Liya, alam mo bang sa araw na ito ikaw lamang sa palasyong ito ang hindi masaya sa balitang darating ang hari at reyna galing Siam."

"B-Bakit naman?"

"Kasi ngayon lamang namin masasaksihan ang tunay na hari at reyna. Balato na rin siguro ang makilala ang kanilang anak na prinsesa at ikaw iyon. Hindi ko man hiniling na makilala ka ngunit ipinagdasal ko naman na mahanap kana. Ngayon ay nasa harap na Kita, nagpapasalamat ako sa maykapal at dininig Niya ang mga panalangin----"

Hindi ko na ito pinatapos at maluha-luhang niyakap ito. Naalala ko sa kanya si Mara, nangungulila na ako sa kanya.

"Maraming salamat, ngunit sana ay hindi muna ginawa. Iyo na lamang sanang ipinagdasal ang iyong sarili at pamilya." wika ko sa gitna ng yakapan namin.

Naikuwento nito saakin kung paano niya gustong makita muli ang kanyang pamilya. Nakarating lamang ito rito sa Intramuros dahil sa kahirapan, nagsisilbing ito sa rito sa palasyo upang makatulong sa pamilya ngunit hindi na nito makita pa nang minsang umuwi ito sa kanila.

"Ayos lang iyon, Liya. Naghihintay naman ako ng tamang panahon para sa lahat ng mga hiniling ko."

"Sana'y pagpalain ka."

"Salamat. O sya, maghanda kana ng iyong sarili at ako'y may kukunin lamang sa labas para saiyong panligo." nagmadaling lumabas ito sa aking silid.

Napabuntong-hininga ako nang maalalang kailangan kong maging maayos tingnan sa pagharap sa hari at reyna. Sana'y maging maayos ang lahat sa paghaharap namin.

Isang oras din akong abala sapagkat ayun sa aking Tiyo Felipe ay kailangan kong m maging maayos tingnan. Tinulungan rin ako ni Rosa, maya-maya pa ay umalis rin ito at tutulong lamang sa kusina para sa handang pagkain mamaya. Nasa harap ako ngayon sa lamaking salamin kung tanaw ko ang sarili. Parang hindi ako kundi parang isang taong nagbabalat-kayo lamang. Hindi ko aakalaing abot ako rito, akala ko panaginip lang lahat ngunit heto ako ngayon sa harap ng salamin at saksi ang silid na ito kung sino ako.

Maya-maya pa ay may kumatok ulit ng pinto. Bago ko pa man mabuksan ito ay may lumitaw sa maliit na butas ng pinto na isang papel. Pinulot ko ito at mabilis na binuksan ang pinto, ngunit wala na ang nagbigay nito. Inilibot ko ang paningin sa kabuo-an ng palasyo ngunit wala akong makita.

Kanino naman kaya ito? Isinara ko na ang pinto at umupo sa aking malambot na kama. Pinunit ko agad ang sobre, baka galing ito kay Turyong. Nang sandaling mabuksan ko ang sulat agad kong sinimulan ang pagbabasa at Tama nga ako galing ito Kay Turyong. Napangiti ako nang mabasa na ayos lamang ang aking pamilya at hinihintay lamang nila ako.

"Matagal-tagal pa ako rito inay at itay. Sana'y hintayin ninyo ang aking pagbabalik." wika ko sa aking sarili.

Muling mayroong kumatok sa pinto ng aking silid. Hindi pa man ako nakakatayo ay agad na bumukas ang pinto at pumasok si Rosa.

"Liya, maghanda kana at nasa labas na ang iyong Ina at ama." natutuwang bungad nito.

Hindi ko alam kung magagalak din ba ako at sa wakas ay makikita ko na ang tunay kong mga magulang o kakabahan sapagkat anumang oras ay pwede nila akong dalhin pauwi ng Palasyo Cremury.

"Maiwan ko muna kayo Mahal na prinsesa, bumaba na lamang po kayo kapag handa na kayo." anito na may pag-alala.

"Maraming salamat Rosa."

Tumango lamang ito at lumabas na rin. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng lahat ng ito? Ngunit kailangan kong manalig sa plano namin dahil sa paraang ito maililigtas ko ang sarili ko pati ang mga taong minamahal ko.

×××

Dahan-dahang isinara ko ang pinto ng aking silid. Humugot muna ako ng lakas ng loob bago tuluyang naglakad patungong hagdan pababa. Sakto naman ang pagbukas ng malaking pinto sa harap ng bahay at bumungad saakin ang isang magandang babae at lalaki kasama ang isang lalaking nasa labinlimang taong gulang pa lang. Sandaling napatigil ang mga ito nang mapatingin saakin si tiyo Felipe.

"Si-siyaa na-na ba?" manghang tanong ng babaeng may edad na ngunit maganda pa rin ito na para bang nakakatandang kapatid ko lang.

"A-anak?" wika ng isang lalaki katabi nito.

Kung hindi ako nagkakamali sila ang hari at Reyna.... Na aking tunay na ama at ina...




🦋

Ang Tagpuan Sa DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon