KABANATA 22
Sa ilang araw namin sa barkong ito, tanging masasabi ko lamang ay marami na akong natutunan kung paano maging isang ganap na prinsesa. Simula sa mga tamang gawain nito hanggang sa tamang galaw. May dalawang araw na lamang kami sa barko at tiyak na naghihintay na saakin ang palasyo.
Mayroon pa rin naman akong kailangang matutunan pa. Katulad na lamang ng kanilang lengguwahe, ganun din ang englis. Bukas ay magsisimula na akong turuan ni Namdna patungkol naman sa nga lengguwahe.
"Kakain na tayo, ate." anunsyo nito sa may pinto.
"Susunod ako kapatid."
Ngumiti ito bago umalis. Nakatitig ako sa taling dala-dala ko mula pagkabata. Sumagi uli sa isipan ko Turyong, siya ka una-unahang nakaalam ng pagkatao ko maliban sa pamilya ko. Nang sandaling makapunta ako sa isla kung saan nakatira ngayon ang aking pamilya, hindi ko na tinanong ang mga ito kung bakit nila iyon nagawa sakin. Ang nasa isip ko ng mga panahong iyon ay ang makapiling sila sa huling pagkakataon bago man ako makaalis sa bansa. Kagaya nga ng sinabi saakin ni Turyong, malalaman ko rin ang lahat-lahat sa tamang panahon.
Lumabas na rin ako ng silid upang kumain. Nakatingin ang mga ito say sandaling naglakad ako papunta sa aking upuan.
"Ayos ka lang ba, anak?"
"Opo, ina." sa kagkakataong ito nagiging magaan na rin ang pakiramdam ko sa tuwing tinatawag ko itong ina.
"O sya, kumain na tayo at ng maaga tayong makapagpahinga." anunsyo saamin ni ama.
"Magiging maayos din ang lahat, ate." Sambit ni Namadna at pumasok na ito sa kanyang silid.
Tinulungan ko munang magligpit si ina. Wala kaming masyadong napag-usapan sa gitna ng hapag kanina kaya mabilis naman kaming natapos.
Nagpaalam na ako sa reynang pumasok sa aming tulugan. Ganun din sa amang hari, habang abala sa kababasa ng dyaryo. Pinagtimpla rin ito ng reyna at tumabi rito.
"Magandang gabi anak." sabay nitong wika.
"Magandang gabi rin po."
Nginitian ko ang mga ito at dahan-dahang naglakad. Napabuntong-hininga ako bago binuksan ang pinto papasok sa aming tulugan. Nakatikod saakin habang nakahiga si Namadna. Mukhang napagod ito kanina, isinama kasi siya ng amang hari sa labas.
Sumampa na ako sa aking katre at nahiga, nakatitig lamang ako sa ilaw na nasa gitnang bahagi Kung saan ito lamang ang nagsisilbing ilaw namin dito. Hanggang sa nakatulog ako, nagising ako dahil sa ingay ng pagsara ng pinto.
Inayos ko muna ang sarili bago lumabas, nasa malayo palang ako na parte nang marinig ko ang pag-uusap ni ama at ina mula sa kanilang tulugan. Nakaawang ng kaunti ang kanilang pinto Kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila.
"Mabuti na lang at hindi tayo nasundan ng aking kapatid Kung hindi mas magiging delikado tayo pagdating natin sa kaharian." tinig iyon ng aking ama.
"Diyos ko! Kaya nga nagpadala agad ako ng liham sa kaharian na gawing pribado at kaunting kawal lamang ang sumundo saatin at magsuot ng simpleng damit kapag tayo ay susunduin sa sandaling makadaong na tayo." tinig iyon ng ina.
"Hayaan mo, nasa kabilang silid lamang si Matthias. Siya ang bahala sa dalawa nating anak. Habang ibang karwahe naman ang sasakyan natin. Magkaibang direksyon ang ating tatahakin at ng walang makapansin." tinig iyon ng Hari, bakas dito ang pangamba.
"Anong ginagawa mo---"
"Shhh..." pinatahimik ko si Namadna baka marinig kami ng ina at ama.
"Halika sa loob."
BINABASA MO ANG
Ang Tagpuan Sa Dalampasigan
General FictionANG KUWENTONG LILINLANG KANINO MAN. Julia Sumatra, ang babaeng mahilig sa paglalakbay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Ngunit paano kung may matuklasang bagay na Hindi inaasahan? Ang bagay na kinakatakutan ng karamihan, ang mahulog sa taong hindi ina...