Ang Muling Pagtatagpo ng Dalawang Puso

0 0 0
                                    

KABANATA 27



Makalipas ang siyam na araw na paglalayag, sa wakas ay narating na namin ang daungan. Sa loob ng siyam na araw nabuo ang plano namin ni Matthias at sisiguraduhin kong mananalo kami sa laban na ito. Kung hindi naman lalaban ng patas ang prinsipe, mapipilitan akong mapalaban ng hindi rin patas rito.

"Humayo na tayo Princess."

"Tayo na."

Kasabay ng pagsakay ko sa kabayo ang paglabas ng mga kawal at hukbo ni Matthias. Mabuti na lamang at nagawan namin ng paraan upang hindi kami makakuha ng atensyon sa mga tao rito. Pinagbihis ko ang mga ito ng kasuotan ng mga simpleng mamamayan.

"Magandang umaga, prinsesa." bati saakin ng namamahala rito na naka tayo sa gilid ng daungan upang humarap sa mga mayayamang angkan.

"Saiyo rin, Tenyente." anito at napangiti sa Tenyente.

"Maligayang pagbabalik." anito at iminuwestra ang kamay sa daan patungong Intramuros.

Tumango ako bilang paalam at naunang pinatakbo ang kabayo. Sumunod din naman saaking si Matthias, habang ang ibang mga kawal ay inutusan kong maghiwa-hiwalay sapagkat iyon ang aming plano upang mas mabilis na matunton ang Hari.

Pabilis ng pabilis ang pagpapatakbo ko sa aking kabayo. Ganun na din si Matthias, nang makarating kami sa tarangkahan ng Intramuros agad kaming nakilala ng mga nagbabantay roong guardia sibil.

"Magandnag umaga Mahal na prinsesa, gayun din saiyo Tenyente. Ngunit bakit kayo hindi nagpasundo ng karwahe?" tanong ng isa sa mga guardia.

"Wala na kaming oras pa, naririyan ba ang Haring Felipe?"

"Ang heneral?" sunod kong tanong na siyang ikinalingon ni Matthias.

"Nasa loob ang Hari, Tenyente. Ngunit ang Heneral ay umalis kahapon at hindi pa nakakauwi." anito.

Mabilis na isinukbit ko ang lalagyan ng palaso at pana saaking likuran at iniliko sa kanang bahagi ang aking kabayo bagon humarap Kay Matthias.

"Pupuntahan ko ang Heneral, ikaw na ang maunang pumasok sa loob Commander. Ikaw ng bahala magbalita sa nangyari sa aking Tiyo. Babalik agad ako."

Mabilis na pinatakbo ko ang kabayo, narinig kong tinawag pa ako ni Matthias ngunit hindi na ako nagpatinag pa. Nais kong mabalitaan ang kalagayan ng aking pamilya at ganun na rin..sa kanya.

Mabuti na lamang at walang nagbago sa daan patungo roon. Mahigit isang oras na rin akong naglalakabay hanggang sa makarinig ako ng tunog na rumaragasang tubig. Ang ilog...

Pinahinto ko ang kabayo malapit sa daan pababa sa ilog. Nag-iisang ilong lamang ito rito kaya bumaba na akong upang makainom sa tubig na malinis malapit lang din dito. Kanina pa ako nauuhaw, sapagkat sa araw na ito hindi pa ako nakakainom.

Mabilis ang kilos ko pababa hanggang sa matanaw ko ang payapang ilog at malinaw na tubig mula rito. Saglit na naghilamos ako at lumapit sa bahaging kinukuhanan ng tubig ang nagsisilbing puso ang kawayang dinadaluyan ng tubig. Ginawa ito upang malinis ang tubig na iinumin at mabilis na malalaman kung ito ba ay maiinum.

Sa gitna ng katahimikang pag-inom ko rito. Nakarinig ako ng pag-apak ng paa sa dahong patay na. Nakalikha ito ng tunog kaya mabilis ang galaw na kinuha ko ang pana at palaso at ipinusisyon iyon sa sandaling may makita akong kahina-hinalang taong sumusunod saakin ay malayang mapana ko ito.

Ipinalibot ko ang paningin ngunit wala akong makita. Tanging ang tubig na rumaragasa mula sa itaas lamang ang nag-iingay sa tahimik na ilog na ito. Naglakad na ako malapit pabalik sa aking kabayo. Mabilis na ibinalik ko sa likuran ang pana at mabilis na pinatakbo ang kabayo ko.

Ang Tagpuan Sa DalampasiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon